Chapter 35

30.2K 947 228
                                    



Chapter 35
Snow

"Nak, dahan dahan. Wag niyo siyang ipitin ha." sabi ko sa mga bata na nakaupo sa sofa at pinaglalaruan ang bago nilang aso. Her name is Maggie. She's a 3 months old Maltipoo at kulay light brown.

Tulad ng pangako ng mga ama nila, Ibinili agad sila ng aso nito kinabukasan agad noong pag tapos naming pumuntang zoo. Sinama nilang apat ang mga bata para sila mismo ang mamili.

Ngayon ay inaantay din namin sila dahil nag aya naman ang mga bata na mag swimming sa pool. Nag pabihis na nga ng rush guard ang mga ito pagkatapos naming kumain ng tanghalian. Ala una kasi dadating ang apat. Pumayag narin ako sa gusto ng mga bata dahil sabado naman.

"Ow, Ow, Maggie is kissing me!" humahagikgik na sabi ni Fall ng dila dilaan ni Maggie ang pisnge niya.

They're so cute. Idagdag pa si Maggie na parang naging kalaro na nila. Pag uwi nila kahapon ay kumpleto narin ng gamit si Maggie. Mula sa pagkain, tali, damit, laruan, pampaligo at kung ano ano pang kailangan ng mga ito.

"Goodmorning." napalingon kaming lahat ng marinig ang boses ni Lucas galing sa front door. Kasabay nito papasok sina Louis, Levi at Lincoln. May dala ang mga ito na backpack.

"Papa!"

"Daddy!"

"Dada!"

"Dad!"

Inabot sakin ni Fall si Maggie tsaka sila nag takbuhan sa mga ama nila. Kaniya kaniyang kalungan ang mga ito at ang mga bata ay humalik sa pisnge nila. Tumayo ako ng sofa na kalong si Maggie.

"Dada, We slept with Maggie po kagabi."pag kwento ni Spring kay Louis na kalong siya.

"Really? Is Maggie a good girl? Behave ba siya kagabi?" sabay sabay na nag tanguan ang mga bata.

"Yes po. Then we feed her kanina, naubos niya po yung food niya. Ang cute cute niya Daddy!" Si Summer kay Lucas na kalong siya.

"Eh kayo, Kumain na ba kayo?" Tanong ni Lincoln na si Fall ang kalong.

"Yes, Papa. Mama cooked our favorite beef steak." Si Fall. They also like beef steak na paborito namin ng apat noon.

"You like beef steak? That's our favorite also." si Levi.

"Wow. Yes po Dad. May beef steak pa po doon po sa lamesa po. Kain po kayo bago tayo mag swimming po." Si Winter.

"We're full pa 'nak. Kakakain lang din namin. Do you want to swim na?" Tanong ni Lincoln sa mga bata na agad namang nag tanguan at nag pababa sa pagkakakalong.

"Mag papalit lang kami." Paalam ng apat bago isa isang pumunta sa banyo para mag palit.




"Wow, I wanna have those too. It's so cool. How do you get that Papa?" Curious na tanong ni Fall kay Lincoln tungkol sa abs nito na kitang kita dahil naka topless siya. Ganon din sina Louis, Levi at Lucas. Lahat sila ay nasa swimming pool na, Nakaupo ang apat sa hagdanan ng pool habang ang mga bata ay nag tatampisaw na nakatayo sa harapan nila. Ako naman ay nanatili lang na nakaupo dito sa tabi at pinapanood sila.

Stanford Series #1: The Four Brothers ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon