Chapter 19: The Plan

13 7 0
                                    

19: The Plan

"FLORES, MARHYLLE Honey." Kung hindi ako nagkakamali, isa 'to sa barkada ni Esther na ka-church nila. Siya 'yong tinatawag na Rhylle. List ng with honors ang mga tinatawag ngayon. Inuuna ang STEM strand. Sinabitan na siya ng parents niya. Pagkatapos niya, may umakyat naman na susunod sa kanya.

Graduation na namin ngayon. Naka-toga kami at kanya-kanya ng ayos sa mukha. Naka-straight ang buhok ko ngayon kasi inunat at naka-simple make-up lang ako. Ang init sa pakiramdam pero ang saya-saya at the same time kasi sa wakas, natapos na ang dalawang taon naming pagpapagal para mairaos ang senior high. Maraming tao dito, lalo na ang mga proud parents dahil nakapagtapos na ang kanilang mga anak. Kasama diyan ang parents namin nila Dolor. Marami-rami din ang graduate ngayon.

Ang nakakaloka talaga ay ang research. Maliban pa sa per group na output, meron pa kaming individual na proposal. Buti na lang, proposal 'yong individual. Medyo pahirapan sa pag-approve ng topic. Meron pa kaming Tagalog na research. Though nasanay na kami noong junior high, pero kasi mahirap talaga ang research tapos sumasabay ang nakakabaliw na major at pa-major (minor) subjects. Pero basta, ang mahalaga tapos na.

"Jacinta, Bella Criz." Tumuntong naman sa stage ang isa pang barkada ni Esther na si Bella.

Bumalik na ulit ako sa pag-join sa bible study. Iniingatan kong hindi malaman ng parents ko ang pag-attend-attend sa ganito. May future plans naman ako para sa paglilingkod sa Lord.

Natapos na ang with honors list ng lahat ng STEM. "Let us proceed with high honors in STEM-A section!" announce ng teacher na host ngayong graduation namin. May tatlong pangalan silang binanggit bago matawag ang kilala ko. "Rivera, Dennis Ethan." Pumalakpak kami ni Dolor with matching sigaw-sigaw pa. Ganito kami everytime na matatawag ang mga kaibigan namin.

"Torrio, Esther Grace."

Grabe talaga, ang tatalino ng mga kaibigan ko!

"She will also receive awards for being best subjects to their class in General Biology 1 and 2, General Physics 1 and 2, and General Chemistry 1 and 2." Grabe ang hiyawan dahil sa sinakop niya ang anim na specialized subjects sa STEM. Linya talaga niya ang science simula pa noon. Nilalaban nga siya para sa national science quiz bee kaya easy na lang siguro sa kanya ang subjects nila. Bali, anim 'yang best subs niya dahil magkaibang sem 'yong 1 at 2. Ngayon pa lang i-a-award lahat ng best subjects simula grade 11. Balita nga sa kanya, 97.3 ang average niya kaya hindi siya nakaabot sa with highest honor which requires at least 97.5.

Nang matapos na ang with high honors, sa with highest honor na. "We have only one student that reach this category of honors in STEM. Let's congratulate Cortez, Anthony Tyler!" Tumayo na siya at sinalubong ang proud parents niya sa stage. Ngumiti siya nang sinabit na sa kanya ang medal for the highest honor. Ang g'wapo niya lalo kapag nakangiti. Bagay na bagay sa kanya pagngiti niya. "He will also receive best subjects to his class in General Math, Pre Calculus, Basic Calculus..." May iba pang subjects na binabanggit. "He's also a best research awardee. He had the best in paper in their individual research." Meron pa siyang ibang awards from other extra curricular activities.

Grabe, bakit ganito naging kamamaw na si Tyler? Sobrang inspired ata 'to.

Paano niya napagsasabay ang gawain sa church at ganitong achievements sa school? Grabe, nakakaiyak siya.

Ang daming humihiyaw para sa kanya. Ang dami ko yatang kaagaw-- what did I just said? I mean, ang daming girls din na nag-che-cheer sa kanya. Kilala siya sa school kasi siya ang president ng student council dito. Hindi man kasi nagkuk'wento ang mokong na 'to ukol sa academic achievements niya kahit madalas kami mag-chat at nalalaman na lang namin kay Esther ang lahat. Siya nga 'yong nag-speech kanina dahil he obtained the highest average in all senior high students. He got an average of 97.9.

Religious Environment: Bad Experiences (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora