Chapter 10

58.6K 1.3K 451
                                    



Chapter 10
Cousins

"Tashia? Hey, Tashia?" Napabalik ako sa reyalidad ng sumulpot sa harapan ko si Ate Seri.

"Y-Yes?" umayos ako ng pagkakaupo mula sa pangangalumbaba sa lamesa. Nasa cafe kami ni Ate Cheen at nag kakape.

"Are you ok? Kanina ka pa wala sa sarili." Si Ate Ishka.

Pano ko ba sasabihin to. Pano ko ikwekwento sa kanila ang sinabi nila kuya noong isang araw. Tatlong araw na ang lumipas mula ng umamin sila at simula non ay panay na ang iwas ko sa apat. Bibihira akong lumabas ng kwarto at hindi rin ako sumasabay ng kain sa kanila.

"Tashia?" Si Ate Cheen na nakaupo sa tabi ko.

"A-Ah...Kasi ate..." napakamot ako sa likod ng ulo ko.

"What?"

"Sila kuya..."

"What happened? Nag away nanaman ba kayo?" Si Ate Cheen.

"H-Hindi....Oo? Hindi ko alam. Ang gulo kasi nilang apat. Noong isang araw umuwi silang lasing tapos bigla akong hinalikan ni Kuya Levi sa labi-"

"What?!" sabay na sigaw ni Ate Cheen at Ate Ishka. Buti nalang at walang tao sa coffee shop.

"I'm not even surprise. Halata." Nag kibit balikat si Ate Seri at sumimsim ng kape niya.

"What do you mean not surprise ate? Umamin silang may gusto sila sa akin." Pag kwento ko na ikinalaki nanaman ng mata nila Ate Cheen at Ate Ishka pero si Ate Seri ay nag kibit balikat lang ulit.

"Bata palang tayo halata ko na noh. Iba yung tingin nila sayo. Hindi bilang kapatid."

Halata ba? Bakit ako hindi? Para sa akin ay bilang sweet na kapatid lang sila sa akin kaya ganoon kami ka close sa isa't isa.

"Are you sure hindi na sila lasing, Tashia? Baka naman may tama pa yung apat. Baka lasing lang." Naguguluhang ani ni Ate Ishka.

Mabilis akong umiling sakaniya dahil sigurado akong matino na sila noon. "No ate. I'm sure sober na sila noong nag usap kami. I'm so sure."

Hindi din maipinta ang mukha ng dalawa kong pinsan at parang gulong gulo sa ikwinento ko. Kahit ako ba naman din. Ilang araw na akong hindi makatulog ng ayos at nahihirapan na akong iwas iwasan sila kuya lalo na't kami kami lang ang tao sa bahay.

"What do you feel noong sinabi nila yon? It's wrong Tashia. Magkakapatid kayo." Si Ate Cheen.

"It's not. It's fine. As long as you're not blood related naman. I think it's fine." singit ni Ate Seri.

Fine? Nothing's fine ate. Maling mali yon. Iniisip ko palang na malaman nila mama yon ay nanginginig na ako. Baka ibalik pa ako nila mama sa ampunan pag nalaman nila ang tungkol doon.

"E-Eh hindi ko alam kung anong mararamdaman ko noong mga oras na yon ate. Galit, Lito, Hindi ko alam. Pero ewan ko ba bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko non"

"Delikado ka na." napatingin kami kay Ate Seri na iiling iling at sumubo ng cookies na nakahain sa lamesa.

"Tashia, Do you feel something din para sa kanila? I mean not as your brothers. As a man? As sila, ganon?" Lumapit pa si Ate Ishka na para bang iniimbistigahan ako.

"N-No. I-I don't know. Basta ang alam ko mahal ko sila bilang kapatid ate. I don't know. Gulong gulo na ako." pinatong ko ang siko ko sa lamesa at isinubsob ang mukha sa palad. "Iniisip ko palang kung anong magiging reaksyon nila mama pag nalaman yon ay naiiyak na ako." Naramdaman ko ang pag haplos ni Ate Cheen sa likod ko para pakalmahin.

Stanford Series #1: The Four Brothers ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon