Chapter 23: The Secret

10 7 0
                                    

Reminder:
This story is sensitive because of beliefs under Christianity. The purpose of the writer is to leave the readers of reasons why there are people who don't believe in God or leave religion. A bad experience is not the only reason why people leave religion... there are many reasons.

Sana maka-help ito na may ma-realize ang ibang Christians.

Huwag po sobrang seryosohin ang story po, ah? Paalala lang, fictional lang po ito. Kung na-o-offend man kayo sa nababasa ninyo, need lang for the character and plot.

Enjoy reading.

____

23: The Secret

Dolores

NAKAUPO AKO sa may sofa namin. Iniisip ko 'yong na-i-record ko last month. Naalala ko pa kung gaano ako kagalit kay Pastor Steven. Hindi ko pa masabi sa mga magulang ko dahil baka 'di lang sila maniwala sa 'kin. Wala pa 'kong nasasabihan ukol dito. Ito siguro ang dahilan bakit umalis si Kuya Joshua, ang leader ni Tyler. Lumipat na rin si Dennis at si Julia ng church. Nakakabigla ang mga umaalis sa church.

Lord, You're omniscient, right?

I feel bad by questioning Him but I just can't control myself.

Kung alam Mo pong mangyayari ang bagay na 'to sa mismong simbahan Mo, bakit hinayaan Mo pa na maging pastor namin ang tulad niya? Hanggang ngayon, nagpapakasasa siya sa tithes and offerings! Tapos, walang alam ang congregation sa ginagawa niya! Natatakot mismo ang primary leaders dito sa church sa kanya.

Sa tuwing nandoon ako sa church, nasa utak ko ang narinig ko. Hindi mawala-wala sa isip ko na kaya niyang gawin iyon. Hindi ko lang alam kung may nakakapansin pero sa tuwing nag-pe-preach siya, naiinis ako sa kanya dahil sa sobrang hipokrito niya. Ginagawa niyang business ang church. Mautak nga siya kung ganoon dahil tax-free ang church.

Naisip kong i-play ulit ang na-i-record ko baka kasi nagkamali lang ako ng dinig noon. Baka napaghaharian lang ako ng selos that time dahil kay Abi at Tyler kaya nadamay lang si Pastor Steven. Umaasa akong nagkamali lang talaga ng dinig.

"Paano po kami kakalma? Ano ang isasagot namin ukol sa church building na pledge ng mga hinahawakan po namin? Sasabihin na naman ba namin na trust our leaders? Maghihinala na po sila niyan!"

Hindi ako nagkamali sa narinig. Talagang may anumalya siya.

"Bakit po ba kasi kayo bili nang bili ng mga personal property? Hindi bali sana kung para sa church o may emergency sa inyo. Willing pa kami tulungan kayo!"

"Joshua!"

"Wala kang respeto at tiwala sa 'kin, ha?"
"Ibabalik ko naman. Wala naman makakaalam nito kung hindi kayo kakanta ng ginawa ko, primary leaders."

Hindi ko talaga akalain na magagawa ito ng isang pastor. Sabagay, minsan sa mga taong hindi natin akalain ang gagawa ng isang matinding bagay.

"Iyong accountant at treasurer ng church, tinatakot n'yo pa para lang makahiram kayo ng pera. Akala ninyo, hindi ko 'yon malalaman 'no?"
"Tatapatin ko na kayo. Pinaghihinalaan kayo ng isa sa mga ni-ha-handle ko. Hindi ko sasabihin kung sino kasi baka pag-initan ninyo. Pasalamat po dapat kayo dahil wala kaming sinasabi sa iba."

Si Tyler sigurado ang tinutukoy ni Kuya Joshua. Baka inaakala ng mga tinatakot niya, pinaglilingkuran pa rin ang Diyos. Tinuturo din kasi sa 'min na mag-submit sa authority or leader kaya siguro ganito. 

Religious Environment: Bad Experiences (Completed)Where stories live. Discover now