Chapter 40

27.8K 843 146
                                    



Chapter 40
Mama

"Lola, luto niyo rin po kami ng beef steak. Paborito po namin yon tapos sabi po nila Papa masarap daw po kayo mag luto po noon po." Sabi ni Winter kay Mama.

Nakaupo kami sa garden ng opsital at inilabas namin si Mama ng kwarto niya. Pinayagan naman siya ng doctor pero isa hanggang dalawang oras lang daw ang pwede.

Nakaupo ang apat na bata sa damuhan sa harap ng wheelchair ni Mama kung saan siya nakaupo. Nakatayo si Papa sa likuran ni Mama at kami ng apat ay nakaupo sa mahabang upuan na bato.

"I will, Apo. Paboritong paborito din iyon ng mga Papa't mama ninyo. I'm sure you will like my beef steak." Nakangiting sagot ni Mama at tuwang tuwa sa mga apo.

Mag dadalwang oras na kaming nandito sa ospital at kanina pa walang tigil sa pagkwekwentuhan ang mga lolola. Tuwang tuwa si Mama sa mga bata pero hindi pa namin binabangit ang tungkol kay Snow dahil alam naming sisisihin niya ang sarili niya.

Habang nag kwekwentuhan ang mga bata, nilingon ni Mama si Papa sa likuran niya at may binulong. Nakita ko nalang ang pagtango ni Papa tsaka nilapitan ang mga apo.

"Apo, Gusto niyo bang sumama kay lolo? Bibili tayong ice cream." aya niya at wala ng sinayang na segundo ang mga bata at nagtayuan agad. Humawak sa kamay ni Papa sina Summer at Spring habang ang dalawa pa ay nakakapit din sa kamay ng mga kapatid kaya mag kakahawak silang lahat.

Tatalon talon ang mga bata habang nag lalakad sila papalayo sa amin. Nang tuluyan na silang mawala sa paningin namin ay tinawag ni Mama si Levi para itulak ang wheelcahir niya papaharap samin.

Nakaharap na ang wheelcahir na inuupuan niya at si Levi ay nanatili nalang nakatayo sa likod niya.

"I want to talk to you all." Seryosong sabi ni Mama.

"About what, Ma?" tanong ni Lincoln.

"About what i did..." bumuntong hininga siya bago tignan si Louis.

"Nak. Stellar is not really your daughter. Hindi ba't kaming dalawa lang ni Lisa ang pumunta noon para ipa-dna siya? Nang lumabas ang resulata ay nag negative ang test, Imbis na magalit ako sakaniya noon ay tinulungan ko pa siyang magpangap dahil gusto ko nga kayong pag hiwalaying lima noon. I'm sorry anak. Pinagsisisihan ko ang lahat." sinseryong sabi ni Mama. Si Louis ay hindi sumagot at nanatiling tahimik. Alam kong nag pipigil itong may masabi.

"I just want to say sorry sainyong lima bago ang operasyon bukas. I'm doing the operation para makabawi pa sainyo pati sa mga apo ko pero...p-pero kung hindi man umayon sa plano ang operasyon-"

"Ma, Don't say that. Magiging maayos ang operasyon bukas at babawi ka saaming lahat." pagpapalakas ko ng loob niya at hinawakan ang kamay. Matamis siyang ngumiti sakin bago muling mag salita.

"Pag hindi lang naman, anak. Hindi natin masisiguro. Kaya gusto ko ng humingin ng pasensya sa lahat ng ginawa ko sainyo dahil ayokong mawala ng hindi ko nakakausap ang mga anak ko."

"Ma!" nakanguso kong reklamo dahil paulit ulit niya sinasabi iyon. She won't at hindi kami papayag.

Yumuko si Levi mula sa likuran ni Mama at hinalikan ang pisnge niya. Yumakap ito ng mahigpit na mahigpit.

"Love you, Ma." bulong niya na nakapagpangiti kay Mama.

"I love you too, Nak. Mahal na mahal ko kayong lima." inangat ni Mama ang kaliwa niyang kamay papunta sa pisnge ni Levi at hinaplos haplos iyon.

Nag patuloy ang kwentuhan namin nila Mama at inamin na niya lahat lahat ng ginawa niya tulad ng pagpigil niyang makakuha kami ng passport at visa, hindi makatawag sa pilipinas at kung ano ano pa. Sinabi niyang ang hindi daw niya nalaman tungkol sakin ay ang mga apo niya. May mga inuutusan lamang daw kasi siyang pumigil sa mga ginagawa ko pero hindi niya alam ang balita doon.

Stanford Series #1: The Four Brothers ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon