Chapter 16: Hope

16 7 4
                                    

16: Hope

NAKAHIGA NA ako ngayon. Pinagmasdan ko si Kathlyne, tulog na tulog sa tabi ko. Sila Mama at Papa ay nasa ibang k'warto natutulog. Maraming guest room talaga sila Shella-- yayamanin talaga pero ang bait-bait ng family niya. Ang dalang ng kamag-anak ng katulad nila dahil base sa k'wento-k'wento, kamag-anak pa ang madamot pero iba ang case sa 'kin. Napagkamalan ko silang Christians dahil ang bait-bait nila t'saka nalaman kong nag-chu-church sila pero 'yon pala ay dahil sa pangungulit lang.

"Sinayang n'yo ang chance na ma-win ang family Martinez. Buti nga sa inyo," bulong ko na tila kausap ko ang nag-invite sa kanila.

Ang lakas-lakas na ng kapatid ko ngayon. Masaya akong unti-unti kaming bumabalik sa dati naming buhay na payapa, 'yong buhay na hindi pa 'ko nag-chu-church. Sa kanila ko na ulit binubuhos ang oras ko maliban pa sa academics.

Nawalan ako ng oras sa family ko dahil sa church, ministry first daw dapat. Sobra kong nabuhos ang oras sa kanila. Kahit once in a lifetime lang na family gathering, pagbabawalan pa 'ko alang-alang sa event ng church. "I have to cut short my time with my family just for them. Ang tanga-tanga ko talaga no'n. Palibhasa, they take advantage of my young age kaya na-manipulate nila ako." Tumawa na lang ako dulot ng katangahan.

"H-Hindi ka talaga sasama, 'nak? Minsan lang 'to."

"Oo nga, Vienna namin. Na-ba-badtrip ako sa mga ka-church mo dahil parang mi-na-manipulate ka nila-- like this. Hindi ka ba p'wede magpaalam kahit isang beses lang?"

"May event po sa church. Kailangan ako ro'n." Nasaktan ako sa manipulate na sinabi. Kabilin-bilinan nila sa 'kin na huwag na huwag kong ipagpapalit ang paglilingkod ko sa anuman, kahit gala pa ng family.

"Minsan lang 'to, ate." Napatingin ako kay Kathlyne na malungkot ang tinig dahil hindi ako makakasama. "Gusto kong mainis sa religion mo ate pero mahal kita kaya hindi ko magawang i-attack 'yan sa 'yo kasi alam kong masasaktan ka po."

"Sorry, Kathlyne."

"Bakit hindi ka na lang umalis diyan, 'nak? Hindi ka namin mapipigilang manampalataya pero hanap ka ng ibang church na hindi ganitong kinukuha ang halos lahat ng oras mo."

"I can't leave them po. Lahat ng umalis sa 'min, backslider ang tawag, mga nawalan ng God's protection, at  sinabihang lalong masisira ang buhay."

"H-Hindi anak. Hindi nakakasira ng buhay 'yan. Actually, giginhawa ka kapag nakaalis ka na sa kanila. Trust me as your father."

"I am replaceable po kapag umalis ako. Mas maraming papalit sa 'kin na mas dedicated maglingkod. Ayo'ko mawalan ng halaga sa Lord. I don't want to become irrelevant. Ayo'ko maging rebelde ang tingin nila sa 'kin."

"Replaceable ka naman pala sa paningin nila. Bakit hindi ka pa umalis? Hindi ka naman panghihinayangan. Malaking red flag 'yan." Talagang ki-no-convince akong umalis. "Dagdag ko lang, parang wala namang pag-ibig sa kanila gaya ng preaching nila. Corporation ba 'yang church n'yo at replaceable ka?"

Religious Environment: Bad Experiences (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora