Chapter 17: Affected

6 7 0
                                    

17: Affected

Dolores

NASA CLASSROOM na 'ko. Tumingala ako sa orasan, mag-a-alas siete pa lang ng umaga. Hinihintay ang teacher namin sa Business Math. Kaya habang wala pa si Ma'am, nagbabasa muna ako ng lectures kasi biglaan siyang nagpapa-recitation o quiz after discussion.

"Dolor, sana maintindihan mo na titigil muna ako pansamantala sa pag-attend sa bible study." Sinara ko muna ang notebook at tumingin sa kanya. Nalungkot ako sa sinabi niya. "Rest lang ako mula sa nasasalo kong salita sa kanila everytime na mag-a-attend ako."

"O-Okay, pero balik ka pa rin niyan. Mahalaga na nakaririnig ka ng Word of God." Hindi na siya sumagot at tinuon na ang tingin sa notebook niya. Nag-re-review din kasi siya.

Ni-open ko na lang ulit ang notebook ng BusMath pero 'yong isip ko nasa church mates kong kasama sa bible study na ako ang may handle. Ilang beses ko na silang sinabihan ukol kay Abi pero ginigiit nila na dapat hindi na siya mag-church kung saan siya ngayon at ipaglaban niya dapat. Ang reason nila, very common ang situation niya-- maraming gano'n sa church namin.

Dumating na si Ma'am kaya nag-ayos na kami ng aming mga sarili. Iniisip ko si Abi, sa nararamdaman niya ngayon. Nakakainis lang kasi sila. Dahil sa ginagawa nila, parang pi-nu-push ang isang kaluluwa na manghina ang faith at i-discourage.

Self, focus ka kay Ma'am. Bigla 'yang nagtatawag sa recitation.

Esther

"Gusto ka raw makausap nina Bella at Rhylle," sambit niya na kinagulat ko. Nandito kami sa classroom at kumakain ng recess. Makatabi kami ni Win. "Kinausap nila ako kaninang umaga. Nasa HUMSS pala sila. Humingi rin sila ng tawad sa 'kin dahil sa nasabi nilang hindi maganda at nahusgahan daw nila ako." Natatawa ako sa sinasabi niya. "Her naman, seryoso ako."

"Hindi ko kasi feel ang sincerity nila, Win." Mukhang hindi niya na-gets bakit ako natawa. "The only goal is pabalikin ako sa church. Tapos, ito naman ang tactic nila ngayon-- ang idamay ka."

Nalungkot naman si Win sa sinabi ko. "Pero, try them. Kung ganoon pa rin ang intention nila, doon mo na sila huwag i-entertain." Pinakinggan ko ang advise niya. May point naman siya.

"Sige para hindi ako magmukhang masama, pagbibigyan ko sila." Ngumiti si Win dahil pumayag pa rin akong bigyan sila ng chance. Maunawain talaga siya. Naisip ko bigla kung gaano siya kabait sa kanilang pamilya. Palagi niyang pinapalawak ang kanyang pag-unawa kapag hindi siya iniintindi. Isa iyan sa mga hinahangaan ko sa kanya nang crush ko pa lang siya. "Kung gusto nila ako kausapin, they must approach me."

Alangan ako pa ang pumunta sa HUMSS na mga classrooms.

Tanghali na. Natapos na kaming kumain. Lumabas sina Tyler at Dennis dahil hindi na sila sa classroom nananghalian kaya kami lang ni Win ang magkasama. "Esther, please kausapin mo kami!" Napalingon kaming lahat na nandito sa classroom dahil sa sigaw ni Bella. "Esther!" malakas niyang pagtawag ulit sa 'kin. Sinenyasan ako ni Win na puntahan na sila. To be honest, ang hirap nilang tiisin nang matagal na panahon. Sobra lang talaga ako nasaktan at naapektuhan ng mga sinabi nila sa 'kin. 

Distraction daw si Win; napapabayaan ko raw na ang church dahil sa academics. Puro lang sila accusations.

Tumayo na 'ko kasi kinukulit ako ni Win na kausapin sila. Kahit sa totoo lang, ayo'ko sila kausapin ngayon, lumapit pa rin ako sa kanilang dalawa sa labas ng classroom. Kitang-kita ko ang saya sa mga mukha nila nang lumapit ako.

"S-Sorry Esther for everything." Niyakap nila ako. Nagtataka akong nakatingin sa kanila. Ang tagal na nang mulang ginawa nila 'to. "We're too insensitive."

Religious Environment: Bad Experiences (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat