Chapter 19

48.1K 1.1K 445
                                    



Chapter 19
Kama

"Get up!" galit na utos sa akin ni Lincoln ng maibaba nila ang bucket ng alak at isinuot sakin ang jacket.

"P-Pero..."

"Get up, Anastasia. Halika na." hinawakan niya ang pulsuhan ko at hinila palayo kina Gael. Kasunod naman namin ang tatlo.

Ramdamn ko ang galit nito dahil sobrang higpit ng pagkakahawak sa pulsuhan ko.

"A-Aray! Lincoln!" reklamo ko dahil sa sakit sa pulsuhan.

Hindi ako nilingon o sinagot nito pero naramdaman ko ang pagluwag ng hawak niya. Tuloy tuloy lang kaming nag lakad hanggang sa makarating kami sa elevator ng hotel.

Walang kumibo sa akin ni isa sa apat.

"Look. It's not what you think ok?" lumipat ako sa harapan ng apat para sa akin sila mapatingin.

"Tsk." Si Levi na nasa pintuan lang ng elevator ang tingin.

"I'm just comforting, Gael." Kinalma ko ang tono ko at hinawakan sa braso ni Lucas.

"Pag ba nag cocomfort kailangan may yakap pa ng ganon? Isa pa, Bakit mo hinalikan yung Patrick na yun kanina ha?" mataas na tono ng boses na sabi ni Lucas.

Napabuntong hininga ako. "Wag na nga kayong mag selos kay Patrick at Gael. Ilang beses ko bang sasabihin sainyo na kaibigan ko lang si Gael at bakla nga si Patrick."

"At ilang beses din ba naming sasabihin sayo na wag kang lumapit sa dalawang yon?" Napaawang ang labi ko sa lakas ng boses ni Lincoln. Binitawan ko ang braso ni Lucas at nag iwas ng tingin ng maramdamang nanginit ang gilid ng mata ko.

Bumalik ako sa sulok ng elevator at pilit itinatago ang mukha ko dahil kaonti nalang ay tutulo na ang luha ko.

Nakakainis na talaga. Wala namang akong ginagawa. Totoo namang kaibigan ko lang talaga yung dalawa. Isa pa, Halatang halata naman na bakla si Patrick. Irit at galaw palang non ay halatang halata na.

Saktong bukas ng pintuan ng elevator ay tulo din ng luha sa pisnge ko.

"Lagi kasi kayong walang tiwala." parinig ko sa apat bago lumabas sa sobrang pagkainis.






Ang apat na lalaki na naiwan sa loob ng elevator ay nagkatinginan. Napailing ang mga ito bago sundan si Anastasia.

Dare daretsyo itong nag lalakad papunta sa kwarto nila ni Lisa pero pag tigil niya sa harapan non tsaka niya lang napagtantong wala sakaniya ang card ng kwarto.

"Argh!" bwiset niya sinipa ang pinto sa inis.

Ang apat ay tumigil sa likod niya.

"Bwiset! Bwiset!" basag ang boses niya habang patuloy na sinisipa ang pinto.

"Come on." hinawakan ni Levi ang braso ni Tashia pero hinawi niya ito.

"Halika na." muli niyang hinawkaan ito at hinila papunta sa kwarto nilang magkakapatid.

Mas lumakas ang hikbi ni Tashia ng makapasok sila sa kwarto.

Kumawala siya sa pagkakahawak ni Levi at dumaretsyo sa damitan. Kumuha siya ng isang tshirt at boxer bago dare daretsyong pumasok sa banyo.

"Tashia." tawag ni Louis pero hindi niya iyon pinansin.

Ibinaba ni Tashia sa lababo ang kinuha niyang damit bago nag hubad at pumasok sa shower. Wala paring tigil ang luha nito sa inis sa apat.

Stanford Series #1: The Four Brothers ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon