Chapter 39

26.5K 808 157
                                    



Chapter 39
Lisa

Bumitaw ako sa pagkakahawak sa kamay ni Lincoln ng papasukin kami ni Papa sa kwartong tinutuluyan ni Mama. Nakaupo si Mama at nakasandal siya kaya kitang kita niya kaming pumasok.

"A-Anak...Tashia..." tinaas niya ang kamay na parang inaabot ako. Dahan dahan ko siyang nilapitan ng madiin ang pagkakakagat sa ilalim na labi. Ang dating masiglang si Mama ay naging mahina at parang pagod na pagod na.

Maingat akong naupo sa tabi ng kama nito at inabot niya ang kamay ko para hawakan. Sobrang payat ng kamay na ramdam na ramdam ko na ang buto niya.

"M-Ma..." Nasa kamay namin ang paningin ko tawag.

"N-Nak...I'm s-sorry...Pasensyan na. I'm sorry sa lahat ng ginawa ko...I'm sorry." hirap na hirap na sabi ni Mama sa pagitan ng paghikbi niya. Naupo si Papa sa kabilang tabi ni Mama at hinagod ang likod nito para pakalmahin.

"Hon, Calm down. Hindi ka pwedeng umiyak ng umiyak. Calm down." pagpapakalma ni Papa pero mas lalong lumalakas ang iyak ni Mama.

"Ma-"

"I'm sorry...I'm sorry, nak. Pinagsisihan ko ang lahat. I'm sorry." hirap niyang sabi hanggang sa pipikit pikit ang mata niya na parang nahihilo.

"Hon? Hon?!" isinandal ni Papa anf ulo ni Mama sa balikat niya dahil parang mawawalan na ito ng malay pero tuloy parin sa pagiyak.

"Ma, Kumalma ho kayo." naiiyak kong sabi at hinimas ang kamay niya. Sinenyasan ni Papa ang apat na tawagin ang Doctor at si Louis ang sumunod ng utos na iyon. Madali din siyang nakabalik na may kasamang doctor.

Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama at lumapit sa apat para bigyan ng espasyo ang doctor. Nanginginig ang mga kamay kong yumakap sa bewang ni Levi habang tinitignan sila Mama. Pinahiga siya ng Doctor bago simulang check up-in.

"Hindi siyang pwedeng maistress at umiyak dahil lalong sasakit ang ulo niya." sabi ng Doctor kay Papa bago harapin si Mama na medjo kumalma na. "Mrs. Stanford, you really have to decide kung mag papaopera ho ba kayo. Mas lumalala ho ang sakit niyo at kailangan na nating tangalin yan sa mas lalong madaling panahon. Mas mabuti ho kung ngayong linggong ito na natin magawa ang operasyon." Sabi ng Doctor kay Mama pero agad itong umiling sa nag iwas ng tingin.

"Hon, Please. Mag paopera ka na. Please."  pangungumbinsi ni Papa na halos umiyak na sa tabi ni Mama habang kapit ang kamay nito pero hindi man lang kumibot si Mama.

Kumawala ako sa yakap kay Levi bago bumalik sa tabi ni Mama. Yumuko ako ng kaonti at inabot ang kamay niya.

"Ma?" napunta sakin ang paningin niya na halatang malalim ang iniisip.

"P-Please...Mag paopera na ho kayo." tumulo na ang luha sa pisnge ko. "Please ma? Babawi pa kayo samin hindi ba? Babawi pa kayo samin ng mga apo niyo." nag bara ang lalamunan ko sa iyak. Naramdaman ko ang paghigpit ng kamay ni Mama ng marinig ang tungkol sa nga apo niya.

"Please, Ma?" muli kong pilit at sa pagkakataong ito ay unti unti siyang tumango sa akin. Nginitian ko siya at hinalikan ang kamay niyang hawak ko bago harapin sng doctor.

"We'll do the surgery tomorrow, Doc."

"N-No..." napabalik ang tingin ko kay Mama ng sumingit siya.

"I-I want to see my g-grandkids t-tomorrow...A-After that...You can do the s-surgery." mabagal niyang sabi. tinignan ko si Papa na tinanguan nalamang ako.

"Ok, Ma." hinarap ko ang Doctor.

"We'll do the surgery on friday, Doc." Saad ko. Tumango ang Doctor sakin at ngumiti ng maliit.

Stanford Series #1: The Four Brothers ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon