Chapter 38

27.1K 829 123
                                    



Chapter 38
Home

"What's that po?" turo ni Summer sa isang tricycle habang nakatingin sa labas ng bintana.

"That's tricycle. Pwede kang sumakay dyan pag may pupuntahan ka imbis na mag kotse." sagot ni Louis na kandong siya at itinuro naman ang isang jeep.

"Then that one si called jeep. Sa tricycle, isa hanggang apat lang kayong makakasakay pero dyan sa jeep madami kang makakasabay." pagpapaliwanag nito sa anak.

"Ayaw ko po sakay dyan, Dada. Mainit po dito tapos edi pag sumakay po ako dyan mas mainit po. Gusto ko po may aircon." natatawa akong napailing sa explenation ni Summer.

Sobrang reklamo ng apat na bata kanina pag dating namin dito sa pilipinas. Alas otso na ng gabi ng dumating kami dito sa pilipinas at ngayon ay nasa sasakyan na kami pauwi. Sinundo lang kami ng dalawang driver ulit dahil hindi kami kasya sa isa. Tulad ng bago kami umalis, kami nina Louis, Lincoln at Summer sa isang kotse ang sina Lucas sa kabila kasama narin si Maggie.

"You need to learn how to commute, Summer. Pag laki mo gagawin mo din yang at hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay naka kotse ka." sabi ko rito pero mabilis tong umiling sakin ng nakanguso at kunot ang noo.

"Ayaw po Mama." nilingon niya si Louis. "Dada diba pwede naman po akong mag car lang hanggang paglaki po? Ayaw ko po dyan mainit po." parang gusto na niyong mag tantrums na ikinatawa ni Louis.

"Yes you can. Tsaka para siguradong ligtas ka." hinalikan niya ang sintido nito na ikinatuwa naman ng bata.

Napailing nalang ako at tumahimik sa buong byahe. Pinakingan ko nalamang ang pag kwekwentuhan ng mag aama hanggang sa marating namin ang bahay.

Still look the same. Walang nag bago.

Sabay ng pag pasok namin sa gate, ay pasok din ng kotseng sinasakyan nila Lucas. Sabay na pumarada ang kotse sa harapan ng bahay at sabay sabay kaming bumaba.

"Wow. It's much bigger po doon sa bahay ni Lola. Malaki din po ba ang pool dito Dad?" tanong ni Winter kay Lucas na kalong kalong siya.

"Yup. Mahilig mag swimming ang mommy niyo dati doon."

Napangiti ako ng maalalang lagi kaming nandoon nila Ate Seri pag pumupunta sila. Noong mga bata pa kami ay kami naman ng apat ang laging nandoon.

Kinuha ko lang ang handbag ko ay iniwan na sa mga driver ang mga bagahe namin at si Maggie. Sila na ang bahala mag pasok noon. Kanya kanyang kalong nanaman ang mga bata sa mga ama nito. Gising ang mga ito bukod kay Fall na bagsak na sa balikat ni Levi.

Pag dating namin sa harapan ng front door, bumukas iyon at agad nagulat ang nag bukas. Si manang Fe. Gulat na gulat itong nakatingin sa aming lima lalo na sa mga batang kalong ng apat.

"A-Anastasia." Nakangiti akong lumapit sakaniya at niyakap ng mahigpit na mahigpit. Hindi agad ito nakareac sa gulat pero nang tumagal ay tinugon din ang yakap ko.

"Jusko, Bumalik ka na." hindi parin makapaniwala nitong sabi. Pag layo sa yakap, nabaling ang tingin niya sa mga bata na kalong ng apat.

"A-Anak niyo ba sila?" muling lumipat sakin ang tingin niya. Tinanguan ko siya ng may maliit na ngiti sa labi. Napangiti din siya sakin at sa mga bata bago ayaing pumasok sa loob.

Walang pinagbago ang loob ng bahay. Ang kulay, Gamit at mga dekorasyon ay parehong pareho mula ng umalis ako. May mga katulong kaming nakasalubong na mukhang gulat din ng makita kami pati ang mga bata.

Stanford Series #1: The Four Brothers ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon