Chapter 37

27.1K 820 82
                                    



Chapter 37
Going Home

Maaga akong gumising dahil ngayong araw ang alis namin papunta sa Pilipinas. Dalawang linggo narin ang nakakaraan mula ng yayaain kami nila Lucas na umuwi at tulad ng sinabi nila, linggo lang ang tinagal bago kami makakuha ng passport at visa ng nga bata.

Ala sais ng umaga, naligo ako at mabilis na kumilos dahil sasaglit pa ako sa pinagtatrabahuhan ko para mag paalam. Nakapag paalam naman na talaga ako sa boss namin pero gusto ko lang ulit bumisita para mag paalam ng personal. Sa message lang kasi ako nag paalam.

Alas syete na ng umaga ng matapos ako mag luto ng umagahan. Nag paalam nalamang muna ako sa katulong dahil tulog parin kahit si Lola.

Nag maneho ako sa pinagtatrabahuhan ko at dahil maaga naman iyong mag bukas ay may tao na pag dating ko. Bumaba ako ng kotse at nag lakad papasok ng pastry shop.

"Ano ba! Ang aga aga mo, Seth. Doon ka na." nagulat ako ng madatnan ko si Seth at si Boss sa cashier counter ng shop at parang mag jowang nag tatampuhan. Seryosong nakaharap si Boss sa computer at si Seth ay nakayakap mula sa likod nito at ang baba'y nakapatong sa balikat.

"I'm sorry." bulong nito at hinalikhalikan ang balikat ni Boss.

Anong nanyari? Ilang linggo lang akong nawala sila na ni Boss? Wala naman siyang nakwekwento na may something pala sakanila.

"Ehem." kunwari kong pagkasamid na ikinahiwalay nila. Nanlaki ang maya ni Boss at tsaka tumayo ng ayos bago itulak palayo si Seth at lumapit sa akin.

"Hey, Are you really leaving na?" malungkot nitong tanong sakin. Tinanguan ko siya ng may malungkot na ngiti sa labi.

Bumuntong hininga ito at tsaka ako niyakap.

"Thank you, Tashia. We're gonna miss you. Wala na akong matinong empleyado dito." natatawa siyang lumayo sa yakap ng marinig ang reklamo ni Seth na matino naman daw siya.

"Do want to have coffee first? Bago ka umalis?" alok ni Boss sakin.

"Pass na muna boss. Kailan pa kasi naming mag impake eh. Hindi ko pa naayos ang bagahe namin ng bata. Dumaan lang talaga ako para mag paalam sainyo."

Tumango siya sakin at ngumiti ng malaki. Sinulyapan ko si Seth na lumapit narin sa likod ni Boss.

"I'll see you when i see you Seth. Salamat." ngitian ko siya bago nag biro "Hindi na ako yayakap at baka talagang paalisin na ako ni Boss." malakas akong tumawa na ikinailing ni Boss.

"Kung pwede lang isama mo na yan papaalis Tashia para walang maingay dito sa shop."

"Grabe ka. Sorry na nga eh." malungkot na sabi ni Seth kay Boss ng nakanguso pero agad din niya iyong binawi ng lingunin siya nito at pannlakihan ng mata.

Under.

Natatawa akong umiling sa mga ito bago tuluyang mag paalam at umalis ng shop. Iniwan kong nag yayakapan ang dalawa at patuloy ang pag suyo ni Seth kung ano mang ginawa niya.







"Ayaw niyo po bang sumama, Lola? Sama na po kayo." pagkumbinsi ko kay Lola na sumama na sa amin pauwing pilipinas.

"Hindi na apo. Tsaka nalamang ako mag babakasyon doon. Tawag tawagan niyo nalamang ako at mamimiss ko ang makukulit kong apo. Wala ng maingay dito." Malungkot akong natawa sa sinabi niya. Niyakap ko si Lola ng mahigpit na mahigpit na tinugon naman niya.

"Salamat, Lola. Thank you po sa lahat lahat." pasasalamat ko. Siya ang tumulong sakin ng paalisin ako ni Mama sa pilipinas. Kahit nagalit siya noong una, tinulungan niya ako sa pagbubuntis ko, sa pag aalalaga at papalaki sa mga anak ko.

Stanford Series #1: The Four Brothers ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon