Chapter 1: Childhood

111 11 16
                                    

1: Childhood

"PRAY KA lang, 'nak? Kaya mo 'yan, mananalo ka! Alam ko ang pressure na dala mo dahil sa pangalan ng school pero naniniwala akong kaya mo basta't nagdadasal ka lang." Ni-tap ni Mama ang balikat ko. Nakabihis na 'ko ng uniform; paalis na niyan. Papahatid ako kay Papa dahil nagmamadali, maaga ang calling time sa competition at higit sa lahat, mahirap ma-late.

"Opo, Ma. Mag-sa-sign of the cross po ako pagdaan sa simbahan at mag-our father ako," masaya kong sambit. 'Yong ruta kasi papuntang school, madadaanan kung saan kami nagsisimba.

"Good luck and God bless, 'nak."

"Thank you po, Ma!" masayang sabi ko at niyakap siya. "Aalis na po kami ni Papa."

"Sige anak, ingat kayo." Nagkalas kami ng yakap. Lumabas na 'ko ng bahay kasi naghihintay si Papa sa labas.

Sumakay na 'ko sa loob ng motor. Pinaandar na ni Papa ang motor at kumaway ako kay Mama hanggang mawala na siya sa paningin ko.

Kinakabahan ako sa competition kasi dito nakasalalay ang pangalan ng school namin. Host ang school na pinapasukan ko kaya matindi ang pressure dito. Baka ma-disappoint sila sa 'kin kapag mag-second place pero sa totoo lang talaga, mataas na 'yon. Ang expectations nila sa 'kin kasi mag-first place as usual.

Nag-sign of the cross ako automatic nang mapadaan sa simbahan. "Lord, Kayo na po ang bahala sa competition mamaya." Hindi ko na sinunod 'yong Our Father na sinabi ni Mama kasi mas preferred ko talagang kausapin Siya na hindi galing sa memorized prayers. Ewan, mas bet ko lang talaga.

Nandito na kami ni Papa sa school. Binuksan niya ang pinto ng motor para makababa ako. Nilagay ko na ang bag sa likuran ko at nag-i love you sa kanya bago siya umalis.

Malakas ang tibok ng puso ko pagtapat sa gate ng school namin. Dama ko na ang pressure pero kailangan kong kumalma. Ginagawa kong pamaypay ang mga kamay. Tumingala ako upang pakalmahin ang sarili. "I trust this to You, Lord."

Pinalaki nila ako na may takot sa Diyos at dapat nagsisimba every Sunday. Dapat good girl lang para sa heaven ang punta kasi kapag naging bad, sa hell punta. Ayo'ko ro'n at nakakatakot. Sinabihan akong nasa loob ang kulo ko-- medyo masakit pero hinayaan ko na. Pina-memorize ako ng kung anu-anong prayers kasi nag-aral ako para makapag-communion pero secret lang ha, ayo'ko ma-offend ang family ko, mas gusto ko kasi talaga Siyang kausapin na parang close kami na hindi need ng formality ng memorization na 'yon. There's nothing wrong with that prayers naman pero mas gusto ko lang ang ganito.

Pumasok na 'ko sa school. Naglalakad ako papunta sa classroom ng nag-te-train sa 'kin. "Good morning, Ma'am." bati ko sa kanya. Humawak ako sa strap ng bag ko para kahit papa'no, doon mapunta ang atensyon ko dahil sa kaba.

"Good morning din, anak. Good luck, ha?" She tapped my shoulder. "Naniniwala ako sa 'yo at kahit saglit lang tayo nakapag-review, matalino ka naman." Dama ko ang confidence niya sa 'kin sa boses.

Ang ayo'ko lang talaga sa school namin, minamadali ang pag-re-review or preparation. Akala nila, sobrang talino ng students dito. Pakiramdam ko, hindi ako sobrang prepared dahil sa ganito nilang sistema pero kailangan pa ring mag-first place. 

"Thank you po, ma'am. I'll do my best po," tugon ko sa kanya. Sa totoo lang, ang awkward na masabihang 'matalino ka naman'.

"Alalahanin mo lang, Abi, ang mga ni-review natin t'saka huwag kang papa-overcome sa kaba mo."

"Opo, Ma'am Liza, thank you po!" masaya kong sambit sa kanya.

Ilang klase na rin ang hindi ko na-attend-an dahil sa paghahanda sa competition na 'to. Ang Diyos na talaga ang bahala.

Religious Environment: Bad Experiences (Completed)Where stories live. Discover now