Chapter 28: Realization

21 8 0
                                    

Warning: the realization of the character may offend Christians. If you wish to proceed, then choose to understand the character.

28: Realization

NAKAHIGA NA ako ngayon dahil pagod ako galing sa OJT. Ang dami kasing ginagawa ro'n kaya sa tingin ko, ihihiga ko muna. Iniisip ko ang defense niyan dahil next week na 'yon. Nakapagpaalam naman na kami sa pinag-o-OJT-han namin. Kinakabahan ako. Nag-usap-usap na kami kanina through GC kung ano ang sched ng pag-practice. Sa GC lang kasi nasa iba't ibang industry kami. Dahil sa weekends lang kami available pare-parehas, iyon na ang schedule namin ng pag-practice.

Makiusap muna ako siguro kay Mama na mag-absent muna ako sa Sunday sa church dahil mag-focus muna ako sa research/thesis namin. Natural, faith doesn't make sense to me anymore kaya mas gugustuhin kong wala sa church. Masaya man ako sa bonding na meron do'n pero mas masaya sana if atheists ang nakaka-bond ko since sila ang mas makakaunawa sa 'kin. Ginagawa ko lang ang pag-church at mga tungkulin ko ro'n dahil mahal na mahal ko ang mga magulang ko.

"Nagpapagamit ka na ba sa kaaway, ha, Dolores? Bakit palagi ka na lang na nagsasalita against Pastor Steven?"

Naalala ko bigla ang isa sa mga linya ni Mama noong believer pa 'ko, first year college. Kinakausap ko lang naman si Mama regarding sa ibang sermon ni pastor pero ako pa ang lumalabas na masama. Mahal ko sila kaya ayo'ko na malilihis sila sa tamang gospel. Tinatanong ko rin kung ano'ng verses ang basehan ng ibang bahagi ng sermon kasi it looks unbiblical talaga pero nagalit lang sa 'kin si Mama. Accused pa 'ko as under sa influence ni satan. Palagi na lang si satan ang pinagbibintangan samantalang tinatama ko lang naman ang pinapaniwalaan nila. Ang nakakainis pa sa religion, hindi malaman kung sino talaga ang tama kasi where you belong, iyon ang tama and the rest mali. Ang Christianity na 'to, ang dami-dami sects at pare-parehas silang nagtatalo about sa belief ng isang deity na hindi naman nag-e-exist. Iba-iba pa sila ng interpretation at ang bawat isa sa kanila ay tama. Patawa.

Sinubukan ko naman na magtiwalang nakikita at alam ng Diyos ang lahat ng pangyayari pero walang nagbabago. Patuloy pa rin si Pastor Steven as head pastor kahit na may kalokohan siya. Dumating ako sa point na napagod na 'kong maniwala. Feeling ko talaga kasi na maraming mali sa church kaya nag-search ako nang nag-search hangga't hindi na-sa-satisfy ang sagot sa mga tanong ko. Ang downside ng religion ang mga nabasa ko. Accidentally kong nakita ang about sa atheism kaya out of curiosity, iyon, nag-research para mas maintindihan ko rin ang kalagayan ni Enna. Medyo nasasaktan pa 'ko sa thoughts ng atheist pero hindi nawala sa isip ko na may punto rin ang atheists about in criticism sa Christianity. Hindi ko na-absorb no'ng una na ang Bible can be an instrument para mag-lead ang isang tao to not believing in God pero naintindihan ko rin. Ang daming contradictions na hindi ko nakikita noong believer pa 'ko dahil naniniwala ako na hindi contradictions 'yon kundi connection and for clarification ng ibang verses kasi connected silang lahat. Do'n ko lang din nakita ang ibang problema sa Bible at maging sa faith.

God of the Bible is the greatest violator of thou shalt not kill.

Buong buhay ko, naniwala akong si satan ang masama until I found out na mas maraming pinatay ang God na pinaniwalaan ko. Naniwala kasi ako dati na dahil Diyos Siya, may karapatan Siyang pumatay at bumuhay ayon sa kalooban Niya. Pero nang binasa ko ulit ang Bible without the influence of church and faith, nag-iba ang tingin ko. I just became unbiased in reading. Kung totoo man ang k'wento ni Job, nakakainis kasi ginawang game ang buhay niya. Dahil Diyos Siya, hindi Siya under the law. Sana all, hindi ba? 'Yong pagpatay sa first born ng Egyptians noon, tuwang-tuwa ako dahil sa disobedience ng Pharaoh sa Diyos pero na-realize ko, bakit nadamay ang mga inosente? Halos mabaliw ako dahil sa indoctrination sa 'kin ng mga magulang ko. Ang hirap maalis na sa buong pagkatao ko na Christian religion is essential part of my life. Hindi madaling bitawan noong una dahil sa concept of hell pero eventually, I realized ulit na hindi totoo ang hell. Gawa-gawa lang para buhayin sa takot ang tao at sumunod sa religion.

Religious Environment: Bad Experiences (Completed)Where stories live. Discover now