Chapter 24: The Belief and Respect

21 7 0
                                    

24: The Belief and Respect

Vienna

NASA LOOB ako ng bahay namin dati dito sa probinsya. Nag-aayos ako ng mga gamit dahil bukas ay aalis na 'ko at uuwi na ng Manila. Kahit na hindi naging maganda ang simula ko dito dahil sa religious hypocrites, nag-end well naman dahil nakasama ko ang mga kaibigan ko na tinanggap pa rin ako ng buo kahit hindi na kami same beliefs. Dumalaw rin ako sa ibang mga kakilala dito at pumunta sa mga location dito na sobra kong na-mi-miss.

I don't tell everybody na atheist na 'ko dahil hindi naman necessary pero kasi minsan, hindi ko maiwasan mapikon sa theists kagaya na lang ng leader ko dati sa church. Nakakainis ang ibang theists na pinagpipilitan ang belief sa iba. Nakakatawa pa ay 'yong sasabihan pa 'ko ng bible verse.

For their information, nabasa ko na lahat 'yan and it made me atheist.

Maglaban man kami sa isang bible quiz, siguradong matatalo sila dahil mga cherry picker lang ng verses kaya wala silang alam sa iba.

I love being alone right now. Mas marami akong napapadaloy na thoughts in mind kapag ganito. Lumabas muna ako ng bahay. Tumawid ako sa tapat namin dahil may tindahan sila. Naupo muna ako sa harap nila at bumili ng meryenda-- biscuit at soft drinks. Dito na rin ako kakain dahil mag-isa ko lang din naman sa bahay.

Dala ko ang phone at biglang tumunog. May nag-chat kaya binasa ko muna. Private message ito-- hindi sa GC. Binaba ko ang boteng hawak dahil umiinom ako ng soft drinks.

Dolores: Hello, Enna. May gusto lang akong itanong sa 'yo.

Vienna: Go lang.

Si Dolor lang pala. Nakakakaba minsan 'yong mga ganitong line. Baka mamaya, hindi ko masagot. Mabilis siyang nag-reply.

Dolores: Why did you still convince me about the existence of God last time nang nag-bonding tayo? May opportunity ka na to influence me to your belief since I'm doubting my faith right now.

Vienna: Mahal ko kayong mga kaibigan ko kaya hindi ko gugustuhing makita na miserable kayo. If believing in God will give you hope and peace, I will do my best to convince you to believe in Him again by what I know.

Dolores: I appreciate what you did pero nagtataka lang ako. Kasi sa religion, kapag may opportunity to influence belief, kukunin at kukunin para makapag-share ng Gospel.

Vienna: Hindi ko ugali na ipilit ang belief sa iba. For me, basta masaya kayo, okay 'yon sa 'kin. Basta as long as hindi kayo katulad ng ibang religious peeps na makapagsalita, you know... mga self-righteous.

Vienna: I respect beliefs as long as it doesn't harm others.

Dolores: We love you rin, Vienna. Never, never naman kita hinusgahan nang nalaman ko na atheist ka. I'm just curious kung paano nangyari 'yon.

Vienna: It's only a realization.

Vienna: Nagising na lang ako sa katotohanan na lahat ng pinag-pe-pray ko, ako gumagawa or may kumikilos na ibang tao... Hindi naman gagaling ang kapatid ko without the help of science. Kung nagdasal lang ako at hindi siya dinala sa hospital, e 'di namatay siya. No offense, wala naman talagang nagagawa ang prayer. Placebo effect kung baga.

Vienna: Hindi ba, we don't believe in the existence of Allah na Diyos ng Muslim? Ganoon na rin ang tingin ko sa Diyos ng Christianity, Dolores.

Vienna: Nag-start lang talaga ako na mawalan ng tiwala sa religion. Sabi ko, mas ayos pa maging makatao kaysa maka-Diyos. Para nga akong nagtatampong theist sa Diyos pero eventually, unti-unti akong nagising sa katotohanan na walang Diyos. Naging daan nga lang ang bad experience in church.

Religious Environment: Bad Experiences (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon