C H A P T E R 26

80 0 0
                                    

Justine Mae's POV

Nagtataka ako kila mama at papa dahil ayaw nila akong lumabas ng bahay, kahit paggamit ng gadget ay pinagbawal din. Dito na daw ako ulit titira. Ilang araw na rin ako na hindi pumapasok ng school kaya naiinis ako, yung mga missed lessons ang inaalala ko.

Naguguluhan din ako dahil nagising ako nasa hospital ako at walang maalala kung bakit ako naroon wala naman akong sakit o kahit lagnat.

"Ma'am Justine, kakain na daw kayo sabi ng papa mo." Rinig kong sabi ng isa sa katulong namin mula sa labas ng kwarto ko.

"Sige po." Walang buhay ko sagot.

Tinatamad akong bumangon pero no choice nang biglang tumunog ang tiyan ko. Walang gana akong bumangon tsaka pumasok sa banyo para maghilamos at magsuklay.

Papasok pa lang ako sa dining area ay naririnig ko ang mga tawanan nila papa at mama. Bumungad sa akin na nagsusubuan ng pagkain na sina mama at papa kaya napangiti ako habang nasa kanila ang paningin ko.

Para mga teenagers na mag-jowa ang mga magulang ko, they are sweet to each other.

"Good morning po." May masayang boses kong bati sa kanila kahit alam kong pilit iyon dahil ang katawan ko ay ayaw makisama.

Napahinto sila sa kanilang ginagawa at napatingin sa akin. Ngumiti sa akin si mama nang makita ako, tumayo sya at lumapit sa akin tsaka ako hinalikan sa pisngi at niyakap.

"Good morning too sweetie, tara na at kumain."

Tumango at ngumiti na lamang ako, tinulungan akong makaupo ni papa sa tabi nya sa kaliwang bahagi ng mesa tsaka hinalikan sa ulo.

"Thank you po, papa."

"You're welcome, princess."

Tinulungan nya din si mama na bumalik sa pagkakaupo sa kanang bahagi nya.

"Thank you, mahal." Pagpapasalamat ni mama.

"Always welcome, mahal." Malambing na sabi ni papa at kumindat kay mama na kinilig naman.

Haha ang cute nilang tingnan, sana ako rin. Kaso meron nga ba?

Tahimik lang akong kumakain habang sila ay panay ang kwentuhan nila tungkol sa business nila at kila kuya na nasa Japan.

Gusto ko na pumasok. Para kasing excited ang katawan ko na pumasok sa school na hindi ko maintindihan. Bukod sa pag-aaral? May iba pa ba na kaya ganito ang nararamdaman ko?

Napailing na lamang ako. Basta ang goal ko ay makapagtapos at mag-manage ng business nila mama sa Japan.

Pero ang problema hindi pa daw ako pwedeng pumasok sa school.

"Pwede na po ba akong pumasok sa school bukas, mama... Papa?" Sabat ko sa usapan nila.

Napahinto sila sa narinig at nagkatinginan. Naging seryoso ang mukha ni papa at pag-aalala naman ang kay mama ngunit nawala iyon nang hawakan ni papa ang kaliwang kamay ni mama na nasa ibabaw ng mesa at tumango.

Anong meron? Bakit ganito ang naging reaksyon nila? Dapat silang matuwa dahil gusto ng anak nila na mag-aral. Bumaliktad na ba ang mundo?

Huminga ng malalim si papa at diretso ang tingin nya sa akin tsaka ngumiti. "Oo, princess." Napangiti ako sa sinabi nya. "...Trinansfer ka namin sa ibang school na medyo malayo dito. Kaya hatid-sundo ka ni mang Oscar, dahil sa susunod ay pwede ka na mag-aral ng mag-drive at kumuha ng driving license mo para magamit mo na yung kotseng niregalo ko sa'yo last year."

Hindi ko alam pero bigla na lang nawala ang sigla ko kahit good news naman sa akin na makakapasok na ulit ako sa school at pwede na akong mag-aral ng magmaneho tsaka para magamit ko na ang regalo sa akin ni papa last year. Gift nya sa akin dahil sa pagka-graduate ko ng senior high, kasi pakiramdam ko parang may kulang.

"Sige po, papa." Tanging tugon ko.

Pinilit kong ngumiti kahit pakiramdam ko ay lungkot na lungkot ako. Hindi na rin akong nagtanong pa dahil sa itsura pa lang ni papa ay pagod at stress na sya sa business ng pamilya at ayaw kong dumagdag sa problema nya.

***

Pagkabukas ko ng gate namin habang nakangiti dahil sa wakas I'm free na haha. Pero nawala ang ngiti ko at napalitan ito ng pagkalito nang bumungad sa akin ang isang kotse na itim.

Wala kami ganitong sasakyan.

Mukhang mamahalin eh.

Hindi ko 'yun pinansin at binuksan na lamang ang gate para makadaan ang kotseng gagamitin para maihatid ako sa bago kong school pero saan ba ako dati nag-aaral?

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng kotse na itim.

"Good morning, wifey ko." Rinig kong sabi nya.

Napakunot ako. Wifey?

Nilingon ko sya na ganun ang reaksyon pero nawala iyon nang makita ang mukha nya na nagpabilis ng tibok ng puso ko at may kung anong kiliti sa aking tiyan. Ang gwapo mga bes!

Pero hindi basta ako magpapaloko dahil lang sa gwapo sya. Duh! Kahit gwapo sa panahon ngayon ay scammer na rin.

"My wifey, Justine." Muli nyang sabi.

Paano nalaman ni kuyang gwapo ang pangalan ko? Hala! May stalker pala ako tapos ganito ka-gwapo. My goodness!

"Hindi kita asawa kuya pero paano nyo nalaman ang pangalan ko? Anong pangalan ko kuya?"

Napakunot sya ngunit nawala rin iyon at ng mahinang pagtawa. "Hindi pa kita asawa but someday you're be my beautiful wife. By the way, I'm Liam James Grayson you're suitor for now."

Napangiwi ako. Kailan pa ako nagkaroon ng manliligaw? Baliw na yata itong si kuya gwapo.

"Pasensya na po pero hindi kita kilala kuya. Papasok na po ako sa school kung maaari lang, kumain ka sa umaga para hindi ka lutang."

Bago ko sya talikuran ay nakita ko ang pagkalungkot ng mukha nya nakatitig pa rin sa akin. Bigla na lamang kumirot ang dibdib ko nang makita ang malungkot nyang mukha.

"Wait Wifey!"

Hindi ko sya pinansin at binuksan ang pinto sa backseat ng kotse namin tsaka sumakay. Nagsimula nang magmaneho si manong Oscar, napakamot na lamang ako ng kilay.

Wews, wifey daw?

Kakaiba si kuyang gwapo. Advanced mag-isip, hindi ko nga sya kilala tapos sasabihin nya manliligaw ko daw sya.

Napahawak bigla ako sa aking ulo nang biglang sumakit ito pero panandalian lang, napangiwi at napadaing ng mahina.

Napapikit ako nang may narinig akong boses at ilang imahe pero malabo 'yun. Katulad na katulad ng boses ng lalaki kanina.

"Good morning, wifey ko."

Napadilat na ako nang marinig ko ang boses ni manong.

"Okay ka lang ba, iha? Gusto mo pumunta muna tayo sa hospital?"

Ngumiti at umiling ako na lamang ako. "Huwag na po manong, nawala rin naman po agad tsaka baka ma-late pa ako. Nakakahiya naman po kung first day na first day class ko late pa ako hehehe." Natatawa kong tanggi.

Pero hindi pa rin nawala ang pag-aalala ni manong habang nasa daan pa rin ang paningin na saglit tumingin sa akin sa mula sa rear mirror bago bumalik sa harap. Nagpilit syang ngumiti sa akin.

"Okay, iha... Tawag na ka na lang kung susunduin na kita mamaya."

"Sige po." Tipid kong sagot at tumingin na lang sa labas ng kotse.

Napabuntong hininga na lamang ako.

Kanino ba kasi yung boses na 'yun? Bakit parang pakiramdam ko may kaugnayan kami ni kuyang gwapo?

Haist! Umagang umaga sumasakit ang ulo ko pero mas masakit kung wala akong ulo.






To be continued...

08/24/2022

© 2022 SweetQueem_24

Book 2: I Love You Sir! 👑Where stories live. Discover now