Chapter 7: Their Sides

30 8 0
                                    

7: Their Sides

"NOW I understand the point 'yong nag-comment sa post ni Natalie na do not touch God's anointed dahil sa ginawa mo," disappointed na sambit ni Dolor sa 'kin.

Dinala ako ni Dolor sa likod ng stage ng church nila kung saan naghahanda ang mga nag-se-serve. May mga musical instruments, mga upuan, mesa, mga pintura, mga lumang gamit, at kung anu-ano'ng pa ang nandito. Dito raw kami mag-usap nang maayos. Nakaupo kami. Katatapos lang ng service pero pakiramdam ko, parang hindi rin ako nakasimba.

"Hindi ko naman siya ni-harm, physically?" taka kong tanong.

Napabuntong hininga siya sa sinabi ko. Pansin kong pilit niyang pinapakalma ang sarili. "Aminin mo na lang kasi na tinamaan ka sa preaching niya kaya ki-ne-question mo."

"Teka lang, Dolor." Nag-stop sign ang kamay ko ako sa kanya. "Hindi ako tinamaan. Masama na ba ang magtanong?"

"Hindi, pero nagtitiwala ako sa turo ng pastor na 'yon dahil kalapit na kaibigan ni tito si pastor nang nabubuhay pa siya."

"Sorry." Ayo'ko nang makipagsagutan, napapagod ako. Nakayuko na lang ako.

"Hindi sa minamaliit ko ang pinanggalingan mong religion pero alam ko, hindi halos nagbabasa talaga ng Bible ang mga kabilang sa inyo. Pero, paano mo nagawang k'westyunin ang preaching na matagal ko ng pinapaniwalaan?"

Nanahimik na lang ako. It likes she's questioning my ability to doubt a preaching.

Nakaramdam siya siguro na wala akong balak sagutin ang tanong niya kaya, "I believe kasi sa ni-preach niya kaya sinisikap ko talagang makapagbigay kahit na may problema kami financially. Ayo'ko ang pumalya sa katapatan ko sa Kanya, lalo na sa tithes and offerings," pag-k'wento niya.

"Pasensiya ka na talaga sa sinabi ko. Huwag kang mag-alala sa susunod, mananahimik na lang ako at makikinig," pagpapakumbaba ko. Ayo'ko naman na hindi kami magkaunawaan nang dahil lang sa religion.

"Pasensiya na rin kasi nakikinig ako nang mabuti at medyo na-di-distract ako sa 'yo tapos naghari sa 'kin ang idea na ginagamit ka ng enemy para hindi ako makinig," pag-sorry din niya. "H-Hindi ko dapat 'yon inisip." Enemy means satan.

Grabe naman.

Tumayo na 'ko at tinalikuran siya dahil sa kanyang sinabi. Sobrang sensitive kasi akong tao. Naninikip na ang aking dibdib dahil sa inisip niyang ginamit ako ng enemy. Napahawak na lang ako sa dibdib.

"Abi, I am sorry." Niyakap niya ako mula sa likod pero tinanggal ko 'yon. Lumabas na 'ko pero hindi naman na niya ako sinundan. Gusto ko na lang umuwi.

Siguro nga, may sense rin ang pagbabawal sa 'kin ni Mama. Mukhang pagsisisihan ko atang samantalahin ang kalayaang meron ako.

Dolores

Hindi ko na lang sinundan si Abi dahil alam kong may mali akong ginawa. Mabuting palipasin muna ang nangyari. Kailangan kong magpa-consult sa spiritual leader ko na si ate Mariam dahil hindi ko na naman alam ang gagawin.

Another failure na naman.

Ako dapat ang magsisilbing spiritual leader niya pero ako pa 'tong parang judgemental sa part na ni-question ko ang ability niyang mag-discern ng preaching. Masiyado ko yatang di-ne-define ang isang tao dahil sa church na kinabibilangan. Napaupo na lang ako sa disappontment sa sarili. Napahilamos na lang ako sa mukha dahil sa puro kapalpakang nagagawa ko-- si Enna, Esther, at siya.

"Lord, I am so sorry. I failed..." Hindi ko na napigilan ang nag-iinit kong mga mata at tuluyang bumagsak na ang luha. "Saang part po ako nagkamali kay Abigail?"

Religious Environment: Bad Experiences (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя