Chapter 18

46K 1K 526
                                    



Chapter 18
Game

"Come on. Walanf kj ah!" hinihila ni Anastasia ang apat papunta sa buhanginan.

Malalim na ang dabi at wala ng masyadong tao sa may dagat. Pagod ang lahat sa pag lilibot nila buong araw. Swimming, Banana boat at kung ano ano pang activities ang ginawa nila.

Pag tapos mag hapunan, Nag kayayaan silang mag inom sa tabing dagat.

"Tsk. Sa kwarto nalang tayo." mahinang sabi ni Louis kay Tashia.

"Hindi pupwede. Come on. Mag iinom lang tayo. Tsaka nandyan naman kayo eh. Hmm?" piliti niya sa mga ito.

Wala ng nagawa ang apat ng makalapit sila sa buhanginan. May mga wood log doon na nakapalibot sa bonfire. Malamig na kasi tapos ay basa pa sila kanina na mas nag padagdag sa lamig.

May apat na kahoy na nakapalibot. Ang mag kakatabi ay si Lisa at Tashia. Si Lucas ni Lincoln, Si Levi at Louis at sa isa pa ay si Gael at Patrick pero wala pa ang mga ito dahil sila ang kumukuha ng alak.

"Wow. Grabe. Sobrang lamig." yumakap si Lisa sa sarili habang nasa apoy ang paningin.

"Oo nga. Dapat pala'y nag palit muna tayong damit." Si Tashia na yumakap din sa sarili.

Si Lucas na narinig ang daing ng dalawang babae ay hinubad ang suot niya jacket. Siya lang kasi ang bumalik sa hotel kanina para kumuha ng pera kaya siya lang ang nakakuha ng jacket.

Akala ni Anastasia'y sakaniya iaabot ng lalaki ang jacket pero nangunot ang noo niya ng kay Lisa ito iaabot.

What?

Hindi mapigilan nitong titigan ng masama si Lucas. Kahit ang tatlong magkakapatid ay nagulat din sa ginawa ng kakambal.

"Here. Wear this." abot ni Lucas ng Jacket kay Lisa na gulat din.

"A-Ah" Kinuha ni Lisa ang jacket. "Bes, Suot m-"

"It's fine. You can wear it. Hindi malamig." Aniya sa inis na tono ng boses at umirap sa hangin. Hindi naman iyon pinakita sa kaibigan pero sinadya niya ipakita kay Lucas.

"Come here." Pinausad ni Lucas si Lincoln na katabi para makausod din siya at magkaron ng space sa tabi nila.

Hindi kumibo si Anastasia at nanatiling seryoso ang mukha.

"Tsk." hinawakan ni Lucas ang pulsuhan nito at hinila palipat sa inuupuan nila.

"Ano b-" natahimik siya ng ipulupot ni Lucas ang braso sa buong katawan niya ng mahigpit na nakapagpainit at nakabawas ng lamig.

Mas masarap pa ito kaysa sa Jacket.

"Still cold?" tanong niya kay Anastasia na natahimik.

Umiling iling naman ito pero kinakabahan sa kung anong reaksyon ang kaibigan niya. Dahan dahan niyang sinilip ito. Akala niya'y magugulat ang reaksyon ni Lisa pero ng malingon niya ay hindi niya maintindihan ang reaksyon sa mata nito.

"Do you want me to get your jacket?" tanong naman ni Lincoln. Inangatan siya ng tingin ni Anastasia at umiling.

"It's fine. Hindi na ako gaanong nilalamig." lumayo siya ng kaonti sa yakap pero nanatiling nasa balikat niya ang kamay ni Lucas.

Maya maya pa ay dumating na sina Gael at Patrick na may dala dalang dalawang bucket ng alak. Isa isa nilang binigayan lahat bago maupo.

"So...What are we gonna do?" tanong ni Patrick na pinaglalaruan ang boteng hawak niya.

Stanford Series #1: The Four Brothers ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon