P R O L O G U E

333 10 0
                                    

After 2 years...

Tokyo, Japan 5:00 P.M.

Justine Mae's POV

"Haruto nīsan, junbi wa īdesu. Sāikō!" (Haruto big brother, I'm ready. Let's go!)

Katatapos ko lang ayusin ang gamit ko sa maleta, nakaligo at nakaayos na rin ako. Pumasok si kuya Haruto na nakabihis, hindi sila sasama sa pag-uwi kundi ihahatid nila ako sa airport.

Nung isang araw ay nagkapag-graduate na ako ng senior high and I'm so glad dahil sa wakas makakasama ko ulit ang mga kaibigan ko sa Pilipinas.

Nakakausap ko naman si Joshua I mean Joshia pati na rin yung tatlo na magkakasama pa rin. Hanep! Squad goals talaga sila pero na nabalitaan ko kay Joshia na nasa ibang school sila nag-aaral at hindi sa Grayson University.

Kinuha ni kuya Haruto ang maleta ko na dalawa. Yung isa, mga pasalubong ang laman at ang isa naman mga damit ko. Naabutan namin si kuya Shin na nasa labas habang nakasandal sa kotse na kami ang hinihintay. Nang makita nya si kuya Haruto ay agad nya tinulungan nya ito at ipinasok sa car trunk ang dalawang maleta.

Mas lalong gumawapo ang mga kuya ko. Tapos na sila sa kanilang pag-aaral. Si kuya Haruto ang naging CEO ng kumpanya namin at si kuya Shin naman bilang isang cardiologist doctor.

Mga taken na iyan mga sis! Kung maitatanong nyo haha. Taga Philippines ang jowa nina kuya Haruto, sa video call ko sila nakilala and they're so pretty at mababait pa.

Nginitian ako ni kuya Shin at pinagbuksan ng pinto ng backseat. Gentleman as ever ang kuya ko.

Tahimik lang kami hanggang sa makarating sa destinasyon namin. Tinulungan nila akong dalhin ang mga maleta ko.

Niyakap ako ni kuya Haruto. "Ingat ka sa pag-uwi kila mama. Pakamusta na lang ako sa kanila." Tumango ako bilang tugon, hinalikan nya ang tuktok ng ulo ko.

"Makakaasa kuya."

Lumapit naman sa akin si kuya Shin at niyakap din ako. "Mag-aral ng mabuti, bunso. Kapag may nagtangkang manligaw sa iyo, ipakilala mo sa amin. Okay?" Paalala nya. "Ma-mimiss ka namin bunso." Malambing nyang dagdag.

"Tama na 'yan Shin. Baka hindi na makauwi si bunso sa ginagawa mo eh... Bunso, una na kami at may shift ang kuya Shin mo at tambak pa ang mga papeles na kailangan kong asikasuhin. Just call us kung may problema doon."

Ngumiti ako at nagsalute na ikinatawa nila. "Sir, yes sir!"

Sa huling sandali ay niyakap nila ako at hinalikan sa pisngi bago sila umalis na kumakaway sa akin palayo.

Naupo muna ako sa waiting area na bench habang hinihintay ang magiging eroplano na sasakyan ko pauwi.

Third Person's POV

Habang naghihintay at nakaupo sa isa sa mga upuan ng airport ang dalaga.

Sa kabilang banda na nasa Pilipinas ang syang pagdating ng isang binata na galing sa business trip.

Gwapo at makisig ang binata kaya bawat babae na napapadaan nya ay napapatingin sa kanya. He such a head turner.

But, lahat ng iyon ay never nya tinapunan manlang ng tingin.

"Welcome home sir." Bati ng isang lalaki na mukhang isang butler na magkasing edad lamang ng binata.

Pinagbuksan nya ito ng pinto at pumasok ang binata sa kotse. "How's my little brother, Jerome?"

"He's fine sir." Tumango na lamang ang binata at pumasok sa kotse at umalis.

Justine Mae's POV

Pagkatapos ilang sandali ay pumasok na ako sa eroplano pauwi ng Pilipinas. Excited ko nang makita sila.

Pero...

Isang tao... Isang tao lang ang nasa isip ko nang mapahawak ako sa kwintas na hugis susi. Napatingin ako sa labas ng eroplano nang magsimula na itong lumipad. Ang ganda sa labas kahit puro ulap lang ang makikita ko.

Gabi na rin. Kaya nagpa-order ako ng pagkain sa isa sa mga flight attendant na napadaan.

"Uh, excuse me miss." Tawag ko sa kanya.

"Hi ma'am, what can I help you with?" She smiled.

"Please bring me some food, thank you."

"Wait for a minute ma'am." Tumango at ngumiti na lamang ako bago sumandal sa upuan.

Pagkatapos kong kumain ay natulog muna ako.

Nagising ako ng may tumatapik sa balikat ko. "Wake up miss, we're here."

Dumilat ako nang dahan-dahan, nasilayan ko ang isang lalaki na kasing edad ko lamang. Nanlaki ang mata ko dahil sa ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Nang mapansin ang lagay namin ay taranta syang lumayo sa akin na namumula at napahawak sa batok.

"Sorry talaga miss." Nahihiya nitong paumanhin.

"Huh? O-okay lang hehe. Salamat nga pala at ginising mo ako, kung hindi sigurado ako na naiwan na talaga ako dito." Tumayo na ako para kunin ang mga maleta ko na dalawa na nasa taas. Narinig ko pa syang tumawa nang mahina.

Kukunin ko na sana ang mga maleta nang unahan nya ako sa pagbaba ng mga nito. "Salamat." Ngumiti ako sa kanya nang matamis.

Nakita ko ang pagpula ng mga tenga nya. Nani?

"Y-you're welcome. By the way, I'm Trevor." Pakilala nya.

Ngumiti ako sa kanya. "Justine Mae."

Namula na naman sya?

"Sabay ka na sa akin." Alok nya sa akin.

Nagtaka naman ako. "Friends na ba tayo?"

He chuckled. "Syempre naman. Diba nagpakilala naman na tayo sa isa't isa?" Pout nyang saad.

Napatawa ako. Ang cute ng isang toh. "Oh sya, sige na nga." Nagniningning naman ang mga mata nya at ngumiti nang malawak.

Sabay kaming bumaba ng eroplano. Nagkwentuhan lang kami ng mga karanasan namin sa Japan. Masaya syang kausap kaya hindi ka ma-bo-bored kapag sya ang kasama mo. Makulit din sya, aaminin ko gwapo rin sya pero may hinihintay akong tao na nangako sa akin. Sana tuparin nya.

Nagpaalam na kami sa isa't-isa dahil magkahiwalay ang way namin. Isa't kalahating oras akong nagbiyahe, nagtaxi lamang ako. Hindi ko pinaalam kila mama na uuwi ako at kila Joshia, I want to surprise them.

"Manong, dito na lang po." Huminto ang sasakyan. "Heto po pala ang bayad ko, keep the change na lang po para sa family mo." Kumuha ako sa wallet ko ng 3k at iniabot sa kanya na kakamot kamot ng ulo nyang kunin ang pera.

"Sobrang laki naman po ito, ma'am." Nahihiya nyang sambit.

Ngumiti at tinapik ko lamang ang balikat nya. "Maliit lamang iyan para sa akin kaya tanggapin mo na po para sa pamilyang naghihintay sa iyo."

"Maraming salamat po talaga ma'am. Malaking tulong po ito sa amin, maganda't at mabait po kayo kaya sana makahanap ka ng mabuti at mapagmahal na asawa."

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko sa sinabi nya. Nang bola pa si manong.

Natawa ako para maibsan ang hiya ko. "Hala! Si manong talaga haha."

Tumawa lang sya at tinulungan akong ilabas ang mga maleta sa likod.

"Ingat po kayo." Paalam ko.

"Maraming salamat po ulit ma'am!" Pasasalamat nya bago pumasok sa driver seat at umalis.

Humarap na ako sa bahay namin at napangiti. May nagbago ng kaunti sa bahay na ito kaya mas lalong gumanda.

Si mama at papa talaga.

Pinindot ko ang doorbell ng bahay.






To be continued... Enjoy! 😉

05/10/2022

© 2022 SweetQueen_24

Book 2: I Love You Sir! 👑Where stories live. Discover now