Special Chapter 2

21.5K 545 79
                                    

(This is the time na buntis palang si Tashia sa kambal.)

Special Chapter 2
Autumn and Monsoon

"Bwiset kayo! Wag niyo nga akong kausapin! Ayoko kayong kausap!" Sigaw ni Anastasia sa apat na asawa na pilit siyang sinusuyo sa kama.

Mag aalas dose na ng gabi at inaaway niya ang mga ito dahil walang ibang ginawa kung hindi mag telepono ng mag telepono.

"Love tama na. Halika na tulog na tayo." Malambing na sabi ni Lucas at iginagaya ang buntis na si Anastasia para mahiga sa kama pero hinawi nito papaalis ang kamay ng asawa.

"He! Wag niyo akong hawakan, naiinis ako sainyo! Siguro may ka-chat kayo noh kaya lagi kayong nag tetelepono." Kunot noo ito at pilit iniiwas ang sarili niya tuwing susubukan siyang hawakan ng kahit sino man sa apat.

"Baby, Wala nga kaming kausap. Tama na, kailangan mo ng matulog." Sinubukan ulit siya hawakan ni Lincoln pero hinawi niya ulit ang kamay nito at biglang tumayo sa kama.

"Baby!" Nag aalalang sabay sabay na sabi ng apat dahil sa biglang pag tayo nito.

She's 9 months pregnant with their twins at kabuwanan na niya kaya alalang alala ang apat sa galaw at kilos nito.

"Bakit ha? Siguro kausap niyo yung Kylie na yon noh!"

Napasampal sa noo si Louis ng mag simulala nanaman ito. Kunot noo at nakapameywang silang tinitignan ng asawa. Simula ng mag buntis ito, mas lumala ang pagiging selosa. Kahit nga anak nila ay minsan pinagseselosan.

"Love, We already talked about this. Nananahimik na yung tao oh. May sarili na ngang pamilya si Kylie at madami na silang anak. Sinabi narin namin sayo noon na isang taon ng maka-alis ka noon, tinigilan na niya kami at inilayo na siya ni Kyle sa amin." Pag papaliwanag muli ni Levi sa hindi na mabilang na beses. Simula ng mabuntis ito, walang ng tigil ang pag seselos nito kay Kylie kahit ilang beses ng ipinaliwanag ng apat na tinigilan na sila nito at ngayo'y kaibigan nalang talaga.

"Hindi ako naniniwala! Alam ko galawan ng babaeng yon noon pa! Malay ko ba kung nakikipag kita padin kayo don, ha!"

Hindi na malaman ng apat kung paano nanaman papakalmahin ang asawa nilang parang sasabog nanaman sa inis.

"Baby, Come on. Stop this, hindi na nga namin siya nakakausap. You can check our phones." Ani ni Louis pero mas naiinis lang si Anastasia.

"He! Ewan ko sainyo. Doon ako sa mga bata matutulog." Sabi nito tsaka tinalukaran ang mga asawa at nag namadaling mag lakad papunta sa kabilang kwarto kung nasaan ang mga bata.

Maingat niyang binuksan ang pinto at nakitang magkakatabing nakahiga sa kama ang mga anak niya. Malaking malaki ang kama ng mga ito at kasya pa silang lahat. Malaki talaga ang binili nila dahil malilikot din matulog ang mga bata.

Ang pagkakapwesto ng mga ito ay nasa kaliwa si Spring na nakadagan ang kaliwang kamay sa dibdib ni Fall na katabi niya. Si Fall naman ay nakadagan ang isang paa sa hita ni Summer na nasa tabi niya at si Summer naman ay nakadagan ang kamay sa mukha ni Winter na nasa kabilang dulo. 

Parang nawala lahat ng inis niya ng makita ang mga anak niyang mahimbing ang tulog. Nakanganga pa ang mga bibig nito.

Nilapitan niya sina Winter at maingat na tinangal ang kamay ni Summer na nakadagan sa mukha ni Winter para hindi ito mahirapang huminga. Umikot siya sa side ni Spring dahil malaki ang space doon at doon siya humiga.

Inayos niya ang kumot nilang lima bago tumagilid at yakapin ang apat niya anak.

"Love?"

Napamulat si Anastasia na inaantok na sana dahil sa boses ni Levi na nang galing sa labas ng kwarto. Biglang bumalik lahat ng inis sakaniya.

Stanford Series #1: The Four Brothers ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon