Chapter 33

28.4K 915 365
                                    



Chapter 33
Zoo

"Daddy!"

"Papa!"

"Dad!"

Kaniya kaniyang tawag ng mga bata ng pumasok sa front door sina Lucas, Lincoln at Levi na may dala dalang mga plastic bag.

Alas otso palang ng umaga at kakababa lang ng mga bata para kumain ng umagahan. Nag kaniya kaniya silang babaan sa upuan at tumakbo papunta sa mga ama nila.

Nag pakalong si Summer kay Lucas, Si Spring kay Lincoln ay sina Winter at Fall kay Levi. Kaniya kaniya silang halikan sa pisnge ng mga ama nila sabay bati ng goodmorning.

"Papa, Let's eat na po." aya ni Spring kay Lincoln. They call Lincoln "Papa", "Daddy" for Lucas and "Dad" for Levi. Tatlong araw na ang nakalipas mula ng paguusap namin ni Lincoln at araw araw narin silang pumupunta dito.

Nang maibaba nila ang mga bata, Hinila sila ng mga ito papunta sa lamesa kung saan kami nakaupo ni Lola. Inupo ng tatlo ang mga bata sa inuupuan nila kanina bago lumapit kay Lola para mag mano at humalik sa pisnge.

"Goodmorning, Lola." bati ng mga ito.

"Goodmorning din. Maupo na kayo at kumain." aya nito na sinunod naman ng tatlo. Ang pwesto namin sa lamesa ay magkatapat kami ni Lola. Nasa magkabilang tabi niya sina Fall at Winter habang nasa magkabilang tabi ko si Summer at Spring. Ang bakanteng upuan nalamang ay sa tabi ng apat na bata.

Akmang uupo na ang tatlo sa tabi ng mga bata ng mag salita si Summer.

"Bakit si Mama walang kiss at goodmorning?" tanong niyang ikinagulat ko. Bakit ba ganito ang mga tanong ng batang ito. Nakanguso pa siya sa tatlo at parang curious na curious sa tinatanong niya.

"A-Ah 'nak, Kain na kayo." Sabi ko para mawala ang kailangan sa lamesa at mabago ang topic. Kinuha ko ang lalagyanan ng kanin at nilagyan ang pinggan ni Summer.

"Oo nga po, Papa, Dad, Daddy. Bakit si Mama walang kiss? Dapat meron din po kasi Mama namin siya tapos kayo po Papa namin." akala ko ay ligtas na ako sa tanong na yon ng dagdagan pa ni Spring ang tanong ng kapatid.

"Well, Ask your Mama if it's ok to kiss her." Napasulayap ako kay Levi ng sagutin ang tanon gng anak namin. May mapaglarong ngiti sa labi nito.

"Mama, Diba ok lang naman po? Papa naman namin sila eh." Si Fall bago bumalik sa tatlo ang tingin. "Kiss niyo na po si Mama para eat na tayo po."

Ano ba naman tong mga anak ko. Bakit ganito ang mga trip ngayon. Ilang araw naman ng pumupunta ang apat dito at ilang araw narin naming kasabay kumain ng umagahan pero ngayong lang sila nag sabi ng ganito.

Bago pa ako makapag-reac muli. Naramdaman ko nalamang ang paglapat ng tatlong labi sa pinsge ko sabay bulong ng "Goodmorning, baby."

Halos hindi ko na maramdaman ang mukha ko sa sobrang init noon kaya yumuko ako para itago ang mukha ko. Sigurado akong para na akong kamatis sa pula.

"Yiiiee!"

"Yehey!" sigaw ng mga bata pagkahalik ng tatlo. Narinig ko rin ang mahinang pag tawa ni Lola.

"K-Kumain na tayo." Pag putol ko sakanila at tinuloy ang paglagay ng pagkain sa pinggan ni Spring at Summer.

"See Papa, Dad, Daddy? Nakiss niyo si Mama. Ang galing po, Gumana yung plan-" Hindi natapos ang sasabihin ni Summer ng takpan ni Levi ang bibig niya. Yumuko ito para halikan ang pinsge ng bata tsaka inalis ang takip sa bibig.

Stanford Series #1: The Four Brothers ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon