Chapter 34

28.1K 963 592
                                    



Chapter 34
Zoo 2

"Tashia." Napatigil ako sa paglalakad at nilingon kung sino ang tumawag sakin. Si Levi na tumatakbo papalapit.

"Can we talk? I want to tell you something." Aniya ng makalapit sakin.

"Yeah. Bibili lang ako pagkain." sagot ko dahil papunta ako sa tindahan ng mga sandwich at inumin para sa mga bata at sa amin nadin. Iniwan ko sila na naglilibot sa may mga ibon at nag paalam akong bibili lang.

"Samahan na kita." Alok nito na hindi ko naman tinagihan. Sabay kaming nag lakad papunta sa tindahan. Hindi naman gaanong kahaba ang pila at nasa anim na tao lang ang nasa harapan namin.

"What is it?" tanong ko sakaniya. Tumitig ito sakin at parang kabado na nag iisip ng sasabihin.

"W-Well umm, We talked to Louis last night at...nasabi namin yung tungkol sa mga bata." Napalunok ako sa sinabi niya pero hindi naman ako umalma. It's his children after all. Hindi ko naman siya pwedeng tangalan ng karapatang makilala ang mga anak niya.

"O-Ok." mahina kong sagot at nag iwas ng tingin.

"He's coming." naibalik ko kay Levi ang paningin ko ng mag salita siya.

He's coming? Papunta si Louis dito ngayon?

"N-Now? I mean, How can i explain it to our kids now. Nag eenjoy pa sila sa pamamasyal."

Hindi naman sa sinasabi kong magugulo ang pamamasyal ng mga bata pero hindi ko rin kasi alam ang magiging reaksyon ng mga ito pag nakita si Louis. Sigurado akong napakaraming tanong nanaman ang matatangap ko lalo na kung bakit hindi sabay na nag pakilala si Louis sa tatlo pa nilang ama.

Anong sasabihin ko? Na kasi may iba siya pamilya kaya ngayon lang siya pumunta? Wag lang siyang pupunta ditong kasama ang babae niya at talagang hindi ko ipapakilala sakaniya ang mga anak niya.

"We'll explain. Kami na ang bahala sa mga bata. I'm sure you're thinking na madami silang tanong pag nakita si Louis. Kami na ang bahala." Saad niya.

Well, Goodluck.

Bumubuntong hininga akong tumango sakaniya bago ibalik sa tindahan ang atensyon. Kasunod na kami ngayon sa bibili.

Pagkatapos ng bumibili sa harap, Nauna na akong mag lakad kay Levi para umorder.

"Hi, What can i get for you?" tanong ng babae sa tindahan. Pinasadahan ko ng tingin ang menu nila bago umorder.

"4 orders of cheesy hotdog, 4 orders of hungarian hotdog, 3 orders of large french fries and 9 bottled water, Please." order ko sa babae.

"Ok, That would be $87, would that be cash or card?"

Hindi pa man lang ako nakakasagot sa tanong ng babae ay may kamay na na umabot sa babae at inaabot ang isang black card.

"Card." sagot ni Levi bago kuhanin ng babae ang card niya.

Hindi na ako umusap at inantay nalamang na ibigay ang inorder namin pagkain. Si Levi ang nag buhat ng dalawang malaking plastic bag tsaka kami nag lakad pabalik sa mga bata.

Nakita naming nakaupo ang mga ito sa isang mahabang upuan sa harapan ng kulungan ng mga ibon. Turo ng turo ang mga bata sa mga ibon habang pinupunasan sila ng likod ng dalawa.

"I like the rainbow one." si Summer.

"Yeah that's nice." si Spring.

"Do you want a bird? I'll buy you one." Tanong ni Lucas sa mga bata.

Stanford Series #1: The Four Brothers ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon