Chapter III

12.7K 166 6
                                    

III

Jacket o Yakap


"SI SAGE DUSTIN? The Sage Dustin?" Di-makapaniwalang tanong ni Alyanna matapos kong sinabi sa kanyang ang tungkol sa nangyari kagabi. She's been asking the same question for the nth time.

Tumango ako. "Oo nga, paulit-ulit? Para kangunli."

"I'm so happy for you girl!" tili niya.

"Kumusta naman kayo ni Jack?" pag-iiba ko ng topic.

Ngumisi siya at halatang kinikilig habang iniisip ang nangyari. "Napaka-gentleman niya! Saka, sabi niya 'let's take it slow,' daw. Maginoo talaga siya. He respects me."

"Edi mabuti."

Agad na binaling ni Alyanna ang tingin niya kay Mia na tahimik lang at tumititig sa kawalan. Lately, napapansin ko parang wala siya sa kanyang sarili. "Hoy Mia! Anong nangyayari sa'yo? Ang tahimik mo palagi," ani Alyanna.

Ngumiti si Mia at napakamot sa kanyang ulo. "Ah, wala, may iniisip lang ako."

"Ano ba palagi ang iniisip mo?" usisa ko. "In-love ka ba?"

Pumula ang pisngi niya sa sinabi ko. "Ah, hindi . . . ah!" pagde-deny niya. Pero alam ko na totoo ang hinala ko.

"Halata naman eh, nahiya ka pa," sabi ko.

"Sino mahal mo?" diretsong tanong ni Alyanna.

"Ano... ah... wala naman-iniisip ko lang kung saan pwede magtrabaho!"

"Alam mo, hindi kapani-paniwala ang mga palusot mo. Ba't mo pa prinoproblema ang trabaho? Eh, accepted ka na sa company ni Daddy. Diba nag special interview ka before nung graduation natin?"

Napabuntong-hininga si Mia at tumahimik ulit. Yumuko siya.

"Alam mo, i-share mo nalang pag handa ka na," ani Alyanna. "Maghihintay kami, pero wag mong patagalin ha? Alam mo nama na hindi kami pasensiyosa ni Ellise. Baka maghi-hire ako ng private investigator makuha lang ang pangalan ng lalaking kinahuhumalingan mo."

Tumawa si Mia at nagliwanag ang mukha niya. Mukhang gumaan ang loob niya sa sinabi ni Alyanna. "Salamat sa konsiderasyon," sabi niya at ngumiti. "At saka, wag kang mag-hire ng private investigator, hah. Sasabihin ko lang sa inyo pag handa na ako."

***

"Pupunta daw ng Samal sila Jack," untag ni Alyanna.

"So?"

"Pwede daw tayong sumama at magdala ng kaibigan," sagot niya. "Gusto ko talagang sumama."

"Edi sumama ka."

"Sama kayo ni Mia," yaya niya. "Please?"

"Ayoko." Umiling ako.

"Bakit?"

"Tinatamad ako."

Ngumuso siya at napahalukipkip. "Please?" she pleads. Nag puppy-dog eyes siya. "Please?"

"Ayoko," matigas kong sabi.

"Kasama daw si Sage," she points out. "That means sasama ka rin, di ba?"

Sasama si Sage? I pretend to have second thoughts about going with them. Ayaw ko na gamitin ni Alyanna si Sage na sandata para mapasunod ako sa mga kapritso niya. Nagpakawala akong buntong-hininga at kunwaring nag-aalangan na sinabing, "Okay, fine."

Lumiwanag ang mukha niya at tumalon sa galak. "Yes! Operation: Seduce Sage is now on!"

"Seduce mo mukha mo," sagot ko nalang.

False ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon