Chapter 4: Persecution

38 8 0
                                    

4: Persecution

KUMATOK NA 'ko sa pintuan namin. Kakauwi ko lang galing ng school. Ilang weeks na rin nang lumipas ang pag-attend ko sa ibang church. Hindi ko pinagsisisihan na maka-attend do'n.

Binuksan ni Mama ang pinto at pinapasok na 'ko. Nagmano ako sa kanya pero mabilis niyang tinanggal ang pagkahawak ko sa kamay niya. Pinagtaka ko ang kanyang kilos.

"Akala mo, hindi ko malalalaman ang kalokohan mo?" pinagmataasan ako ng boses ni Mama. May lumipad na notebook papunta sa mukha ko. Hinagis ni Mama ang devotional notebook ko. Medyo nalukot ito at labis akong nalungkot.

Tinuruan nila ako mag-devo nang simulang maging Lord at Savior ng life ko si Jesus.

Napayuko na lang ako at pinulot ang notebook. Sobra ko 'tong iniingatan kaya labis akong nasaktan sa ginawa ni Mama. Hindi masakit 'yong paghampas ng notebook sa mukha ko kundi masakit sa 'kin na walang pag-aalinlangan niya itong ibato sa 'kin at hindi niya 'ko suportado pagdating sa pagsubok ko sa ibang religion.

"Bakit mo kami sinuway?" disappointed niyang tanong. Nakayuko lang ako habang yakap-yakap ang notebook. Naglakad siyang papalapit sa 'kin at kinutusan ako sa ulo. "Sagot!" demand niya sa 'kin. Sa palagay ko, nakatingin siyang masama sa 'kin kahit hindi ako nakatingin.

"S-Sorry po." Wala talaga ako masabi sa kanya. Nakayuko pa rin ako at malapit ng maiyak.

"Mag-usap tayo. Tara sa k'warto mo!" utos niya sa 'kin. "Dali!" nawawalang pasensiya niyang sabi. Pinipingot niya pa 'ko tenga ang tinulak para maglakad.

Kabagal kong maglakad. "Bilis!" Napatakbo na 'ko sa boses niya.

Hindi kinakaya ng sistema ko ang salubong ni Mama sa 'kin sa pag-uwi. Nakayuko ako habang tumatakbo papunta sa k'warto. Nasa loob na kami. Ni-lock niya pa ang pinto. Napaupo ako sa higaan ko. Tinabi ko ang bag at nilagay ang notebook sa study table ko. Nasa baba pa rin ang tingin ko. Hindi ko kayang makipag-eye contact kay Mama. Hindi na nga ako makahinga nang maayos.

"Tumingin ka sa 'kin!" utos niyang madiin. "Ano ba?" nagagalit na siya base sa boses. Sinunod ko na siya para hindi kami mag-away.

"Akala ko pa man din matino kang bata," puno ng pagkadismaya ang pagkasabi. Nasaktan ako sa sinabi niya pero lilipas din naman ito. "Ano ang pumasok sa kokote mo at nagsimba ka sa wrong again na 'yan?" Kinutusan niya akong muli at hinayaan ko lang siya. Wrong again ang tawag niya sa outside of our religion.

"Ano?" tila pag-ulit niya sa kanyang tanong.

"G-Gusto ko lang po subukan," sagot ko at bumalik na ulit sa baba ang tingin ko.

"Ano'ng gusto-gusto? Diyan ka nila sinisimulan hikayatin! Hindi ka ba nag-iisip? Akala ko pa man din, matalino ka." Ayan na naman 'yong disappointment niya. Ni-question niya na rin ang capabilities ko. "Nagawa mo pa'ng magsinungaling dahil sa lintik na pagsimba sa ibang church. Hindi mo ba naiintindihan na may religion ka na at hindi ka na p'wede sa iba?"

Tahimik pa rin ako. Ginagalaw-galaw ko na lang ang paa ko at doon ako nakatingin.

"Pinapasakit mo pa ang ulo ko, Abigail." Napahawak siya sa noo niya. "Iyang lintik na notebook na 'yan, tinatago mo pa sa ilalim ng kama mo. Akala mo hindi ako nag-che-check dito sa k'warto mo?" naiinis niyang sabi. Turo-turo niya ang higaan.

"Ikaw bata ka, tigil-tigilan mo ang pagsali sa wrong again na 'yan. May pinsan si Papa mo na kabilang diyan tapos 'yong anak niya, number 1 bully sa school ng Christians pa, 'yong Lorraine-- Evangelista middle name niya," k'wento niya sa 'kin na kinagulat ko. "Hindi nakakabagong buhay ang pagsali riyan. Ang lalala pa nga ng ugali nila. Kaya maintindihan mo sana kung bakit kita pinagbabawalan!" warning niya sa 'kin.

Religious Environment: Bad Experiences (Completed)Where stories live. Discover now