Chapter XIII

9.2K 110 2
                                    

XIII

Betrayed


NOONG GRADE SIX ako, panay ang panliligaw kokay Sage. Maraming nagsabi na desperada daw ako at walang respeto sa sarili dahil don, pero may iba din na humanga sa lakas ng loob ko. But I didn't care. Sila ang walang respeto sa kanilang mga sarili. The fact that they're spreading rumors about me behind my back only proved that they do not value their life for they do not find it exciting, because they wasted their time talking about other people's lives.

I wasn't desperate. I wasn't in-love. I only liked the chase. I liked Sage, because he was a challenge. That was one thing I was sure of. Para lang akong sumugal.

Hindi naging mahirap para kay Sage na maging kilala sa paaralan; gwapo siya, matalino at talented. His popularity doubled when he joined the school's soccer team. It only made him more challenging.

Nagkaroon si Alyanna ng ideya kung paano magpapansin kina Sage at sa kaibigan nito. May crush din kasi siya na teammate ni Sage. Yayayain sana namin si Mia na sumali, pero wala daw siyang crush na soccer player. Sa aming tatlo, siya lang naman ang hindi nakikisabay sa aming kapritso.

Patago kaming tumungo sa boy's locker room sa gym. Ano ang brilliant plan ni Alyanna? Harapan na bigyan sila ng love letter. Marami kasing admirers ang mga athletes. Bukod sa magagaling sila sa larong soccer, eh biniyayaan din sila ng hitsura. Halos lahat sila ay moreno at matatangkad. Payat pero may pagka-matipuno ang kanilang mga katawan.

"Shit! Ang gwapo nila lalo na't nagpa-tan sila," bulong ni Alyanna.

"Shhhh," suway ko. Nagtatago kami ngayon ni Alyanna sa may corridor ng locker room.

Dumaan ang isang lalaking janitor, pero hindi niya kami napansin. Lumingon-lingon kami ni Alyanna para i-check kung may tao pa ba. When the coast was clear, patakbo kaming pumasok sa loob ng locker room ng mga lalaki.

Pagpasok namin, bumungad sa'amin ang grupo ng mga kalalakihan. Karamihan sa kanila ay yumuko at tinatali ang sintas ng kanilang mga sapatos, yung iba naman ay isusuot pa lang ang kanilang mga shirt. Nagulat yung iba sa biglaan naming pagsulpot.

Siniko ako ni Alyanna. "Gahd! Ang ga-gwapo," mahina niyang sambit, siniguradong ako lang ang makakarinig.

Hindi ako natitinag sa mga matipuno nilang katawan. I've seen enough of those. Halos lahat ng pinsan kong lalake ay nasaksihan kong nakahubad. A boy-crazy girl like Alyanna, well, naglalaway talaga.

Pinasadahan ko sila ng tingin, hinahanap kung nasaan si Sage.

Narinig ko ang pagsipol ni Leonard—ang team captain ng soccer team. Lumapit siya sa'kin. "Hello, Ellise," aniya at pilyong ngumisi. Kahit kailan, napaka-flirt ng lalaking to. "Are you looking for me?"

"I'm here to see Sage," diretso kong sinabi, at binigyan siya ng mataray na tingin.

Sumipol ang kanyang mga kasama. "Kay Sage na yan 'pre!" narinig kong sabi ng isa.

Yes, alam na ng mga teammates ni Sage ang pagkagusto ko sa kanya.

Nilagay ni Leonard ang kanyang kamao sa kanyang dibdib at nagkunwaring nasaktan. "Ouch! I got rejected again," pag-da-drama niya.

"Wala kang pag-asa jan! Loyal yan," sabat naman ni —yung crush ni Alyanna.

Tinulak ko si Alyanna sa direksyon ni Christopher at napangiwi siya. Sinamaan niya ako ng tingin pero winagayway ko lang ang kamay ko at sinenyasan siya na ibigay na yong love letter.

Ginawa niya iyon, at dinala siya ni Christophersa isang medyo pribadong sulok.

Binaling ko ang atensyon ko kay Leonard. Napahalukipkip ako. "Asan na siya?"

False ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon