C H A P T E R 24

71 1 0
                                    

Justine Mae's POV

"May relasyon ba kayo ni dean Grayson, Justine?" Nanigas ako sa kinauupuan ko habang nakayuko pa rin. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko na hindi ako makapagsalita.

Paano na ito?! My goodness marimar!

Lumunok ako ng mga ilang ulit para matanggal ang tila bumabara sa lalamunan ko. Grabe rin ang kabog ng dibdib ko.

"O-oo, p-pero nanliligaw pa lang sya sa a-akin." Hindi mapakali na tugon ko.

I can't face him dahil sa kabang nararamdaman ko, natatakot ako sa magiging reaksyon nya. Ang sama kong kaibigan dahil hindi ko manlang nasabi sa kanya dahil sa takot na nararamdaman ko na baka husgahan nya ako- kami or worst... Malaman pa ng iba pero ngayon, it's too late.

Malamang marami na ang nakakita sa picture na 'yun dahil naka-post ba naman ito sa forum ng university and I'm scared now.

"And you, Joshua. You knew it, right?" Rinig kong tanong nya kay Joshua pero sa tono ng pagkakatanong nya ay malungkot ito.

Pasimple kong nilingon si Joshua na hindi rin mapakali sa inuupuan nya.

Tumikhim muna ito bago magsalita. "Oo, pero matagal ko na alam 'yun. Dahil simula highschool ay pagtingin si Mae kay sir James. Pero ngayon nalaman ko lang noong nasa hospital ako dahil na aksidente kami ni Mae." Paliwanag nya.

Dahil sa sinabi nya ay napaangat ako ng tingin. Napakagat ako ng sa kinakain ko ang seryoso at nagsalubong na ang mga kilay ni Trevor.

"Accident?"

Nagkatinginan kami ni Joshua at muli kami humarap sa kanya tsaka sabay na tumango habang ngumunguya.

"Pero matagal naman na 'yun, ilang buwan na rin ang nakakaraan." Anas ni Joshua na tumango ako bilang pagsang-ayon.

Magsasalita na sana ako nang maramdaman kong may likidong bumuhos sa akin at amoy kape pero ang lamig dahil may kasama itong ice cubes. Ice coffe?

"Justine! / Mae!" Nanlalaki na mga mata sigaw ng dalawa.

Napapikit ako sa inis dahil ang lagkit ko na at ugh! Naging brown ang puti kong blouse dahil sa kape.

"Pasalamat ka at hindi mainit na kape ang ibinuhos ko sa'yo na malanding babae ka!" Sigaw ng hindi pamilyar na boses ng babae ang nasa likod ko.

Napakuyom ako ng kamay at inis na tumayo tsaka sya hinarap ng may matalim na tingin. Kung nakakapatay lang ang tingin ko baka ngayon naliligo na sa sariling dugo ang hampas lupang nagbuhos sa akin ng kape at sinabihan pa ako ng... MALANDI! How dare she is?!

Pero wait! Sya yung babaeng pinagtanungan ko noong first day ko dito na akala kung sino ma-attitude, peke naman ang kilay. Tch.

"Anong tinitingin tingin mo d'yan, huh?" Mataray nyang sabi.

"Hindi ka pa nakuntento sa dalawang 'yan na nilandi at inagaw sa amin tapos ngayon naman ang gwapong dean ng Grayson University ng nilandi mo! Tsk, how slut you are." Saad nung kasama nya at sinabuyan ako ng tubig at itinulak.

Napaupo at hindi ako makapagsalita nang sabihin nya iyon, parang nanghihina ako. Nauubos ang lakas ko. Ayaw ko na bumalik sa dating ako.

"Shut up, woman!" Rinig kong sigaw sa kanya ni Trevor tsaka lumapit sa'kin na may pag-alala. May kinuha sya sa kanyang bulsa na panyo at iyon ang ipinampunas sa akin.

Dumarami na rin ang mga nanonood sa amin. Yung mga babae na fans ni hubby ay sobrang sama ng tingin at yung iba sa kanila ay tila nandidiri na tingnan ako.

Something triggered inside of me— my trauma, just like before. Ganitong ganito dati na maraming tao na nakapaligid at pinagtutulungan ako. I'm was a bullied victim before pero hindi alam iyon ng pamilya ko dahil ayaw kong mag-alala sila at ayaw kong makisabay sa problema dati ng kompanya.

So I keep it for myself many years.

Nangingilid na rin ang mga luha ko. Tila nawalan ako ng lakas at ang lahat ng tapang ko ay tila nawala na lang kusa. Nahihirapan na rin akong huminga.

Pinag-uusapan nila ako, kung ano-anong bad comments ang sinasabi nila tungkol doon sa picture at sa akin. I can't take this anymore!

Napaupo na lamang ako sa damuhan habang tinatakpan ang dalawang tenga ko at nanginginig. Ayaw ko silang marinig.

"Sh*t! Mae, anong nangyayari sa'yo?!" Natataranta at nag-aalalang tanong sa akin ni Trevor at hinawakan nya ako sa balikat ko ngunit hindi ako nakasagot.

"Umalis na kayo dito! Kapag may nangyari sa kaibigan ko! Malalagot kayong lahat, tandaan nyo 'yan!" Huling kataga na sambit ni Joshua bago dumilim ang aking paligid.

Joshua's POV

Ay p*t*!

"Dalhin na natin sya sa clinic, pre!" Natatarantang sabi ko dahil sa takot at panginginig na ngayon ko lang nakita kay Justine. Napansin ko rin ang pamumutla at naghahabol ng hininga nito.

Binuhat ni Trevor si Justine at agaran na umalis para dalhin sa clinic.

Tumingin muli ako sa paligid. "Now get out of sight! The show is over!" Irita kong sigaw sa mga nanonood na unti-unting nagsialisan.

"And now..." Tsaka tinignan nang masama ang tatlong babae na may kasalanan kung bakit biglang nahimatay ang kaibigan ko na ngayon ay tulala na nakatingin sa akin tila natatakot.

Tsk, matakot kayo. Ang pa-panget nyo.

Lumapit ako kay Beatriz at nilapit ko sa tenga nya ang bibig. Nakita ko na napaatras ang dalawang kasama nya. Mga kaklase ko ang tatlong babaeng 'to.

Maganda nga pero mas maganda sa kanya si Justine tsaka hindi ko type ang ganitong babae, in her wildest dream na magugustuhan ko sya. Ang panget ng ugali.

"Once na may mangyari sa kaibigan ko na hindi ko nagustuhan. Hindi mo rin magugustuhan ang gagawin ko at sa kompanya nyo."

Lumayo ako sa kanya na ngayon ay namumutla na. I smirked, when I saw her reaction. Umalis na agad ako na hindi ko na hinintay na magsalita sya.

She deserves consequences because of what she did to my bestfriend.

My father and her family plans to make an arranged marriage sa aming dalawa para company. Because their company ay nagkaproblema at kailangan nila ang tulong ng kompanya namin, my father and her father ay magkaibigan simula highschool pa lang pero ayaw kong mangyari ang nasabing kasalanan sa taong hindi ko naman mahal.

Nagsabi na ako kay dad pero hindi sya nakinig, maging si mom ay hindi rin sya sang-ayon sa gusto ni papa pero ngayon may dahilan na ako para hindi mangyari 'yun.

I hate her... At sino ang nasa likod ng pag-post sa picture na iyon, I will give her/him a fantastic gift na hinding-hindi nya magugustuhan at makakalimutan kailanman.

I guess magpapatulong ako kila Zero to solve this matter.



To be continued...

08/07/2022

© 2022 SweetQueen_24

Book 2: I Love You Sir! 👑Where stories live. Discover now