Chapter 17

47.8K 1K 467
                                    



Chapter 17
Swimsuit

It's their second day sa resort. Noong unang araw, nang dumating sila, wala silang ibang ginawa kung hindi mag pahinga at kumain. Si Lincoln ay walang tigil sa kakakulit kay Anastasia kaya ng magkita ang mga ito kinabukasan, halos hindi na siya bitawan.

Ngayon ay kakatapos lang nilang mag tanghalian at nag lalakad pabalik sa hotel rooms. Napag kasunduan kasi nilang mag swimming. Marami rami ring tao ang nag gagala at nag tatampisaw sa tubig.

Naka akbay si Levi kay Anastasia habang sila'y nag lalakad. Ang tatlo pang lalaki ay nasa likod nila. Sina Gael, Lisa at Patrick ay nauuna sakanilang mag lakad.

"Ano ba? Pag tayo nahuli." pinong kinurot ni Anastasia ang tagiliran ni Levi dahil panay ang nakaw nito ng halik.

Umarte si Levi na parang sobrang nasakatan at humawak pa sa tagiliran niya kung saan siya kinurot. "Owww, Baby."

Naiiling na natawa si Anastasia dahil alam niyang nag bibiro ito. Bigla namang napalayo sa pagkakaakbay si Levi ng tabigin siya ni Lucas at pumalit sa pagkakaakbay.

"Gago." angil ni Levi kay Lucas pero hindi siya pinansin nito at mas hinapit papalapit si Anastasia.

Habang tuloy sila sa paglalakad, napangiti si Anastasia ng makita ang isang grupo din ng mag kakaibigan na naka sakay sa isang banana boat. Natutuwa siya dahil kung sakali ay iyon ang una niyang beses na makakasakay doon.

"Love, Sakat tayo doon." turo niya sa apat sa grupo ng magkakaibigan.

"HmmHmm, Later. Make sure to put your sunscreen and wear your rash guard."

Napanguso si Anastasia sa sinabi nito.

"What? Anong rash guard?" kunot noo niyang tanong.

"Rash guard. Mag swiswimming tayo diba?" nilingon siya ni Lucas.

"Yeah, pero bakit rash guard? wala akong ganon."

Natigil sa paglalakad ang apat na magkakapatid na ikinatigil din ni Anastasia. Lahat to'y naningkit ang mga mata at natitig sa kaniya.

"What are you gonna wear?" si Louis.

"Swimsuit. Nasa beach tayo noh." kibit balikat niya.

"No." mabili na sagot ng apat.

"But we're on the beach!" parang bata niyang reklamo sa apat.

"So?" si Levi.

"So dapat naka swimsuit ako. Madami kayang sexy na babae dito na naka swimsuit. Tulad nun oh." kunwari'y may itinuro ito sa likuran nila kahit wala naman talaga.

Natahimik siya at lihim na napangiti ng walang ni isa sa apat na magkakaptid ang lumingon. Lahat ito'y seryosong nakatingin sakaniya.

"Still a no, baby. Sobrang daming lalaki dito. Hindi kami papayag." Ani ni Lincoln at nag simula na ulit silang mag lakad.

Nakangusong bumitaw si Anastasia sa pagkaka akbay ni Lucas at nilapitan si Lincoln na nasa likod. Nanlalambing itong humawak sa matitipunong braso ni Lincoln na parang puputok na ang damit nitong suot.

"Love, Pleaseee. Minsan lang tayo mag beach." pilit niya dito.

Nanatiling nasa nilalakaran nila ang tingin ni Lincoln at umiling iling. Natahimik si Anastasi at nag iisip kung paano papapayagin ang mga ito.

"Hindi na two piece. One piece nalang na swimsuit." tanong niya sa apat pero sabay sabay umiling ang mga ito.

"Ehhh! Ano susuot ko?"

Stanford Series #1: The Four Brothers ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon