Chapter XI

9.7K 120 3
                                    

XI

I Trust You


TUMINDIG ANG balahibo ko nang narinig ang malamig niyang boses. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng kanyang mukha, pero sigurado akong galit siya.

"Didn't I tell you not to open that door?" Umigting ang kanyang panga. "Don't ever go into that room!" Tumaas ang kanyang boses.

Napalunok ako. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang galit. Alam kong kasalanan ko ito, pero bakit kung makapag-react siya eh parang katapusan na ng mundo? Hindi akonagsalita at tinignanlangsiya. Kinagat ko ang ibabang labi ko.

Hindi ako takot, naguguluhanlang at nagtataka.

Ilang minuto ay napalitan ang galit ng takot sa kanyang mukha. "I-I'm sorry," bulong niya. "I need to cool my head down." Hinagis niya ang mga paper bags, natantyako'y naglalaman ng mga damit na binili niya, sa couch.

Nilagpasan niya ako at pumasok sa kanyang kwarto. Pabagsakniyang isinara ang pinto.

It's my fault, at tanggap ko iyon. Now, I have to find a way to console him. Nag-iisip ako ng option sa utak ko. Choice A, lambingin siya at mag-sorry; choice B, magtataray at hahayaang siya ang maka-miss sa'kin; choice C, hayaan nalang siya at manuod nalang ng movie o magbasa ng libro.

Nagpakawalaakong buntong-hininga at sumalampaksa couch. Kinuhakoang paper bags nahinagis niya kanina.

Binuksan ko ang laman non. Una kong napansin ang isang supot na naglalaman ng tatlong pares ng lacy lingerie at bra. Mamahalin iyon kasi La Senza ang brand. Medyo gumaan ang loob ko sa nakita ko. "Kaya pala ayaw niyang ibaangbumili," I say to myself. Hindi ko mapigilang humagikhik. Paano kaya siya nakapasok sa isang lingerie store ng walang hiya?

Sumulyap ako sa wall clock, at alas sais na pala ng gabi. Kung hindisiyalalabas, hindi ako kakain. Oh well, okay lang naman sa'kin.

Napagdesisyunan kong gawin ang choice A.

Tumayo ako at dahan-dahang pinihit ang doorknob ng kanyang kwarto. Hindi ako kakatok kasi paniguradong hindi niya ako papapasukin.

Pagkabukas ng pinto, tumambad sa'kin ang shirtless na si Sage na nakahiga sa kama. Suot parin niya ang pantalon na sinuot niya kanina. Nakahandusay siya sa kama at mukhang mahimbing ang tulog.

Sinindot ko ang braso niya, at gumalaw siya ng kaunti. "Sage . . ." malambingkongtawag. "Sorry kanina."

"Natutulog ako, wag mo akong distorbohin."

"Natutulog ka pa sa lagay na yan?"

"Ugh . . . go away," he groans.

"Nagsusungit ka na naman," kantyaw ko. "Wag ka na magalit diyan."

Marahan kong kinamot ang leeg niya, at gumana ang plano ko na kilitiin siya dahil bumangon siya. Pinanlinsikan niya ako ng tingin.

"Sweetheart, wag ka ng magalit," malumanay kong pag-aalu. "Kung hindi mo ako papatawarin . . ." I trail off.

"What? Kung hindi kita papatawarin? Continue," naiinip niyang sinabi.

Nag-iisip ako kung ano ang pwede kong magamit laban sa kanya. Sa huli, lumabas sa bibig ko ang salitang hindi ko inakalang lalabas, ". . . hindi kita tatabihan matulog at hindi kita hahalikan."

Kumunot ang noo niya. Pero ilang sandali ay ngumisi siya ng nakakaloko. "Okay, pinapatawad na kita," aniya. "Sisiguraduhin kong mapapagod ka ngayong gabi."

Hinampas ko ang braso niya. "Ang bastos mo!"

"I'm not implying anything," inosente niyang wika. "Maraming paraan na pwedeng magpa-pagod."

False ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon