Chapter XX

8.6K 83 0
                                    

XX

Forgive


TATLONG BUWAN ANG NAKALIPAS simula nang naging boyfriend ko si Sage. Hindi naman siya perpekto—masungit, may pagka-bipolar, seloso at may pagka-possessive, pero mahal ko naman kaya kaya kong indahin. Binabawi naman ng ka-sweetan, kagwapuhan at pagka-loyal niya ang lahat.

Naging busy kami sa mga trabaho namin. Lalo na si Sage, dahil siya ang mamamahala sa kumpanya ng pamilya niya. Sa kabila ng kabusy-han, naghahanap parin kami ng oras para kausapin at kumustahin ang isa't isa. Sinusubukan naming mag-date isang beses sa isang linggo.

"How was your day?"

"Okay lang naman. Nakakapagod," I answer over the phone. Humikab ako at nag-inat. Antok na antok na ako. "Ikaw?"

Tumahimik sa kabilang linya. Parang nagdadalawang-isip si Sage sa susunod niyang sasabihin. "Okay lang." Hindi ako kumbinsido sa tono na ginamit niya.

May bigla akong naalala. "Sage."

"Yes?"

"We should meet each other's parents," sabi ko.

"My mom is in abroad, and dad's, well . . . busy," pagpapaliwanag niya. Gusto kong maniwala sa sinasabi niya, pero parang may iba pang dahilan. May tinatago parin siya sa'kin. Narinig ko ang pagsinghap niya.

"If things are serious between us, we should know each other's families," giit ko. "Ano ba ang tinatago mo Sage?"

"Marami," aniya.

"You have to meet my parents," pagsusumamo ko. "I won't take no for an answer."

"Fine."

I am relieved that he actually agrees without putting up a fight. Kahit napaka-misteryoso niya, alam kong siya ang tipo ng lalake na pwedeng ipakilala sa pamilya ko. He's worth it.

***

"Ano ang kailangan mo, Karmine?" tanong ni Ms. Marianne—ang sekretarya ni Daddy. Matagal na siyang nagtratrabaho kay daddy. Simula nung 5 years old pa lang ako, siya na ang naging kanang kamay ni Daddy. Walang asawa si Marianne, at mukhang kalahati ng buhay niya ay nakalaan sa pagiging sekretarya ni Daddy.

"I want to talk to Dad," kaswal kong sabi. "Is he available?"

"Teka lang." Kinuha niya ang isang Moleskine notebook at binabasa ang schedule ni Daddy. Kumunot ang noo niya. "I'm sorry, Karmine, busy ang daddy mo ngayon. He'll have a meeting with the board directors for the next five minutes."

Napabuntung-hininga ako. "Okay." Isang beses sa isang buwan ko lang parati nakikita si Daddy. Palagi kasi siyang busy sa trabaho, at may mga meetings siya kasama ang mga may-ari ng malalaking companies. Most of the time, he goes outside the country because the meetings and negotiations are done there.

Nag-ring ang cellphone ni Ms. Marianne. Sinagot niya ito. "Yes? Nandito si Karmine, Sir," sabi niya. "She wants to meet you, but I told her that you're busy." May sinasabi si Daddy sa kabilang linya, at tumatango siya. "Wait? Cancel the meeting?" Pinagdikit niya ang labi niya. "Okay, sir." Natapos ang tawag at tinignan niya ako; walang emosyon sa kanyang mukha. Hindi naman siya galit, pero hindi din siya masaya.

"Your dad wants to talk to you personally," she declares.

I nod. "Okay."

Tuwing nagkikita kami ni Daddy, palagi akong kinakabahan. Gusto ko kasi perpekto ako sa harap niya. Ayokong madismaya siya sa akin. I've been told that I remind him so much of my real mom, so every time he faces me, he seems to be pained. To make him happy, I decided to be a good daughter. Nagsikap akong mag-aral at naging achiever. Sinigurado kong honor ako at may awards para maging proud siya. Nakatanggap ako ng pagpupuri mula sa kanya, pero hindi padin tipikal ang relasyon naming mag-ama.

False ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon