Chapter 22: Once Faithful Believers

20 7 0
                                    

22: Once Faithful Believers

Vienna

"MAY GUSTO lang akong itanong, Vienna." Napatingin na 'ko kay Ysmael. Tumango lang ako bilang pagpayag. Kumakain kami ngayon.

Sabay kami laging nagtatanghalian dahil parehas na 12pm ang vacant time namin. Hanggang 3:00pm ang vacant ko samantalang siya hanggang 2:30pm. Si Cheryl kasi, every Monday lang siya may vacant ng 12pm kaya madalang namin siya makasama sa tanghalian kasi minsan, may ginagawa silang tuloy-tuloy na lumalagpas na sa time.

Medyo nag-aalangan siyang tumingin sa 'kin. Tinignan ko siya na parang sinasabi na itanong na niya at hindi ako magagalit. "Nakaka-confuse kasi. Hindi ba, ang agnostic, 50:50 when it comes to questioning if there's God or gods..."

"Then?" Napahinto kasi siya dahil parang nahihiya pa. "Sige lang... Ako lang 'to." He loves to ask questions at sobrang open-minded niyang tao. Hindi ko maintindihan ba't nag-aalangan pa siya magtanong.

Napangiti siya sa sinabi ko. "Hindi nila alam kung may diyos ba o wala, parang wala silang stand when it comes about God while atheist believes that there's no God-- as in sobrang sure. Why do you call yourself an Agnostic Atheist?"

Ako naman ang napangiti dahil sa curiosity niya. "I don't believe in God pero p'wede na mali ako."

"Woah, it means... you can't abandon what you believed in the past?" confused pa rin ang tono ng boses niya.

"Hindi naman sa ganoon. Let me explain it further. Atheism is simply about the absence of God or gods-- atheists prefer scientific facts and don't believe in the concept of God while agnosticism recognizes and accepts the weakness of humans-- our inability to know if there's God or none or simply, the existence of God(s) is unknowable." Napapa-english ako kapag seryoso ang usapan.

"Woah," walang masabing reaction niya. "Dudugo ata ilong ko sa 'yo." Natawa ako sa sinabi niya dahil I know him as pinakamatalino sa HUMSS noon. "Sabagay, magiging teacher ka pagdating ng araw. Ang galing mo magturo, na-gets ko na pinagkaiba ng agnostic at atheist. Pero bakit naging combination ka ng dalawa?" Ang cute niya talaga sa pagiging curious.

"I'm still open for possibilities na kung magkaroon ng strong or extraordinary evidence for God then, I may believe but it's too impossible to happen. I am firm now in my stand."

"Why strong or extraordinary evidence ang hanap mo?"

"Simple... According to the description of religious people, extraordinary ang God nila then dapat extraordinary din ang evidence."

"Alam mo, my mind is blown." Nag-act pa ang kamay niya na parang lumobo ang noo niya at tawa ako nang tawa dahil do'n. Hindi ko na tuloy nagalaw ang pagkain.

"Maibang usapan lang pero related din sa belief. Hindi ka na ba natatakot sa concept ng hell which is ang pambansang panakot ng religious?" Natawa ako sa tanong niya. "Bakit ka natatawa? Ang seryoso ng tanong ko..." Para siyang nagtatampong ewan.

"O-Okay, I'm sorry. Why will I be afraid sa isang bagay na hindi naman totoo? Panakot lang nila 'yan para sumunod pa rin ang tao sa religion. They are just gaining control over people."

"Okay, gets. Hindi ako natatakot sa multo kasi hindi ako naniniwala pero what if, totoo ang claim nila about hell?" Hindi na siya kumakain at nakatingin na lang sa 'kin. Totoo nga talaga na matalino ang taong palatanong.

"Then, mas gugustuhin ko pa na mapunta sa hell kaysa makasama ang hypocrites sa heaven." Huminga akong malalim bago magsalita ulit "Imagine, billion years kang sasamba sa Diyos nila do'n tapos kasama mo sila. Mawawala na raw ang kamatayan, dalamhati, chuchuness... Ano na lang ang nararamdaman natin? Puro saya with the Lord nila? I can't get it. Sasambahin Siya forever do'n? Iyon lang gagawin natin in a billion years? Looks boring." Napaisip siya sa sinabi ko.

Religious Environment: Bad Experiences (Completed)Where stories live. Discover now