Chapter XVI

9.1K 94 0
                                    

Warning: Medyo SPG

XVI

Second Base


NAKATOKA AKO NGAYON na mag-trabaho sa airline company ni Daddy. Imbes na isang buwan pa ako magsisimulang mag-trabaho, eh napaaga. May tatlong linggo pa sana akong natitira para makapag-bakasyon.

At gaya ng inaasahan, binigyan agad ako ni Daddy ng mabigat na proyekto. Anak ako ng may-ari ng kumpanya pero hindi ibig sabihin ay maginhawa ang buhay ka. Of course, Dad wants me to work so I could learn hard-work.

Naatasan ako sa construction ng 20-story-building para sa new branch ng kompanya.

Kahit nabigyan ako ng magandang edukasyon at sapat ang kaalaman ko bilang engineer, nasi-stress pa rin ako tuwing naiisip ko ang mga tambak-tambak na trabaho ko sa hinaharap. Magaling naman ako sa Math, pero nakakapagod parin mag-compute. Buti nalang at hindi ako nag-iisa. According to Dad, I will have teammates and a partner for this project.

"Good morning, Miss Cortez," bati ng isang matipunong lalaki. Maputi siya at matangos ang kanyang ilong. Clean-cut ang kanyang buhok at napaka-pormal ng kanyang tindig—nagmukha siyang karespe-respeto dahil sa makumpiyansang hangin na nagpapalibot sa kanya. He looks like one of those secret agent guys in movies that many women fall for. Ngumisi siya, dahilan ng paglitaw ng kanyang dimples.

Tinaas ko ang aking kilay at nagtataka siyang tinignan. "Who are you?" Alam kong walang galang ang sagot na sinukli ko, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"Ah, I forgot to introduce myself," panimula niya, nananatili parin ang ngiti sa kanyang labi, "I'm John Christoff Pontiveros—call me Chris. I will be your partner for this project." Napakamot siya sa kanyang batok at suminghap. "I hope we'll get along." Inilahad niya ang kanyang kamay.

Nakonsensya tuloy ako dahil napakagalang niya. Para bawiin ang pagtataray ko kanina, tinanggap ko ang kanyang nakalahad na kamay at nakipag-handshake sa kanya. "Ellise Karmine Cortez," tipid kong sinabi at ngumiti.

Na-diskubre ko na halos magkasing-edad lang pala kami ni Chris, pero mas maaga siyang gruma-duate kaysa sa'kin. Even though we're partners, he will be my senior, and I'll work under his wing.

Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti nalang at may gagabay sa'kin para gawin ang trabahong ito.

"First, we'll have to estimate the size of the area, and then we'll proceed with the materials . . ." Simpleng pinaliwanag ni Chris ang mga steps. Madali lang sabihin at pakinggan ang mga gawain, pero sigurado akong aabot ito ng mahigit ng tatlo hanggang limang taon para tapusin. Seryoso magsalita si Chris at madali lang naiintindihan ang pinagsasabi niya.

Nakinig lang ako ng mabuti sa pinagsasabi niya. Sa kalagitnaan ng kanyang paliwanag, nakatanggap ako ng mensahe mula kay Sage.


From: Masungit Kong Mahal <3

Where are you? Have you eaten?


Di ko namalayan na tanghali na pala. Tumango-tango nalang ako sa sinasabi ni Chris habang mabilis ko siyang ni-replyan.


To: Masungit Kong Mahal <3

I'm busy working. And no, I haven't eaten yet.


"Okay ka lang ba?" biglang tanong ni Chris nang napansin nitong nakatuon ang atensyon ko sa aking phone.

"Ah, oo."

False ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon