Chapter 27

30.9K 973 212
                                    



Chapter 27
Pictures

"Are you done eating?" napaangat lahat ng tingin namin ng pumasok si Gael sa private room. May dala dala itong tray na may lamang mga iba't ibang klase ng ice cream.

"Wahh! Ice cream! Ice cream!" Sigaw ni Summer ng amos amos pa ang labi niyo dahil sa kinain kanin.

"Yes tito, We're done na po." magalang na sagot naman ni Spring.

Lumapit sa amin si Gael at ibinaba ang tray ng ice cream sa lamesa. Pumapalakpak pa sa saya si Summer na parang gusto na agad dumukot ng ice cream.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko para kumuha ng tissue pang punas sa bibig ni Summer. Habang pinupunasan ko siya, panay ang tanong niya kay Gael.

"Tito what's this?"

"That's rainbow flavor."

"Wow! eh this one po?"

"That one is cherry flavor."

"Wow!" muli nitong reaksyon at tumingala sakin. "Mama there's so many flavors. I don't know ano po uunahin." seryoso niyang ani.

"Anak, Isa lang. Gusto mo bang sumakit lalamunan mo tapos iinom ka ng gamot?" pananakot ko dahil alam ko ayaw na ayaw niya ng gamot.

"No mama, No! Ayaw gamot po. Pait kaya yon." aniya sa mapait na mukha na ikinatawa ko. Tinapos ko ang pagpupunas sakaniya bago muling bumalik sa inuupuan ko.

"May kailangan pa akong asikasuhin." si Gael at lumapit kay Patrick. "Hon, Ikaw na muna bahala ulit."

"HmmHmm. Don't worry, ako na bahala sa mga batang ito, Hon." humalik pa siya sa pisnge ni Gael bago ito palabasin.

"What do you guys want?" tanong ni Patrick sa apat na kaniya kaniya namang turuan ng flavor ng ice cream. Kay Fall ay vanilla, Kay Spring ay chocolate, Kay Winter ay Strawberry at kay Summer ay rainbow flavor. Agad nag kainan ang mga ito pagkabigay ni Patrick.

"Ikaw?" Mula sa pagkakapanood sa mga bata, Nilingon ko si Patrick na may hawak na dalawang cup ng ice cream.

"Kahit ano." aniya ko. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko bago ibigay ang vanilla flavor na ice cream.

Masayang kaming kumain sa loob lalo na ang mga bata. Tado kwento sng mga ito sa Tito Patrick nila tungkol sa mga bagong laruan, bagong cartoons pati narin sa pag punta namin kah Snow kanina.

"Bumisita na kayo kay Snow?" napalingon ako kay Patrick. Napangiti ako ng mapait bago tumango. Ganon din siya at hinawakan ang kamay kong nasa ilalim ng lamesa.

"Bibisita din kami mamaya pagkasarado nitong resto. Bumili din kami bulaklak at regalo kay Snow." parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya. Hindi nakakalimot sila Patrick at Gael kay Snow. Mapa birthday, Pasko, New year o basta may okasyon ay napunta ang mga ito doon at nag dadala ng bulaklak at regalo. Madalas ay laruan ang regalo nila na inuuwi ko din para pag bisita namin ng mga bata sa simenteryo ay laruin nila.

"Thank you, Patrick. I'm sure matutuwa si Snow." nagkangitian kami bago siya bumaling kay Summer.

"Baby Summer tell your kuya Snow Happy birthday, Ok?" Lagi rin kasi ikinekwento ni Summer na napapanaginipan niya si Snow.

"Oki Tito. I will tell kuya later po." sagot ni Summer bago sumubo ng malaki.

"Hayst, She's so cute talaga." Si Patrick habang nakapalumbaba na tinitignan si Summer. He really likes to buy dresses for Summer. Lagi din niya itong iniipitan pag napunta sila sa bahay o kami ang napunta sakanila.

Stanford Series #1: The Four Brothers ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon