Chapter 18: Emotional

9 7 0
                                    

18: Emotional

KUMAKAIN KAMI ngayon sa isang kainan na malapit lang sa school namin. Hapon na ngayon at tapos na ang mga klase namin. Nagkataong pare-parehas kaming wala gagawin after class kaya sama-sama now. Pancit canton at soft drinks ang aming pinagsasaluhan ngayon. Nilibre kami ni Dennis. Ang mga kasama namin ngayon ay sina Tyler, Esther, Merwin, Rhylle, Bella, Dolor, at may isang kaibigan sila sa HUMSS, Joe ata pangalan base sa pagtawag nila sa kanya.

Kumuha ako ng chili sauce para mapasarap ang kinakain kong canton. Sapat naman na ang toyo na nailagay ko. Hinalo-halo ko na 'to. Susubo na sana ako pero narinig ko ang boses ni Dennis, ang birthday boy. "Bago tayo kumain, mag-pray muna!" Natawa si Dolor dahil sa ginawa ko. Binaba ko kasi ang tinidor at parang nabitin ako sa lagay na 'yon.

Sorry, Lord! 

Pagkatapos namin mag-pray, kinantahan muna si Dennis. "Happy birthday, Dennis."

"You belong to the zoo!" Ito ang malakas na lyrics habang kinakantahan namin siya. Napatingin kaming lahat sa kumanta no'n. Malakas ang naging halakhakan namin dahil do'n. As usual, si Tyler ang kumanta no'n na naka-tono sa birthday song. "With the monkeys and the donkeys..." Kahit happy birthday pa rin ang lyrics namin, nangingibabaw talaga ang boses niya. "Happy birthday, Dennis!" Hindi alam ni Dennis kung matutuwa o maiinis siya kay Tyler dahil sa bandang huli, happy birthday na rin ang kinanta nito.

"Salamat, mga kapatid!" masayang sambit ni Dennis. "Salamat sa inyo maliban sa isa," pagpaparinig niya kay Tyler. Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumingin siya kay Tyler. Natawa si Tyler sa naging asta niya. "Kain na kayo maliban sa isa." Hindi ako makakain dahil sa kakatawa sa kanila. Tumingin ako kay Dolor, Esther, at maging sa lahat ng kasama namin-- nakatingin din sila kina Tyler at Dennis na nagbibiruan.

"E 'di hindi," sagot ni Tyler na tila kahit hindi siya kumain, ayos lang.

Humahagikgik lang si Dennis. "Biro lang, bro. Kain na tayo. Natutuwa nga ako sa bati mo, kakaiba!" Inakbayan niya 'to. Hindi siya pinapansin ni Tyler. Hindi siya gumagalaw. Nakatingin lang siya sa lamesa. Nagulat kami nang biglang gumalaw ang kamay ni Tyler na may hawak na regalo. Na-surprise do'n si Dennis at ngumiti dahil sa gift. "Happy birthday, my bro and my best friend." Sarap naman maging kaibigan ni Tyler. Ang thoughtful niyang tao.

"Huwag kang mag-alala, reregaluhan din kita kapag birthday mo na. Next month ka na, e!" Napatingin ako kay Dolor at natawa sa sinabi niya. Parang nababasa niya ang iniisip ko.

"Hindi naman kailangan," sagot ko sa kanya.

"Basta," maikling sambit ni Dolor at kumain na kaya kumain na rin ako.

Hindi ako sanay na inaalala ang birthday ko ng ibang tao maliban sa parents ko. Ewan ko, pakiramdam ko ay hindi sobrang halaga ng kaarawan ko. Kung batiin ako, salamat. Kung hindi, ayos lang din naman.

Nandito na 'ko ngayon sa bahay at nasa loob ng k'warto. Napatingin ako sa calendar ng phone ko. July 4, 2018 na bukas, Wednesday na naman pala. Tatanggihan ko ulit ang invitation ni Dolor kung sakaling mag-chat siya.

May nag-notify sa phone ko at chat iyon ni Dolor. Na-predict ko na gagawin n'ya 'to. "A-Attend ka na ba bukas?" Binasa ko ang sinabi niya.

Nag-reply na 'ko. "Hindi muna."

Sumagot siya ng mga sad emoji at may sinabi, "Sige. Sana lang, hindi mo nalilimutan mag-spend ng time sa Lord."

Nag-like reply na lang ako after mabasa chat niya. Gusto ko muna kasi mag-isip-isip kung desire ko ba talagang paglingkuran ang Lord o dahil lang sa accusations nila. Naiinis ako sa sarili kasi ang dali kong maging affected sa mga sinasabi ng iba, lalo na kung alam ko na hindi totoo ang mga 'yon. Dapat nga, hindi ako naapektuhan kapag hindi totoo pero hindi ko lang maiwasan na masaktan.

Religious Environment: Bad Experiences (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon