Chapter 42

26.3K 695 230
                                    


Chapter 42
Christmas with Stellar


5!

4!

3!

2!

1!

"Merry Christmas!" sabay sabay naming sigawan pag patak ng alas dose ng gabi. Talon ng talon ang mga bata habang kami na nakaupo sa sofa ay nakangiting pinapanood sila.

"Let's open the gifts! Open the gifts!" tatalon talong sabi ni Spring.

"Ok. Sit down on the carpet, we will give you your gifts, ok?" Si Lincoln na tumayo mula sa pagkakaupo sa tabi ko at pumunta sa may christmas tree. Punong puno ng laruan ang baba non at isa isa niyang tinignan ang mga pangalan.

Lumapit ako sakaniya at tinignan ang mga regalo.

"I'll get some of our gifts for Summer para kay Stellar." bulong ko sakaniya ana tumango naman sakin. Siya mismo ang namili ng regalong ibibigay kay Stellar at tinangal ko naman ang tag na nandoon para alisin ang pangalan ni Summer. We have so many gift na hindi lang tig sasampung regalo ang mga bata kaya ayos lang na kumuha ng ilan para kay Stellar.

Pag lingon namin sa mga bata, nakaupo na sila ng nakahanay at nakaharap sa sofa kung saan nakaupo sina Levi pati narin si Papa.

"Ok, This is for Fall." inilagay ni Lincoln lahat ng regalo namin kay Fall sa harapan nito.

"Wow! It's so many!" tuwang tuwang sabi nito.

"This one is for Winter." nilagay niya sa harapan ni Winter ang mga regalo.

"This one is for Spring." nilagay niya sa harap ang kay Spring.

"This one is for Summer." inilagay niya ang regalo sa harap ni Summer na tuwang tuwa at pumapalakpak pa.

"And this one..." lumapit ako kay Stellar dala ang tatlong paper bags na nag lalaman ng regalo. "Is for you, Stellar." pinatong ko sa harapan niya ang mga regalo.

Mukhang nagulat siya at hindi inaasahang pati siya ay meron.

"P-Pati po ako po may gift po?" hindi makapaniwalng tinuro niya ang sarili.

"Yes. That's for you." nginitian ko siya.

Mabilis na namula ang ilong nito at nagulat ako ng yakapin niya ako mula sa leeg ko.

"T-Thank y-you p-po." humihikbi niyang sabi na nakapagpangilid ng luha ko.

She's a sweet girl. She really doesn't deserve Lisa as her mom.

"You're welcome." nilayo ko siya sa yakap at pinunasan ang luha niya sa pisnge.

"Sige na. Start opening your gifts." sabi ko bago tumayo at naupo pabalik sa sofa.

Agad nag bukasan ang mga ito at napuno ng sigawan ang buong salas. Tuwang tuwa kami sa mga rekasyon ng mga ito at halos mag tatalon pa sa saya.

Stanford Series #1: The Four Brothers ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon