Chapter VII

9.6K 116 2
                                    

VII

What I Want


LABEL NALANG ang kulang sa amin ni Sage para masabi kong 'official' na talaga kami.

Hindi ako assuming, pero alam ko na gusto niya rin ako. Sa pinapakita niya lately, halata naman eh. Hindi ako yung tipo ng tao na nagpapakipot. Kung sakaling masapian man siya ng espiritu ni kupido at bigla niyang maisipan na ligawan ako, hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. In the first place, I'm the one who's chasing after him.

Sa panahon natin ngayon, hindi na uso ang paghihintay. Kailangan mong gumalaw para makuha ang gusto mo. May mga bagay na hinihiling na hindi nadadaan sa dasal.

Kung dati rati'y isa lang challenge si Sage para sa akin, ngayon, masasabi kong natamaan na talaga ako. Back then, I was young and stupid; what I want, I get. But as I grew up, na-realize ko na dapat pinaghihirapan ang mga bagay-bagay. Masarap sa feeling 'yung nagwagi ka dahil sa dugo't pawis mo. Ganyan din naman sa larangan ng pag-ibig; hindi mo basta-basta makuha ang taong mahal mo. Kahit gusto ka rin niya, hindi ibig sabihin magiging madali ang lahat sa inyo.

 ***

"Guys! Laro tayo ng truth or dare," anyaya ni Sarah.

Gabi na at kakatapos lang namin maghapunan. Wala akong balak uminom ng alcohol ngayon. Sa kadahilanang pagsisisi ko kagabi.

"Hindi ako sasali," sabi ko.

"KJ!" ani Alyanna. "Lahat sasali."

Para patas, kaming lahat ay sasali. Pati ang mga mag-boyfriends at girlfriends ay nakisali; binigyan ng mga mag-jo-jowa ng permiso ang isa't isa. Ang mechanics daw, eh kailangan nagsho-shots tuwing sila ang natatapatan ng bote. Si Mia lang at ako ang naatasan na uminom ng Cali.

Nagsimula ang laro at lahat ay tensyonado. Kahit ako kinakabahan eh. I played this game before. Noong college ako kasama ang mga ka-blockmates ko. Napaka-weird kasi ng mga questions at dares. Lalo na yung pina-skinny dip sa swimming pool yung isa kong kaibigan. Ang mga katanungan ay napaka-personal at malaswa.

Inikot ni Sarah ang bote, at una itong tumapat kay Alyanna.

"Dare," diretso niyang sabi.

Kinuha ni Sarah ang isang jar at may binunot nan aka-rolyong papel 'don. In-unroll niya iyon at binasa. "Do a one minute lap dance to the person you like the most."

Lumiwanag ang mukha ni Alyanna. "Easy!" bulalas niya. Diretsong ininom ni Alyanna ang tequila mula sa shot glass. Walang chaser. Lahat ay sumipol nang nilapitan niya si Jack. Kumandong siya rito at dahan-dahan na hinudhod ang kanyang pwet sa lap ni Jack habang nagpi-play ang kanta na 'Careless Whisper.'

Ang wild ng babaeng 'to! Oh well, sa aming tatlo ni Mia at Alyanna, si Alyanna ang pinaka daring. Siya nga ang unang nawalan ng first kiss, eh. Pero hindi naman siya 'slut' o kung ano. She's sexy in her virginal way.

Isang minuto ang lumipas ay natapos na rin ang lap dance. Bumalik siya sa upuan. Humihingal-hingal si Jack at si Alyanna ay nakangiti lang ng malapad; kaswal lang sa kanya 'yon at parang wala lang.

Si Alyanna na naman ang nag-spin ng bote. Tumapat ang bunganga ng bote kay Mia. "Truth or dare?"

Nag-aalangan si Mia sa kanyang sagot. "Uhm... truth."

Kinuha niya ang isang jar, which I assume na naglalaman ng questions, at bumunot ng isang naka-rolyo na papel. "Virgin ka pa ba? Kung hindi na, gaano kataas ang bayag ng naka-una sa'yo? Kung oo, ano ang prefer mo na sukat?"

False ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon