C H A P T E R 12

107 1 0
                                    

Liam James POV

Tsk! How dare him na hawakan nya ang wifey ko!

Naka-cross arm at nakasandal sa upuan habang tinitingnan si wifey na masayang nakikipag-usap doon tukmol na 'yun.

Nang mapatingin sya sa gawi ko ay bumasangot at ngumuso ako habang naka-cross arm. Tinitigan nya ako at nginitian pero umiwas ako ng tingin na ganun pa rin ang itsura.

Oo na! Nagseselos na ako. Hmp!

Nang tumingin muli ako sa kanila ay nakita ko na nagtatawanan na sila. Tapos ang nakakagigil ay panay hawak ng tukmol na 'yun sa balikat ni wifey.

Gusto ko tuloy magputol ng braso gamit ang chopping knife na nasa ibabaw ng sangkalan, tsk.

"Mr. Grayson, are you okay? Mukhang papatay kayo sa itsura nyo." Rinig na sabi ng katabi ko na isang guess sa actual ng culinary.

Umayos ako ng upo at ngumiti ako ng maliit. "I'm okay, naiinip lang ako." Walang gana kong palusot habang nasa harapan ang tingin.

Justine Mae's POV

"Time's up! Hands up culinary department!"

At dumating ang tamang sandali ng paghuhukom sa aming niluto ng mga hurado. Inilagay namin ni Trevor sa tray ang aming inihandang pagkain at inumin.

"At sa unang huhusgahan ay yung unang nakatapos. Kaya simulan natin sa dalawang anghel na bumaba mula sa langit." Itinuro pa kami ni Trevor na ngayon ay may malawak na ngiti. Ang hangin talaga.

Agad kaming kumilos ni Trevor. May anim na hurado kaya tig-tatlo kami ni Trevor na dala na aming niluto at drinks.

Tumungo ako kila hubby na nakatitig sa akin habang nakangiti at tila nagniningning ang kanyang mga mata nang makitang papalapit ako sa pwesto nila.

Bipolar ang hubby ko haha.

Una kong nilapag sa dalawang hurado na katabi lamang ni hubby.

"Enjoy po." Nakangiti kong sambit.

Sunod kong pinuntahan si hubby tila isang bata na naghihintay na mapansin ng nanay nya. Nilapag ko sa harapan ang niluto at ang drink.

"Salamat, wifey." Sabi nya na walang boses pero naintindihan ko iyon.

"Enjoy, Sir. Hubby." Nakangiti kong sambit pero wala boses ang dulo na madali nyang naintindihan.

Ngumiti sya saglit pero bumalik sa pagiging seryoso. Haha kakaiba talaga si hubby.

Bumalik na ako sa aming pwesto kanina ni Trevor. Inayos ko ang aking tayo ng makitang tinitikman na ang aming niluto.

I hope our score is high.

Namamawis na rin ang aking mga palad kasabay no'n ay ang kabog ng aking puso na na napakabilis dahil kinakabahan ako sa magiging resulta.

Sana pumasa kami!

Narinig ko ang mahinang pagtawa ng katabi ko. Nilingon ko sya na nakatingin pala sa akin habang kinakagat ang labi tila pinipigilan na huwag tumawa.

"Why?" Inosente nyang tanong.

"W-wala." Tanging sambit ko at tumingin na muli sa harap. Kahit sa pagsasalita ko ay kinakabahan na rin.

After matapos nilang tikman ang lahat ng mga luto ng lahat students ng department namin. Naglalagay na sila ng scores at nag-uusap.

After a minutes...

"Ngayon ay malalaman na natin ang sampung pares na nakapasa sa actual na ito at syempre ang kanilang ranking sa kanilang scores." Binuklat na ng instructor namin ang papel na hawak nya, buong atensyon ko ay nandoon lamang.

Book 2: I Love You Sir! 👑Where stories live. Discover now