Chapter 36

27.2K 764 159
                                    



Chapter 36
Visit

"Mama, Where are we going po?" tanong ni Spring habang binibihisan ko silang apat. Nakaupo na sina Fall, Winter at Summer na tapos ko ng ayusan.

"We're going to your kuya. Bibisitahin natin siya kasama ang mga Daddy niyo." Inunat ko ang tshirt ni Spring bago paupuan at kumuha ng suklay para ayusin ang buhok nito.

"Yey! I'm gonna bring toys po." Si Fall.

"Ako din!" Si Winter.

Bumaba silang dalawa mula sa pagkakaupo sa kama at kinuha ang bag nila kung saan namin nilalagay ang laruan pag nagdadala sila kay Snow. Lumabas ang mga ito ng dala ang bag at alam kong sa playroom sila pupunta.

"Mama are you ok na po? Sakit pa po katawan niyo po?" Tanong ni Summer sakin habang sinusuklayan ko si Spring.

"Hindi na anak. Ok na si Mama." sagot ko.  Pag gising ko kaning umaga ay nawala wala na ang sakit ng likod ko. Ang kamay ko naman ay may hapdi pa ng kaonti pero kaya ko naman ng gamitin.

"Okay po. Papunta na po ba sila Papa, Mama? Gusto ko na po pumunta kay Kuya." Dagdag ni Summer.

"Maybe. Wala silang sinabing oras pero baka parating na sila." sagot ko. Levi texted me earlier na pupunta daw kami kay Snow. I don't even know saan niya nakuha ang number ko. Nang tanungin ko siya, hindi naman niya sinagot.

"Ayan, Ang gwapo gwapo talaga." nangigigil kong hinalikan ang noo si Spring bago siya pakawalan.

"Syempre po, Mama ko. Thank you po!" tumatawa nitong sagot tsaka bumaba ng kama at sumunod sa playroom.

"Ako din po Mama kukuha po ng toys." Paalam sakin ni Summer.

"Osige. Maliligo na muna ako. Wag masyado madami ang dalhin ha 'nak?" tinanguan ako ni Summer bago siya nag tatakbo papalabas.

Pag labas nila, Isinarado ko ang pintuan ng kwarto ko at nag simulang kumilos. Iniligpit ko muna ang mga ginamit ko sa mga bata bago kumuha ng sarili kong damit at dumaretsyo sa banyo. Halos tumagal din ako ng isang oras doon hanggang sa makabilis at makapagpatuyo ng buhok.

Inayo ko ang bag ko at inilagay ang ilang importanteng bagay doon bago lumabas at bumaba sa unang palapag.

Pag baba ay naabutan ko na sa may salas ang mga bata at ang mga ama ng mga ito. Nakaupo sa sofa ang apat habang ang mga bata ay nasa carpet at inaayo ang bag nila na puno ng laruan. Pinipilit nila iyong pagkasyahin sa isang backpack.

"Arghh! Ayaw na po sumara, Dad!" inis na reklamo ni Fall kay Levi na pinapanood sila.

"Mag bawas nalang kayo ng kaonti para magkasya." Suhestyon nito sa nga bata na bagsak ang balikat siyang sinunod.

Tuluyan akong bumaba at nilapitan sila sa salas. Ramdam ko ang pagtitig ng lahat sa akin paglapit ko sa mga bata.

"Nak, Bawasan natin yang laruan niyo ha? Yung kasya lang dyan sa backpack." sabi ko sa mga ito na masunurin namang tumango at isa isa ulit nilabas ang mga laruan para piliin lang ang kakasya.

"How are you feeling?" napaangat ang tingin ko kay Lincoln na nag tanong.

"I-I'm fine." ngumiti ako ng maliit bago ibalik sa mga bata ang atensyon. Madaming laruan ang nabawas pero parang puputok padin ang bag sa dami.

"Summer let's not bring your big doll. Kaya ayaw mag sara nung bag eh." Sabi ni
Winter kay Summer na napanguso.

"Kuya, Iisa nga lang yung toy ko eh, kayo ang madaming cars and truck na dala." sagot nito ng kunot na ang noo.

Stanford Series #1: The Four Brothers ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon