Chapter 11: Relationships

28 8 27
                                    

11: Relationships

KATATAPOS LANG ng Sunday service. May celebration ngayon ang church kaya kumakain kami. May sinisikaso si Dolor kaya hindi ko siya kasama. Baka nag-a-accommodate siya ng mga taga-church nila. Si Esther lang ang kasama ko ritong kumakain.

"Abi," tawag niya sa 'kin at napatingin ako sa kanya. "Sa totoo lang, may balak na 'kong umalis sa church na 'to. H-Hindi ko na kaya dito," k'wento niya pagkatapos ngumuya ng pagkain.

Nagulat ako sa sinabi ni Esther. Binitawan ko muna ang kutsara't tinidor upang pakinggan siya. "Sa totoo lang, okay ang lahat dito nang nabubuhay pa si Pastor Samuel, na head dito noon pero nang napalitan na siya--" Tinignan ko ang expression ng mukha niya, parang dismayado siya. "Puro naging pera at business ang nagiging usapan, lalo na kapag may meetings ang leaders. Payabangan lang sila sa kung ilan ang nadadala nila sa church tapos sinasabihan nilang walang bunga ng faith at may tinatagong kasalanan ang walang madala sa church." Tahimik lang akong nakikinig. Wala kasi akong alam sa galawan ng church nila dahil iisang religion lang naman ako nagsisimba. "Sobrang kailangan ng submission sa leaders. Parang sila na ang Diyos. Binabantayan ang bawat kilos mo. Rebelde para sa kanila ang hindi sumunod. Backslider lahat ng umaalis. Cursed ang tingin sa lumilipat ng church at umaalis."

"Hala?" Hindi ko ma-absorb ang sinasabi ni Esther pero alam kong hindi dapat ganoon. "Nakaka-pressure naman 'yan at hindi dapat ni-ja-judge ang mga umaalis. Though hindi ko gaano gets ang sistema rito."

"I know, hindi mo 'ko sobrang na-ge-gets pero ramdam mo na may mali, hindi ba?" Tumango ako sa sinabi niya. "Pinagbigyan ko lang si Dolor pero baka ito na ang huling attend ko."

"Paano 'yong mga hi-na-handle mo?" concern na tanong ko. Alam kong leader din siya ng isang small group.

"May ibang mag-ha-handle sa mga 'yon. Sigurado sa mga malalaking tithes ibibigay kasi sobrang favored ang tulad nila-- hindi na nila kailangan mag-invite." Dama ko ang lungkot sa boses niya at masakit ang desisyon niyang pag-alis dito. "Pasabi-sabi pa sila na kahit magkano ibigay sa offering, pero judge to the max kapag maliit."

Kumain muna ako dahil nakikinig lang naman ako sa kanya. "Hindi ko sinisiraan ang church na 'to, ha. Sana hindi makarating kay Dolor ang mga sinabi ko." Tumango ako bilang pangako na hindi ko sasabihin ito. "I know bago ka pa lang here pero uulitin ko, hindi ko 'to sinisiraan. Makikita mo rin 'yan-- by your eyes."

Bigla kong naramdaman ang pag-vibrate ng phone sa bag pero hindi ko muna pinapansin. Alam kong si Mama ang tumatawag na 'yon at ilang beses din habang nasa service kanina. Tinabi ko muna ang bag para makakain nang maayos.

Good luck na lang sa pag-uwi ko.

"Hello, ate Abigail!" May bumating medyo mas bata sa 'kin. Kahit hindi ko siya kilala, nginitian ko na lang. Tumingin kaming parehas ni Esther sa kanya. Lumapit siya sa 'min. "Ang ganda-ganda n'yo po. Tama nga si kuya."

Sino'ng kuya?

"Hi, thank you, kahit hindi naman talaga." Nahihiya akong tumingin sa kanya. "Totoo po!" Ang cute niya pero medyo bolera, ha-ha! "Hello, ate Esther! I miss you." Tumingin siya sa kanya.

"Miss you rin, 'nak." Nagyakapan sila nang mahigpit. I feel ang super close nila.

Cute naman, anak ang tawag. Siguro isa siya sa mga inaalagaan ni Esther sa church spiritually.

"Totoo po ba'ng iba na ang magiging leader ko?" malungkot ang tinig niya. "Bakit nilipat po kami?"

Totoo nga ki-ne-k'wento ni Esther.

Religious Environment: Bad Experiences (Completed)Where stories live. Discover now