Chapter VI

10.6K 139 6
                                    

VI

Type Ko


PAG GISING KO sa umaga, unang bumungad ang mukha ni Sage. Ba't nandito siya? Kinusot ko ang aking mata at hinayaan ito na makapag-adjust sa liwanag. Niliko ko ang aking tingin para mahimasmasan ng konti. Nakaramdam ako ng kirot sa ulo ko.

Hinawakan ko ang aking noo at minasahe iyon gamit ang aking daliri. Ano bang nangyari kagabi? Wala akong maalala. Pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi, ngunit wala talaga akong matandaan. Ang huli kong maalala ay 'yong paglalaro nila ng Trip To Jerusalem.

"Okay ka na?" tanong niya.

Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya. At nagising ang diwa ko nang napansin na kakatapos niya lang palang maligo. Pinasadahan ko siya ng tingin. Tanging tuwalya lang ang kanyang saplot. Basa ang kanyang buhok, at klarong-klaro ang linya ng kanyang biceps at 6-packs. Jusko po! Wag niyo naman akong hayaan na magkasala.

Napaawang ang bibig ko. At naalala ko ang tanong niya kanina kaya tumango nalang ako.

"Close your mouth, naglalaway ka," aniya. Binigyan niya ako ng ngiting aso.

Damn him and his effect on me! May naramdaman akong kung-ano na namuo sa aking sikmura. Gusto kong ilabas 'to. I have the sudden urge to vomit. Dali-dali akong bumangon, tumakbo patungong banyo at nilagpasan si Sage.

Lumuhod ako sa may toilet bowl at sumuka doon.

"Ba't ka nasusuka?" tanong ni Sage.

Hindi ko siya sinagot at patuloy lang sa pagduduwal. Nagsisi tuloy ako sa pag-inom. Sa tanang buhay ko, ito ang ikalawang pagkakataon na nagka-hangover ako. Ipinapangako ko na ito na talaga ang huling pagkakataon na maglalasing ako.

"Ang advance mo naman. Hindi pa nga kita nabubuntis susuka ka na agad? Paano nalang pag naging tayo na?" kantyaw ni Sage at humalakhak.

Leche! Gusto kong maglupasay sa kilig dahil sa sinabi niya, pero ngayon ay inuunahan ako ng sikmura ko. Napasinghap ako matapos kong sumuka.

Inalalayan ako ni Sage na tumayo.

Uminit ang pisngi ko. "Salamat," mahina kong sabi.

"No problem. Basta ikaw." Ngumiti siya.


"Ba't ka ba nandito?" tanong ko kay Sage at umupo sa kama.

"Dito ako natulog kagabi," sagot niya.

"Hah? Asan nga pala si Mia?"

"Kasama niya si Damian sa isang kwarto. Nalasing din kasi yung kaibigan mo kagabi at..." Hindi niya na pinagpatuloy ang kanyang sinabi at napakamot sa kanyang batok.

"At?" Binigyan ko siya ng tingin na uhaw sa sagot. Ba't pumayag si Mia? Naku! Baka madungisan si Mia ng kasungitan ng pinsan ko.

Hindi na siya sumagot at nagkibit-balikat nalang.

Binalot kami ng katahimikan. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. "Ellise," tawag niya. "Can you please leave? Magbibihis muna ako."

Ngayon ko lang na-realize na nakatapis lang pala siya. "Ah, si...sige." Tumayo ako at dali-daling umalis sa kwarto.


***


"Nakakaloka ka 'day!" narinig kong bulalas ni Alyanna. Magkausap sila ngayon ni Mia. "Nag-tantrums ka kagabi tapos nagpatabi ka pa kay Damian na matulog. You're worse than Ellise when you're drunk!"

False ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon