XIV
All To Myself
"WAIT . . . SHE'S back?!" narinig kong bulalas ni Sage sa telepono. Bakas ang pagkabigla sa mukha niya, at napansin ko ang pag-tense ng kanyang likod—he's nervous. Maya't maya, ang kaba sa kanyang ekspresyon ay napalitan ng pagkalma.
Nagbabasa ako ngmga magazines. Nakatambay kami ngayon sa penthouse niya. Nagiging madalas na ang pag-tambay ko dito. I like it here. Para kasingparaiso namin ang lugar na itoni Sage. Palihim akong sumulyap sa kanya habang nakikipag-usap siya sa kaibigan niya sa telepono.
Parang tumakas ang dugo mula sa mukha ni Sage sa sinabi ng kanyang kaibigan sa kabilang linya; namutla siya. "I don't want to," naiirita niyang sinabi. "No, ikaw nalang sumundo sa kanya."
Pinakinggan ko ang mga sinasabi niya. What's that about?
"Fine!" Nababanas na siya sa sinasabi ng kausap niya. "No, nothing's wrong. I just don't want to see her. Okay, fine, I will. But she better keep her mouth shut!" bulyawniya. Ilang minuto ay binaba na niya ang tawag.
"Ano yun?" diretso kong tanong.
Binaling niya ang atensyon niya sa'kin. Kumunot ang kanyang noo, at nakita ko na naman 'yong takot sa kanyang mga mata. "May kaibigan akong galing Germany. I-I have to . . . pick my friend up on the airport." Pumiyok siya.
Ba't mukhang takot siya? May something ba sila nung tao na 'yun? Ba't parang ayaw niyang makita yung tao na 'yun? Kumunot ang noo ko. "Babae o lalake?"
Napabuntong-hininga siya at medyo kumalma. "Babae."
"Anong pangalan?" usisa ko.
"Catherine," sagot niya. "What's with the questions?"
"Gusto ko lang malaman pangalan niya. In case na malandi siya, at least may handa akong panlait sa kanya."
Nawala ang tensyon sa kwarto. Umupo siya sa couch sa tabi ko. "Selosa," aniya.
"Nagsalita ang understanding na boyfriend," I retort.
Isang mapaglarong ngisi ang gumuhit sa kanyang labi. Nagtataka ko siyang tinignan. "So boyfriend mo na pala ako?"
"Ano ba ang tingin mo sa'ting dalawa? MU? Malanding ugnayan? Parang high school lang," I scoff.
"Nililigawan kita, ah," untag niya. "You didn't officially say yes."
"Hay nako! Sa simula pa lang, dun din naman ang kahahantungan nitong malanding ugnayan natin!"
Humalakhaksiya. "Malanditalaga?"
"Bakit? Gusto mo ng demure? Naku! Di na pwede sa'tin yan, Ferrero. De-virginized na ang lips ko sa'yo."
He has this amused expression on his face. "Girlfriend nakita," aniya. "Pero mas masarap parin talagang asawahin ka. There's no limit to what we could do."
"Do you want to get married because you want that to happen?"
Pilyo siyang ngumiti. "That's one of the reasons."
Hinampas ko siya sa kanyang braso, at nagkunwari siyang nasaktan. "Alam mo, hindi naman ako naniniwala sa mga after marriage thing na yan," biglang pag-aamin ko. "Pwede naman gawin ang bagay na 'yan basta't responsable ka at alam mo ang pinapasukan mo."
"Alam ko naman ang papasukan ko."
"Ang sagwa naman pakinggan!"
"Ikaw lang naman ang naglalagay ng kulay sa mga sinasabi ko," inosente niyang sagot.

BINABASA MO ANG
False Chase
General Fiction(Cortez Series #1) Five years ago, Ellise had only loved and chased one man: Sage Dustin Ferrero. The chase became successful and she'd managed to win his heart. Unfortunately, circumstances separated them; Sage suddenly left without a word. P...