Chapter 12: Christmas

23 8 24
                                    

12: Christmas

Abigail

SA SOBRANG occupied ng isip ko, hindi ko napapansin ang magagandang dekorasyon dito sa school na nagsisimbolo ng spirit of Christmas. Last day na ng classes ngayon at bukas Christmas party na. Kabibili ko lang last week ng regalo para sa whole class exchange gift. Malapit na palang alalahanin ang araw ng kapanganakan ng Panginoong Jesus. May mga parol ng nakasabit sa labas at loob ng classroom, may belen na ngang tinatapos dahil may competitions from grade 7-10 at iba sa SHS. Sobra talaga kasi marami ang nangyari.

Naglalakad na 'ko patungong tapat ng classroom. Nasa labas ako kasi naka-lock pa. Kaklase ko ang nag-ha-handle ng susi. Maaga akong pumasok kasi hindi ko kayang mag-stay sa bahay. Wala kaming first subject ngayon dahil nagpaalam na ang teacher namin nang nakaraang araw at nag-iwan lang ng task na gagawin. Perfect 'to para magpalipas ako ng nararamdaman.

Dama ko pa rin ang tension do'n sa bahay dahil sa ginawa ko last Sunday. Nag-uusap kami pero dama ko pa rin ang galit nila sa ginawa ko. Tinignan ko ang oras at date sa cellphone, December 13, 2017, Wednesday, 06:35am.

Naglakad muna ako papunta sa mini park ng school na 'to. Naupo muna ako ro'n at magpapalipas ng oras. May kaunting hangin dito na dumadampi sa balat at medyo nagpapagaan ng pakiramdam ko.

Lord, please lead me what to do.

"Aga naman natin." Hinanap ko kung sino ang nagsalita no'n pero hindi ko makita. Lingon ako nang lingon pero wala akong mahuling kahit anino man lang. "Abigail Faith, nandito lang ako sa likod mo. Bulaga!" Tawa siya nang tawa pagkatapos sabihin iyon. Nagbulaga hands pa siya na para akong bata na nililibang. Napakusilap na lang ako. Kilala ko na kung sino dahil sa pagtawag pa lang sa 'kin.

"Pakialam mo kung maaga ako?" Wala ako sa mood makipagbiruan. Gusto ko kasing mag-isa tapos biglang sumusulpot pa 'to na parang kabute. Nanghihina pa rin ako dahil sa ginawa ko. Maling-mali talaga ang pagtakas ko.

"Ang sungit natin today." Umupo siya sa harapan ko. Ang style kasi ng mini park na 'to ay may upuan at mesa na designed or painted na kahoy. Ngumiti siya at tumingin sa mga mata ko. "Okay lang 'yan. Para sa Lord, laban lang."

"Akala ko, hindi uso ang mag-taglish sa 'yo, Tyler."

"Ay, grabe naman si ate girl." Hindi ko na mapigilang tumawa dahil hindi siya puro mag-Tagalog ngayon. Tinatakpan ko ang bibig ng panyo para hindi niya malamang tumatawa ako. "Hala siya, bakit ganiyan ka makatawa? Opo, nag-i-ingles din naman ako. T'saka ikaw na rin naman ang may sabi na hindi nakaka-g'wapo ang pure?" Natatawa na lang ako sa pinagsasabi nito. Para siyang ewan. Nakaka-g'wapo naman talaga kaso gusto ko lang siyang asarin.

Hindi ko alam kung na-pe-predict ng isang 'to na malungkot ako kasi pinapatawa niya 'ko pero I appreciate it kasi nakagaan sa pakiramdam ang ginagawa niyang 'to. I don't want to assume na he cares for me kasi ayo'kong masaktan.

"Hindi man ako katulad mo na ayaw ng parents sa pag-a-attend-- alam mo, hindi nila ako pinagbabawalan pero..."

"Pero?" mabilis kong tanong. Nagkuk'wento tapos bitin naman.

"Yie, curious si ate girl." Kinusilapan ko siya dahil naiirita ako sa kaka-ate girl niya.

"Kapangit ng ate girl," pagsabi ko na.

"Okay, Madam. Masusunod po, Abigail Faith." Napa-cross arms ako at tumingin nang masama sa kanya. Kaasar naman nito ng umaga. Tumawa lang siya-- talagang nang-aasar lang. Pumasok ako nang maaga to emote pero may kabute dito.

"Pero huwag ko raw silang idamay sa kalokohan ko," malungkot niyang k'wento. Tahimik lang ako para pakinggan siya. "Masakit lang talaga na tinatawag nilang kalokohan ang paglilingkod ko sa Diyos. Napakasakit, Abigail Faith."

Religious Environment: Bad Experiences (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat