Chapter VIII

10K 123 12
                                    

VIII

Halikan


NAKARAMDAM AKO ng init sa buo kong katawan. Bawat segundong lumipas ay lumalalim at dumidiin ang halik na binibigay niya sa'kin. Para niya akong ni-markahan bilang kanya. Nalalasing ako sa ginagawa niya at nawalan ako ng huwisyo.

Nangatog ang binti ko, at parang may nagkakarerang kabayo sa puso ko. Nalasahan ko ang alak na may pinaghalong mint mula sa kanyang labi.

 Pero naalala ko bigla ang tungkol sa pag-aamin niya ukol kay Melandie. Marahan ko siyang tinulak at matalim siyang tinignan. Hindi ako ang tipo ng babae na madadaan sa karinyo. "Chura mo!" sigaw ko. "Wag mo nga akong daanin sa mga halik mo. Hindi pa rin 'yun mababago ng pagsisinungaling mo!"

"Sweetheart, I was lying," pag-aamin niya. "Wala naman talagang nangyari sa'min. I was so mad when you were locked with Kent at the closet, kaya ko nasabi yun." Napakamot siya sa kanyang batok. "I'm sorry."

"Wow hah! Parang buy one take one lang ang pagsisinungaling mo," singhal ko. "Nagsinungaling ka pa tungkol sa pagsisinungaling mo. Parang photocopy na back-to-back."

Pumungay ang kanyang mga mata at tinignan ako. "Damn. I'm so fucking crazy about you," sabi niya.

"Hindi ako mental hospital," I retort sarcastically.

"You and your smart mouth." Pinagdikit niya ang aming noo. Napasinghap siya at naramdaman ko ang init ng hininga niya. Ba't ba ang bango niya kahit lasing siya? "Alam mo bang gusto kitang halikan tuwing namimilosopo ka?"

Gusto kong mangisay sa kilig dahil sa mga sinasabi niya, pero pinigilan ko ang sarili ko. Kung mag-gi-give-in ako, for sure babalik na naman siya sa pagiging suplado.

"Simula ngayon, girlfriend na kita," he says with conviction.

"Girlfriend agad? Walang ligaw-ligaw? Bilis ah, parang instant noodles la—" Hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko dahil siniil na naman niya ako sa halik.

Hinabol ko ang hininga ko nang nagkahiwalay ang aming labi. "Stop being sarcastic. Halikan kita magdamag diyan, eh."

Uminit ang pisngi ko, at sigurado akong pulang-pula ako ngayon. Hindi na ako nagsalita. Natameme ako sa ginawa niya. ". . . . . ."

"Hindi ako yung tipo na aakyatin ang langit at kunin ang bituin para sa'yo. Hindi rin' ako korni kagaya ni Jack," aniya. "Pero kaya kong gawin 'yun para sa'yo. Kaya kong magpaka-korni. Liligawan kita hanggang sa makuha ko ang 'Oo' mo."


***


Hindi ako dinadalaw ng antok, sa kadahilanang hindi pa ako nakaget-over sa sinabi ni Sage.

Si Mia na ang ka-share ko ng room, since hindi na siya loka-loka na gustong magpatabi kay Damian. Napakadilim pero hindi parin talaga ako makatulog. Mahimbing na tulog si Mia, at ako naman ay nagpa-gulong-gulong sa kama.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa nightstand at tinignan ang oras. Ala una' na pala ng umaga.

Sa sobrang bored ko ay tinignan ko ang contact list ko. Nakita ko ang pangalan ni Sage at napagdesisyunan na palitan ang pangalan niya na naka-phonebook rito. From Masungit <3 to Masungit Kong Mahal <3. Biglang tumunog ang phone ko, at sa gulat ko ay nahulog ito sa mukha ko. "Anak ng putspa!" Napangiwi ako.

May text na galing kay Sage.


From: Masungit Kong Mahal <3

False ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon