Chapter 22

38.3K 906 86
                                    



Chapter 22
Tattoo

"B-Bakit nandito na sila Mama?" Kabadong tanong ni Anastasia at napahigpit ang kapit sa damit ni Levi na nakayakap sakaniya. Nasa labas palang sila ng gate ng bahay at inaantay mabuksan ng katulong ang gate.

"Paano kung may sinabi na pala si Lisa o si Kylie kila Mama kaya maaga silang umuwi?" nag papanic niyang inangatan ng tingin si Levi. "A-Ayokong bumaba." iiling iling at napapahikbi nitong ani.

"Baby, calm down. Baka naman napaaga lang talaga ang uwi nila." Hinapit niya ito papahilig sa dibdib niya at hinaplos ang buhok para pakalmahin.

Tinuloy ni Lincoln na nag dadrive ang pag pasok ng kotse sa garahe ng mabuksan na ng katulong ang gate. Paulit ulit na kinakalma ni Anastasia ang sarili hanggang sa tumigil na ang kotse.

Naunang buksan ni Lucas ang pintuan sa side niya. Inilahad nito ang kamay kay Anastasia. "Come on." Pinunanasan ni Anastasia ang mata niya bago tangapin ang kamay ni Lucas.

Hindi maipaliwanag na kaba ang nararamdaman ni Anastasia at pahigpit ng pahigpit ang hawak sa kamay ni Lucas habang nag lalakad sila papasok ng bahay. Sumalubong sakanila si Manang Fe na nag bukas ng front door.

"Oh, Bakit ang aga niyong Lima?" taka nitong tanong. "Nandyan na nga pala ang Mama't Papa ninyo." Mas nilakihan niya ang bukas ng pinto para tuluyan silang makapasok.

"M-Manang." Tawag ni Tashia ng akmang mauuna ng pumasok ang matanda. Nilingon nito si Tashia at tinaasan ng kilay.

"G-Galit ho ba sila Mama?" Wala sa sariling tanong ni Anastasia. Nangunot ang noo ni Manang Fe sa pagtataka sa tanong nito pati narin sa namumula mula pa nitong mata.

"Galit? Bakit naman sila magagalit? Eh ayun nga ang Mama niyo sa pangalawang salas at ipinapalabas na agad ang mga pasalubong sayo." Tinuro niya ang pangalawang salas ng bahay.

Nakahinga ng maluwag si Anastasia at napatingin sa apat na ngumiti naman sakaniya. Parang nabunutan din ng tinik sa dibdib ang mga ito.

"Salamat, Manang." pasasalamat ni Anastasia bago nangungunang mag lakad papunta sa pangalawang salas nila.

Papalapit palang sila sa salas ay dinig na dinig na nilang lima ang boses ng nanay nila na utos ng utos sa katulong.

"Ilabas mo iyan. Pati yan, Tsaka ayun. No not that, the Chanel one. Pati yung Gucci na box. Ayan, Ayan!"

Napapangiti na agad ni Anastasia sa mga tatak na naririnig niya na alam naman niyang pasalubong sakaniya ng magulang nila. Bumitaw si Anastasia sa hawak kay Lucas at naunang lumapit sa salas. Nakaupo ang magulang nila sa sofa at ang dalawang katulong ay nakaluhod sa sahig ay inilalabas ang mga nasa maleta.

"Ma, Pa." masayang tawag ni Tashia na nakapag palingon naman sa mag asawa.

"Princess." Gulat na ani ni Hugo at tumayo para salubungin ng yakap ang anak.

"I missed you, Anak." Sabi nito sabay halik sa sintido ng anak.

"I missed you too, Papa." pag layo niya sa yakap, nabaling ang tingin niya kay Victoria na nakatayo narin sa tabi nila.

"Mama" masaya nitong tawag at yayakap na sana ng pigilan siya nito at titigan sa mata. Napalunok siya sa pagtitig niyo.

"Wait, Wait. Did you cry, Anastasia?" kunot noo nitong tanong.

Napalunok si Anastasia at hindi makaisip ng ipapalusot sa nanay nila. Bumaling ang tingin ni Victoria sa apat na lalaking anak na nakatayo sa likod ni Tashia.

Stanford Series #1: The Four Brothers ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon