Chapter 2: Pocket Bible

65 9 2
                                    

2: Pocket Bible

SABI NILA, dito mangyayari ang mga memorable events ng life ng isang estudyante-- sa high school life. Hopefully, it is. Wala akong ibang maalala sa elementary life ko kundi pressures pero sa palagay ko, under pressure na naman dito ulit dahil nakapasa ako sa Special Science Class (SSC) section. Sa kabila ng kasaklapan na 'yon, naniniwala naman ako na may memories akong mabubuo dito.

May SSC din sa ibang municipalities ng province namin. Sa City nag-aral ang ibang classmates ko and iilan lang ang nag-aral dito kasi mga bigatin talaga sila kaya iyon, keri nila mag-aral kahit sa malayo. Hindi naman kasi kami mayaman para kayanin mag-aral sa gusto. Dito lang ako sa malapit sa 'min nag-aral.

"Hello, you look so familiar talaga." Nakaupo at kumakain ako kaya bilang respeto, tumalikod ako upang tignan kung sino ang nagsalita. Nandito ako sa classroom, lunch break na namin. Dito na 'ko kumakain sa school para tipid pamasahe rin.

Kumakain din siya. "You're Dolores." Binasa ko ang name tag niya. Naka-name tag kasi kami dahil first week pa lang ng class.

"Yes, I'm Dolores Ann Soledad. And you're the Abigail Faith Evangelista, ang dakilang kalaban namin lalong-lalo na sa math competitions!" She laugh after the last line. Binitiwan niya ang kutsara upang makipag-usap pa. "Sino ba naman ang hindi makakakilala sa 'yo? Ikaw ba naman na laging pambato ng central school..." Bigla akong nahiya sa sinabi niya. Napayuko ako. Gusto ko na nga lang kalimutan ang past, kahit pa ang naging achievements ko. Gusto ko kasing mabuhay na wala masiyadong in-e-expect sa 'kin.

"Takot na takot nga kami everytime na makikita ka naming maglalakad. May kilala rin ako sa ibang school na nakakalaban din natin na kasama kong naano sa presence mo." Nagulat naman ako sa takot. Grabe naman, ordinaryong tao lang ako. Lumingon-lingon siya dahil mukhang may hinahanap siya. "Iyon... Vienna! Saan ka ba nanggaling?" Napatingin ako sa tinawag niya. Mukhang bumili siya ng palamig.

"Obvious naman." Tinaas niya ang hawak niyang palamig at na-gets naman ni Dolores. Napatango siya habang nag-si-sink in sa kanya ang nais iparating. Natawa na lang siya dahil nagtanong pa siya at sa pagiging medyo slow niya. "Ayan si Abigail, hindi ba?" Tinuro niya 'ko at tumingin sa 'kin 'yong Vienna.

"Ah 'yong nakaka-pressure ang presence? Makita pa lang siya, talo ka na agad," natawa siya sa sinabi niya. "Biro lang," bawi niya agad. Umupo siya sa tabi ko. Nakita ko naman si Dolores na niligpit ang pinagkainan niya at lumapit din sa 'min.

"Pero totoo na kada makikita ka namin, mapapatabi na lang kami." Umupo si Dolores pagkasabi no'n sa tabi ko. Siya'y nasa kaliwa ko, nasa kanan ko naman si Vienna. "Since we're classmates, bakit pa kami matatakot?" We laughed at what Vienna said.

"Ang tahimik mo, magsalita ka naman. Parang ikaw pa ang takot sa 'min," natatawang sambit ni Dolores. "Kami lang 'to. Kami nga takot sa 'yo." Natawa si Vienna sa sinabi ni Dolores.

"Hindi, nahihiya lang kasi ako sa inyo. Sa totoo lang, mahiyain akong tao," sambit ko sa kanila.

"Huwag. Gusto ka nga namin maging kaibigan. You know, we're math wizards?"

"Hala, Dolores... Alam n'yo, gusto ko na ngang makalimutan na lagi akong inaano sa competitions," pag-k'wento ko sa kanila. "Mas okay nga 'yong hindi gaano napapansin."

"Hay naku, sayang naman talino mo. Magiging pride pa ng school," kontra ni Vienna. "Balita ko meron ding competition ng Math dito."

"Ayo'ko na sumali, e. Kayo na lang kung gusto ninyo." Na-disappoint mga itsura nila sa sinabi ko. Parang hindi sila makapaniwala na ayo'ko sumali.

"Sayang naman pero hindi ka naman namin pipilitin..." panghihinayang ni Dolores. "...pero ang maging kaibigan namin, walang tanggihan, ha?" Napangiti ako sa sinabi niya.

Religious Environment: Bad Experiences (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon