Chapter XXIII

8.3K 88 1
                                    

XXIII

Call


NAGISING AKONG nakakulong sa matipunong bisig ni Sage. Mahimbing siyang natutulog. I watch how his chest heaves. Using my index finger, I trace the outline of his thick and well-defined eyebrows, his long nose line, his luscious lips and his perfect jaw. I run my fingers through his hair. He looks so perfect.

Sabi nila, pag parati mo nalang daw nakikita ang isang bagay, magsasawa ka daw. Pero si Sage, kahit ilang beses ko na siyang nakikita, hindi parin ako nagsasawa.

Pinaulanan ko siya ng hinalik; sa kanyang bunbunan, pababa sa kanyang noo, pagkatapos ay sa kanyang pisngi. Napangiti nalang ako.

"Ba't di mo sinali ang labi ko?" bigla niyang tanong. Nakapikit parin ang mga mata niya, pero nakita kong pinipigilan niyang ngumiti.

"Ayoko, hindi pa ako nag-toothbrush," sagot ko.

"Sige na . . ."

Tatayo na sana ako pero hinila niya ako pabalik sa kama. "Sage!" sigaw ko. Naramdaman ko ang kamay niya sa beywang ko. Matapos ay humagalpak ako ng tawa dahil nakikiliti ako. Para akong mawawalan ng hinga sa kakatawa. "HAHAHA! Utang na loob . . . t-tama na."

Pero hindi niya ako pinakinggan dahil patuloy lang siya sa pagkiliti sa'kin. Agad akong nakabawi at kiniliti din siya.

After that, we lay cuddled for I don't know how long.


"Maligo muna ako," deklara ko.

Gumuhit ang mapaglarong ngiti sa kanyang labi. "Gusto mo samahan kita?" tanong niya.

Pinandilatan ko siya. "Ferrero . . ."

He raises his hands up in surrender. "Biro lang."

"Pwes, hindi ako natatawa," sambit ko. Hindi naman ako galit o ano, pero baka bumigay ako pag gusto niya talaga.

I step inside the bathroom. Umaagos ang tubig mula sa sprinkler ng shower. Naramdaman ko ang kirot sa ibabang bahagi ng katawan ko. Kahit gaano ako katagal magbabad sa tubig at maglinis, alam kong hinding-hindi na mawawala ang marka na iniwan ni Sage sa akin.

I've always believed that having sex with someone doesn't mean that they'll have a hold on you. But what I did with Sage wasn't casual sex . . . it was making love. It'll always be special; something I'll treasure forever. Even till' the day I die.

Maraming mga babae ang tumatanggap ng kahit anong kagaguhan sa lalaking nakauna sa kanila, at ayokong maging katulad nila. Pero mukhang magiging katulad ako sa kanila.

What happened last night will always link me to him. Kahit gagaguhin niya ako; kahit iiwan niya ako, parte na siya sa'kin.

Pagkatapos kong maligo, ginawa ko ang usual kong ritwal sa umaga. May toothbrush, toothpaste, lotion, moisturizer, hair oil atbp. sa rack ng banyo ni Sage.

It's so strange how he knows me so well; I never even asked or told him, and yet he knew that I needed all of these.

Nakatanggap bigla ako ng mensahe mula kay Alyanna. Gusto niyang makipagkita. Tinapik ko si Sage at sinabihan siya, "Makikipagkita ako kay Alyanna. May gusto daw siyang sabihin."

"Hatid na kita," he offers.

"Okay, fine."

Hinatid ako ni Sage sa harap ng coffee shop. Puno iyon, pero nakita kong nakapuwesto si Alyanna sa labas. Bumaba ako ng kotse, pero bago ako nakaalis, hinalikan ako ni Sage sa labi.

False ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon