Chapter 20: Failure

18 7 0
                                    

20: Failure

Abigail

MAAYOS KONG nagawa ang plano kong makasimba kina Dolor. Masayang-masaya nga siya dahil sa wakas, magkasama kami sa iisang church. Nagkaka-bonding na rin kami after service. Nakaka-chikahan din namin sina Tyler at Dennis. Mas nakilala namin ang isa't isa. We became more closer nang simula naka-attend na 'ko.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ang saya na nararanasan dahil magwawakas ang lahat ng 'to kapag nalaman nina Mama at Papa. May nililihim pa 'ko sa kanila-- nahihirapan ako ngayon sa major subject namin at sobrang alanganin ang possible grade ko ro'n.

"Kailangan ko talagang makabawi ngayon final term pero... p-paano?" naiiyak kong sambit kay Dolor. Pabulong ko itong sinabi dahil nasa library kami. Nandito kami para mag-aral para sa quiz namin sa alanganin ko na 'yon mamayang hapon kaso ang ending, hindi ko na kinaya at sinara ang book. Hinihikayat na rin akong matulog ng aircon dito.

Hinaplos niya ang likod ko at tumingin sa 'kin. "Laban lang tayo. Kapag nagtagumpay tayo dito, mas makakaya lalo natin sa susunod. Laban!" pag-encourage niya sa 'kin.

"S-Salamat."

"First quiz ngayon para sa final term. Bawi tayo!" Nag-apir kami nang mahina.

"E-Ewan ko. Sana lang, kundi lagot ako kay Mama. Idlip lang ako." Pagkatapos kong sinabi 'yon, ginawa ko munang unan ang libro at pipikit na dahil hindi na kaya ng mga mata ko.

Kahit nakapikit ako, ang active ng isip ko. Nag-fa-flashback lahat ng mga kapalpakan ko sa subject na 'yon-- sa quizzes at midterm exam. Lahat ng scores ko ay hindi man lang umabot ng kalahati. Ang lala ng midterm exam ko. I only got 27/100 and it's too impossible for me to get even tres. We have 2.50 policy at tinuturing na bagsak ang tres tapos ni tres ay hindi ko kayang abutin. Dolor got 52/100 at sobra kong ni-question ang sarili dahil dito. Ni-review ko ang mga naging computation at sagot ko. May mga na-mislook ako like imbis na plus, na-mimus ko. Mas okay nga ngayong college dahil ayos lang mag-calculator. Nang lumalaban nga kami ng math competitions noong high school, walang calcu-calcu. Ngayon, meron na nga, bobo pa. Nakakainis!

Nag-college lang ako, naging bobo na. High honors noon, malaking chance na maging retaker sa isang subject. Nag-re-review naman ako. Nag-aaral ako sa gabi at gumigising pa ng alas-k'watro ng madaling araw pero parang walang k'wenta ang lahat dahil nagbabagsakan ang scores ko. Ang mga ka-batch namin na nasa ibang courses ay siguradong nasa dean's lister samantalang ako, may chance pang mag-retake ng subject dahil walang remedial exam sa 'min.

Lord, anuman ang will Ninyo, buong-buo ko pong tatanggapin.

Kakabukas lang ni Dolor ang pinto ng dorm. Naka-lock kasi ito kapag umaalis dahil dalawa lang kami dito. Tinanggal agad namin ang sapatos at tinabi dahil mamaya na lang punasan. Ang foot stacking na suot namin na parang medyas ay nilagay sa kanya-kanya naming basket na pinaglalagyan ng lalabhan. Para kaming naglalaro ng basketball sa paglagay do'n. Every Saturday lang naglalalaba dahil walang major subject sa araw na 'yan. Good thing na alternate day ang pagsuot ng uniform at tamang-tama na dalawa ang set ng uniform ko dahil Tuesday at Thursday kami nagsusuot no'n and the rest day, t-shirt at pantalon.

Naunang maligo si Dolor kaya nagpunas muna ako ng sapatos at inayos ang higaan dito. Nagmadali kasi kaming umalis kanina at hindi na nakapagligpit dito dahil may 7am class. Nang unang linggo ko dito, hindi pa 'ko sanay dahil hinahanap-hanap ko ang comfort ng bahay. Unti-unti rin ako naka-adopt at sobrang excited sa pag-uwi every week. Iyon kasi ang condition sa 'kin t'saka umuuwi rin naman si Dolor dahil sa church kaya magkasama kami. Every Saturday ni-me-meet ni Dolor ang mga ni-ha-handle niya sa bible study sa San Sebastian High School-- sa alma mater namin.

Religious Environment: Bad Experiences (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن