Chapter 13: Past Events

15 8 28
                                    

13: Past Events

March 1, 2018

Ang bilis lumipas ng panahon. Nasa loob kami ng classroom. Kakatapos kumain at dahil puyat ako kagabi dahil sa pag-finalize ng research paper namin, umidlip ako. Nagsilbeng unan ang braso ko at nakadikit ang mukha sa maliit na mesang nakakabit sa upuan.

Kahit nakapikit ang mga mata ko, buhay na buhay ang isip ko. Naalala ko ang mga nangyari pagkalipas ng higit dalawang buwan. Hindi na ulit ako naka-church kina Dolor dahil hindi na talaga ako nakatakas kahit wala si Mama pero tuloy-tuloy pa rin ako sa pag-join sa BS at quiet time ko sa Lord. Tinatago ko ng mabuti ang ginagamit kong notebook sa pag-meditate.

Sa academics, nairaos na namin ang math competition pero hindi kami pinalad dahil nasa top 10 kami out of 50+ schools pero masaya rin ang araw na 'yon kasi gumala kami pagkatapos. Ang busy-busy sa research dahil nag-conduct pa-- kanya-kanyang gastos kasi nagpa-lab test pa ang karamihan sa 'min. Defense na rin niyan next week. Sa science class kasi may research kaya sa 'min lang may ganito.

Hindi nalaman nila Dolor ang pagkikita namin ni Enna. Nag-cha-chat kami no'n kapag hindi busy. As of now, nagpapalakas ang kapatid niya at hinihintay na lang kung kailan papayagan na i-discharge ng hospital. May chance na makauwi siya dito kapag tuluyang gumaling ang kapatid niya pero hindi na siya dito mag-aaral dahil sobrang bait ng kamag-anak niya na nag-suggest sa Manila na mag-aral kasi tutulungan siya sa gastusin. Magandang opportunity nga 'to kay Enna dahil makasisimula siya muli do'n ng new life kasi wala nakakakilala sa kanya. Nalungkot talaga ako na seryoso si Enna sa pagkalimot ng about sa Lord. Ilang taon na rin siyang naglilingkod pero ganito ang nagpatalikod sa kanya. Feeling niya nakalaya siya sa pananakal ng religion. Wala na raw mas sasarap pa sa malaya na sa rules ng church nila at walang leader na nagbabantay sa bawat kilos niya. Ayaw niyang maulit pa ang nangyari sa kanya na sobrang ni-judge. Ang depensa niya sa alam na niya ang truth so can't run from it-- she can choose to forget about it and start to live without it. I pray na sana may maging kaklase siya at magiging kaibigan na seryoso sa paglilingkod sa Lord. Nakaka-chat ko rin si Natalie at sinabihan niya 'kong huwag tumigil ipag-pray si Enna at patuloy ko naman iyong ginagawa.

Si Esther, talagang hindi na siya nag-attend ulit. Naalala ko pa na nag-usap kami about dito.

"Sabihan mo 'yang ni-ha-handle mong si Esther! Alam niya ba'ng wrong person ang lahat ng umaalis? Kapag umalis siya kamo, lalo lang masisira ang buhay niya and curse may be upon her. Mag-isip siya kamo." Ni-a-act ni Esther ang narinig niyang sinasabi kay Dolor. "Si Ate Veronica 'yang nagsasabi sa kanya. Ang sakit lang marinig no'n."

"Hala, grabe sa wrong person. Bakit porque nag-stay, mga right person na sila?" naiinis kong sambit. "Bakit 'yong kapatid ni prodigal son nag-stay siya sa ama pero siya naman talaga ang may maling puso sa paglilingkod?"

"Woah. Gandang concept niyan, ah. Hindi ko masiyado napansin ang kapatid ni prodigal son," sambit ni Esther. "Hindi porque lumayo na sa church, lumayo na rin sa Diyos. Kailangan ko lang talaga ng space. Babalik din ako."

Dito lang sila magkaiba ni Enna. Si Esther, may desire pa ring bumalik pero si Enna, gusto na lang kalimutan at talikuran ang Christianity. Pakiramdam niya siguro na-scam siya ng religion and take note ang pinanggalingan niyang family-- unbelievers.

Religious Environment: Bad Experiences (Completed)Where stories live. Discover now