Chapter 8

57.8K 1.5K 258
                                    



Chapter 8
Kiss

Bumaba ako ng kotse ko ng maiparada ko iyon ng ayos. Ngayon kasi ang plano namin nila Gael na mag kita kita.

Tumawag si Lisa na nasa loob na sila ng mall ni Patrick. Mag kita kita daw kami doon sa restaurant na lagi naming kinakainan. Sakto at gutom na gutom na ako dahil hindi pa ako kumakain ng tanghalian.

Pag pasok ng mall, dumaretsyo ako sa second floor. Nakita ko ng nakaupo sa loob ng restaurant sina Lisa at Patrick, Pero si Gael ay wala pa.

"Good afternoon, Maam." Bati ng guard na nag bukas ng pintuan. Nginitian ko siya at nag lakad papunta sa lamesang inuupuan ng dalawa kong kaibigan.

"WOY!"

"Potangina!"

Pareho kaming natawa ni Lisa ng gulatin ko si Patrick. Siya kasi ang nakatalikod mula sa pintuan kaya hindi niya ako kita. Agad itong napatakip sa bibig ng mag tinginan ang ibang kumakain sa restaurant.

"Tangina ka, Ana! Nakakahiya tuloy." maarteng boses nitong sabi at kinurot sng tagiliran ko ng makaupo sa tabi Lisa.

"Kahit kailan talaga magugulatin kang bakla ka." Si Lisa.

"At least maganda." nag kunwari pa itong may hinawing mahabang buhok kahit gupit pang lalaki sng buhok niya.

"Where's Gael na? I'm so hungry na." Nakapalumbabang ani ni Lisa.

Nang mapatitig ako sa kaniya, Doon ko lang napagtantong parang namayat ito. Ang lalim din ng eye bags.

"What happened to you? Gash, Your eye bags and parang namayat ka." nag aalala kong tanong at hinawakan pa ang braso niya. Ramdam ko na ang buto niya.

"Tsk. Ayun na nga. Nag loko ang lolo mong pangit naman. So kapal." Singit ni Patrick.

Her boyfriend cheated on her?

"What? He cheated on you?" gulat kong tanong. Nang huli ko silang nakita ay ayos na ayos naman sila at sobrang sweet. Hindi mo pa nga yan sila mapaghihiwalay eh.

"Yup. With his boss. Tanginang yon." napairap sa hangin si Lisa.

"Jusko dai. Wag ka ng malungkot dyan. Malapit na atang mag senior yung pinalit sayo ng gagong yon. Kulubot na bes! Akum naman."

Natawa ako sa sabi ni Patrick. Kung makasabi ng kung ano ano ngayon parang hindi sinabihan ng gwapo yung boyfriend ni Lisa non. Kilig na kilig pa nga siya sa dalawa.

"What the hell is Akum? Saan mo nanaman nakuha yang salitang yan?" Si Lisa.

"Akum. Baliktad ng mukha, Pangit ganon. Basta!" paliwanag nito.

Napailing nalamang ako at inilabas ang telepono ko. I'll message Gael na nandito na kami.

"Oh, There's Gael. Gael!"

Naibaba ko ang telepono ko ng marinig ang sinabi ni Lisa. Nakataas ang kamay nito para kuhanin ang atensyon ni Gael. Si Patrick naman na nakatalikod ay inayos ayos ng buhok niya.

"Oh gosh, Does my foundation looks good? Ha? Ano? Girlsss!" nag mamadali nitong tanong at hinawak hawakan pa ang pisnge niya.

"Hey, Guys."

Napapikit sabay kagat labi si Patrick ng tapikin ni Gael ang balikat niya bago maupo sa katabi nitong upuan. Para hihimatayin sa kilig ang bakla. Gusto na atang mangisay ngisya dito.

Stanford Series #1: The Four Brothers ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon