Chapter 32

28.6K 906 334
                                    



Chapter 32
Louis and Lisa

Nakaupo ako sa malaking kama sa playroom habang pinapanood ang mag aama na nag lalaro. Sina Lucas at Levi ay kalaro ang tatlong batang lalaki ng kotse kotsehan habang si Lincoln naman ay kay Summer nakikipag laro. Nakaupo siya sa sahig at si Summer ay sakaniyang hita habang nilalagyan ng kung ano ano make up ang mukha nito.

"Kukuha lang akong miryenda." paalam ko sakanila. Tumango ang mga ito sakin bago bumalik sa paglalaro.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumabas ng kwarto. May mga katulong na nag lilinis sa second floor. Pag baba ko sa first floor, wala namang ibang tao dahil parang halos lahat ng katulong ay nasa pangalawang palapag na. Si Lola ay wala din doon. Baka nasa kwarto lang.

Dumaretsyo ako sa ref sa kusina para mag hanap ng ihahandang miryenda. Sandwich at juice nalang ang gagawin ko. Inilabas ko mula sa ref ang ham at itlog para sa tinapay at ang orange juice para sa inumin.

Habang nag piprito ng ham, biglang may mabibilis na yabag ako narinig pababa at papunta sa may gripo. Pag lingon ko ay si Lincoln na nagmistulang clown sa pagkakamake up ni Summer. Dali dali nitong hinuhugasan ang mukha niya.

"Pfft." napaiwas tingin ako sabay pinagdikit ng madiin ang labi ng muntik ng kumawala ang tawa sa bibig ko. Nakakatawa naman kasi talaga ang itsura nito.

"What?" rinig kong tanong nito. Paglingon ko, Hindi ko na mapigilang matawa ng makita sng mukha niya na basang basa ng tubig at ang make up ay kumalat sa buong mukha niya.

Seryoso lang itong nakatingin sakin habang walang tigil ang pag tawa ko ng malakas. Hindi ko na talaga mapigilan. I never imagine na magpapamake up siya ng ganon.

"Don't laugh at our daughter's make up. She did well." aniya bago bumalik sa lababo at tinuloy ang paghuhugas ng mukha. Ako naman ay natigil sa pag tawa ng marinig ang sinabi nito.

Our daughter...

Napailing ako sa sarili ko bago ibalik ang atensyon sa niluluto. Ilang minuto ko pang narinig ang pagragasa ng tubig mula sa lababo bago iyon patayin. Sunod kong narinig sng pagkuha ni Lincoln ng tissue para siguro pangpunas sa mukha.

Mag lilimang minuto ng natahimik ang buong kusina kaya sa tingin ko'y umalis na si Lincoln pero nagulat ako ng papatayin ko na sana ang kalan na pinaglulutuan ko nang may pares ng brasong yumakap sa bewang ko mula sa likod.

"L-Lincoln." gusto kong murahin ang sarili ko sa pag utal ko. Ramdam na ramdam ko kasi ang init ng hininga siya sa leeg ko dahil nakasiksik ang pisnge niya doon.

"A-Ano ba. Bumalik ka na sa mga bata nag lulu-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng hawiin niya ako paharap sakaniya. Inusod ako nito sa may bandang lababo at isinandal ako sa tiles na lamesa doon. Siya naman ay tinuon sng dalawa kamay sa magkabilang tabi ko dahilan para makulong ako sa pagitan ng kamay niya.

"Let's talk please?" nangingiusap ang mga mata nito at nagmamakaawang kausapin siya.

"W-Wala naman tayong dapat ng pag usapan. Maayos na kayo ng mga bata hindi ba?" iniiwas ko ang mukha ko dahil sobrang lapit ng mukha niya sakin.

"Meron. We have to talk about us, Tashia." hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya.

"I don't believe what you said that night. I know and i'm sure na minahala mo kami. O kung mahal mo parin ba kami..." pahina nitong sabi.

Totoong minahal ko sila noon. Sobra sobra. Ang kaso nga lang ay nag kagulo noon dahil sa hindi nila pag apruba. Sobrang bigat ng pakiramdam ko ng araw na iyon dahil pakiramdam ko'y sakin sila galit lahat. Na sinisisi nila ako kung bakit may relasyona kami ng apat kaya ng sabihin ni Mama na dadalhin niya ako kay Lola at bigla nalamang ganoon ang ginawa ko sa gulo ng isip ko.

Stanford Series #1: The Four Brothers ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon