Chapter 3: Invitation

55 8 8
                                    

3: Invitation

HINDI KO namalayan ang pagkalipas ng panahon, 2nd quarter na namin, naging close kaming tatlo nila Dolor at Enna. Mas nakilala namin ang isa't isa. Si Esther na ka-church ni Dolor, may ibang circle of friends siya at meron din siyang kaibigan sa ibang section. Mukhang sobrang friendly niyang tao dahil ang dami niyang kakilala. Pero kahit ganoon, sumasama naman siya sa 'min minsan at nakaka-k'wentuhan namin siya.

'Yong binigay na pocket Bible ni Dolor ay inuunti-unti kong tapusin basahin ang buong new testament. May pagkakataon na hindi ko maintindihan ang mga nakasulat do'n kaya kinakailangan ko pa magbasa ng articles sa Google pero nag-e-enjoy na rin ako basahin 'yong Bible. Hindi ko pa natatapos kasi napaka-busy maging student sa science class.

My family is devoted sa religion namin pero hindi naman nila ako pinilit magbasa ng Bible nor hindi naman nila ako ni-encourage magbasa. Ang turo lang nila talaga sa 'kin ay all about good works and obligations.

Nasa loob ako ng classroom namin. Nakaupo at nagbabasa ng lecture notes kasi may pa-quiz mamayang 1pm. Tumingala ako upang tignan ang oras. Ala-una na pala ng hapon. Quiz time na naman.

Magkakatabi kami ni Dolor at Enna. Sabay-sabay kaming tumayo upang umupo ng naka-alphabetical arrange kasi sinabi ni Enna sa lahat kung ano'ng oras na. Sa teacher namin kasing 'to, need na naka-alphabetical kaya tuloy, magkakalayo kami. Medyo strict lang talaga siya. Elective science kasi namin siya. Isa sa additional subject kapag nasa science class. Iba pa siya sa science na pang-general.

Dahil Evangelista ako, malayo ako sa kanila kasi Soledad at Reyes ba naman last name nila, halos magkalapit. Katabi ni Dolor si Esther kasi Soledad at Torrio. Si Enna naman, malayo lang ng 2 sits kay Dolor.

Hindi nagtagal ay dumating na ang teacher namin na may dalang test papers. Quiz lang 'to pero parang chapter test sa galawan niya. Pinaglayo muna kami ng upuan para hindi makapagkopyahan. Magsisimula na ang duguan ng utak.

"Announcement!" Naglakad papunta sa harap ang President namin. Mag-a-alas dos na ng hapon. "Kinausap ako ng isang ka-faculty ni Ma'am. Wala tayong next subject, hindi makakarating si Ma'am." Nagsigawan ang mga kaklase ko tila nanalo sila sa lotto at nabunutan ng napakalaking tinik. Malakas pa ang palakpakan at may nag-boom tarat-tarat pa sa tuwa.

"Salamat sa update, Madam Vienna Reyes!" masayang sigaw ni Esther. Pumalakpak pa siya. Natawa na lang ako sa kanya.

Yes, si Enna ang President ng class. Lakas ng kaibigan ko.

Hindi ko naman masisisi na sobrang saya nila at siyempre ako rin, dahil medyo terror ang English teacher namin. Hindi p'wede kasi na hindi magtawag 'yon for recitation every meeting.

"Wait!" pagpigil niya sa pagsasaya ng classmates namin. Nag-stop sign pa siya sa kamay. "Pero--" Nakita ko ang pagkawala ng mga ngiti nila sa mukha. Ako, expected ko naman na may ipapaiwang gawain 'yon. Parang hindi pa sila sanay.

"Hala, may ipapasulat na naman ba si Ma'am?" disappointment na sabi ni Esther.

"Ang galing-- tumpak ka riyan," sagot ni Enna. "Go, Miss sexytary!" pag-cheer na may halong asar niya kay Esther. Sinamaan niya ng tingin ito dahil tinawag siyang sexytary.

Siya kasi ang secretary namin kaya naging taga-sulat sa board. Maganda kasi ang penmanship niya. Pagod nga lang siya madalas kasi maliban sa pagsusulat niya sa board, susulat pa sa notes niya.

"Dolor, samahan mo naman akong kunin ulit ang book ni Ma'am sa faculty. Vice Pres. ka naman," request ni Enna sa kanya. Sa actions niya, gusto niya 'tong tanggihan. "Sige na," pagpupumilit niya pa.

Religious Environment: Bad Experiences (Completed)Where stories live. Discover now