Prologue

285 12 4
                                    

Copyright © 2022 by Deleesha Faith

All rights reserved. No part of this book can be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, without permission from the writer.

This book is a work of FICTION. Names, characters, places, and incidents are products of the writer's imagination. Any resemblance to actual events, locales, or persons, living or dead, is entirely coincidental.

_________________

P R O L O G U E

"IYAN ANG mahirap sa inyo. Wala kayong respeto sa paniniwala ng iba. Porque hindi kayo same beliefs, kulto na agad. Feeling n'yo, kayo ang tama at mapupunta sa langit. Kaming kabilang sa kultong iniisip ninyo, sa hell. Hindi lang sa inyo pinagkakaloob ang salvation."

"Mag-pray at devotion ka nga, baka kulang ka na riyan kaya sinasagot mo 'ko nang ganito. Ipag-pe-pray na lang din kita. God bless, Abigail."

Nagpaalam na siya pero nagsalita ako kaya hindi siya umalis. "Iyan na naman. Akala ninyo, kapag nag-pray kayo, malaking tulong na. Mas mainam sana kung inunawa n'yo ang tulad naming nahihirapan sa mga laban kaysa sabihin na i-pag-pray at mag-pray. At higit sa lahat, porque against sa 'yo, God bless na lang?"

Lahat na lang sila, mababa ang tingin sa religion na kinabibilangan ng family ko.

Hindi niya ako sinagot. Umiling siya t'saka tuluyan nang umalis.

Ano ba'ng magagawa ko kung ayaw ng family ko sa ibang religion?

Mas mabuti nang hindi ko na lang nalaman ang truth na 'to para hindi nagulo ang buhay ko. E 'di sana, payapa ako ngayon kasama ang parents ko. Hindi ko na lang sana pinaglaban. Gusto ko nang kalimutan ang lahat ng 'to. Parang nagsisimula na 'kong i-hate ang religion. It is just separating people. Sumisikip ang dibdib ko sa kada judgement ng ka-churchmates ng mga kaibigan ko.

"Gusto ko na lang kalimutan ang pananampalatayang 'to. Pagod na 'ko sa judgements! Lintik talagang religions-- bakit kasi ang dami-dami at hindi alam ano ang tama?" Biglang nagkaroon ng itim-itim sa paligid ko at unti-unting nilalamon na iyon ng dilim. Feeling ko, babagsak ako anytime.

"Abigail!" Sumigaw siya sa pagtawag sa 'kin. Si Dolor na nagdala sa 'kin dito sa church at mukhang nagsisi ako na nagpadala ako sa kanya. Dinig ko ang tumatakbong yapak ni Dolor hanggang sa wala na 'kong alam sa nangyayari.

________

MUST READ:

Religion used in this story is the people who believe in Christ and some of them deny Him in their works and some truly love Him.

I hope this story can help the Christians to realize something.

This story is sensitive because of beliefs under Christianity. The writer wants that Christians to understand the people who leave the church.

The purpose of the writer is to leave the readers with reasons why there are people who don't believe in God, and leave religion. A bad experience is not the only reason why people leave religion... There are many reasons.

Religious Environment: Bad Experiences (Completed)Where stories live. Discover now